Ang pagtutuos??

399 17 8
                                    

William Calling…

“Chard… Si William.”

Sinagot nya ang tawag.

“William… Nasan ang anak ko? Wag mo syang sasaktan… parang awa mo na.”

“Honey, hindi ko sasaktan si Frank... Papatayin ko lang sya… ”

“William wag! Wag mong papatayin ang anak ko! (hagulhol nito)”

“Hayop ka William! Wag mong sasaktan ang anak ko! Hayop ka! Tayong dalawa ang magtuos! Wag mong idamay ang anak ko!” singit ni Chard

“Patahimikin mo nga yang asong kapatid mo! Baka maiputok ko tong baril sa ulo ng anak nya…

Sige, honey hindi ko sya papatayin sa isang condition…”

“Chard… hayaan mo na muna ako..” mahinahon na sabi ni Rachel habang patuloy pa ring tumutulo ang luha nya.

“Ano yun William!? Kahit ano! Ibibigay ko sa’yo!”

“Sa isang condition… Sasama ka sa’kin at maninirahan tayo sa Paris… Tayo lang dalawa at iiwanan mo na si Frank sa ama nya…”

Hindi nakaimik si Rachel.                                        

“Ano honey… Nakapag-isip ka na ba?”

“William… Parang hindi ko magagawa yang gusto mo…”

“Ah, ganon ba? Okey lang naman… Here’s your baby…”

“Mommy! Mommy! Daddy Chard! Help me! May hawak na gun si daddy! Mommy! Ayaw ko na ditto! Mommy! Help me!” iyak na iyak na sabi ni Frank.

“Baby… baby Frank… Gagawin ni Mommy ang lahat para makuha ka ha.. Wait mo si Mommy dyan ha..Ba—”

“Sige Rachel, magpakasarap ka na sa pakikipag-usap sa anak mo… Dahil ngayon mo na lang ulit makikinig ang boses ng anak mo…”

“William, sige pumapayag na ako sa gusto mo! Wag mo lang saktan ang anak ko!  Saan tayo magkikita?”

“Good Rachel! Very Good! Magkita tayo ditto sa Sta. Cruz, Laguna… Wala kang isasamang pulis… Ikaw lang at ang yaya nitong anak mo para kuhanin sya… Pag nalaman kong may kasama kang police, wag mo ng aasahang buhay ang anak mo…At aalis na tayo AGAD. Maliwanag?”

“Oo, William.”

End Call.

“Rachel, anong sabe? Nasan ang anak naten? Okey lang ba sya.”

Napaupo na lamang si Rachel.

“Richard…”

“Rachel…” umupo din ito sa tabi ni Rachel.

“Pumayag ako sa gusto nya…”

“Huh?! Anong gusto nya?”

“Ibibigay nya ang anak naten… Pero sa isang kondisyon…”

“Anong kondisyon?”

“Sasama ako sa kanya sa Paris France, doon kami maninirahan… Iiwanan ko sa’yo ang anak ko at hindi-hindi na kami babalik ditto sa Pilipinas…”

“Rachel… May iba pang paraan! Hindi tayo maghihiwalay! Hindi!”

“Pero pano ang anak ko!? Kung hindi ko sya susundin sa gusto nya! Papatayin nya ang anak ko! Mawawalan ako ng anak! Hindi ko kaya Chard! Hindi ko kaya!” Hagulhol nito.

“Pero ako na mahal mo kaya mong mawala!? Pero ako kaya mong iwanan?! Iiwanan mo na naman ba ako, ha… Rachel…”

“Chard! Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin! Wag mo naman akong papiliin sa inyong dalawa ng anak naten! Mas lalo mo lang akong pinapahirapan!” sobrang iyak na iyak na sya

“Rachel, sorry… Sorry.” Nasambit lang ni Chard.

Naiyak pa rin si Rachel…

“May naisip akong ibang paraan Rachel…

“Ano yun?”

“Magsasama tayo ng back-up na police at ako sasama din ako.”

“Baka matunugan nya na may kasama tayo, baka lalo lang mapahamak ang anak ko.”

“Rachel, ito na lang ang tanging paraan para mailigtas kayong dalawa ng anak naten… Pumayag ka na.. I'm sure magagawa naman ng mga police ang trabaho nila... Please, Rachel.”

Nag-isip-isip si Rachel ng ilang minuto..

“Sige Chard…”

Sa'yo Na Lang Ako *Unexpected Revelations*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon