Dati o Date?

257 9 4
                                    

Richard's POV

Hinalikan ko sya sa labi. Hindi ko na kasi mapigilan e. Miss na miss ko na agad sya kahit halos isang araw pa lang akong wala sa bahay.

Gusto ko ng bumalik. Pero paano? Parang ayaw nya naman na nandon ako.

Pero gagawa pa rin ako ng paraan para maging maayos na ulit kami.

Hinila nya ako palabas ng company nya. At pumasok kami sa loob ng kotse ko.

"Ano na naman ba ito ha, Richard?"

"Para kang Mama ko, iiwan iwan ako tapos babalik na parang walang nangyari." Nakatingin lang sya sa ng diretso at habang nakaupo sa tabi ko sa driver seat.

Iniharap ko naman sya sa akin.

"Sorry Hon. Please, give me another chance. Wala akong ililihim sa'yo. Sasabihin ko lahat sa'yo." Pagmamakaawa ko.

Nakatitig lang sya sa mata ko ngunit wala syang reaksyon.

Ang tigas tigas nya talaga.

"Hinahanap ka na rin naman ni Frank kaya makakauwi ka na. Hindi ko na rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa anak mong yun. Marunong makabasa ng kilos at iniisip ko e." Mahinahon nya namang saad sa akin.

"Talaga Rachel? Salamat ha. Alam mo naman yun, maka Daddy." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige na, bumalik ka na sa trabaho. May client din kasi kami ni Alice ngayon. So, take care."

"So, okay na tayo Hon?"

"Pag iisipan ko."

"Sorry Hon, hindi na mauulit ung... Alam mo na yun."

"Hindi na talaga. Dahil kapag naulit pa, puputulin ko ang lahat sa'yo." At agad naman syang bumaba ng kotse at lumakad pabalik sa loob ng company nya.

Napabuntong hininga naman ako dun.
Sana maging maayos na talaga kami ni Rachel. I miss her so much kahit halos isang araw pa lang ang nakakalipas pakiramdam ko hinihila ako pabalik sa bahay namin.

Bumalik naman ako sa opisina ng kahit papaano ay panatag ang kalooban.
-----------------------------
Rachel's POV

"LQ pa rin ba kayo Mrs. Gomez?" Natatawa namang tanong sa'kin ni Alice.

"Shut up. Let's start our work." Seryoso kong saad para hindi na sya makapagtanong pa.

"Hay nako, naglilihim na sya sa'kin ngayon." Pagpaparinig nito sa'kin sabay kuha ng record book.

Napailing na lang ako sa sinabi nya.

"So, here's our new cliet Rachel. Birthday party daw. And, gusto raw nilang makita mo na ung venue next week para makapag decide na tayo ng interior and exterior design."

Nakikinig naman ako ng maayos dito.

"Kelan daw ba ang exact birthday? Saka bata ba, teenager o tanders?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kelan? Ahm. It's written here, July 11. At bata ang celebrant. Gender? Girl."

"Okay, thank you. Na meet mo na ba sila?"

"Oo, Vergara ung surname. Ung may ari ng isang sikat na company here in Makati."

"Ah, okay I see. It must be Mr. Vergara's grand daughter 'no? What do you think?"

"Gaga! May anak ba si Mr. Vergara na may asawa na? Ang alam ko, dalawa lang ang anak 'non, isang binata at dalaga pa."

"Wow! Updated ka ha." Stalker ba si Alice ng mga Vergara? Kaloka sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa'yo Na Lang Ako *Unexpected Revelations*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon