#HTLABLTheBeggining
"Sari!!!"
"Jessa naman ang aga aga sigaw agad!"
"Aba! Tignan mo kaya kung anong oras na kanina pa kaya kita ginigising!"
Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan para tignan kung anong oras na. At nanlaki ang mata ko nung makita kong....
"Shit!!! 7:00 na!?"
"Hindi, hindi pa 7:00! Kaya nga kita ginising kasi maaga pa eh!"
"Ewan ko sayo! Arghhhhh!"
Tumayo na ko at kinuha ang twalya ko. Binilisan ko maligo dahil 8:00 am ang shift ko. I still have 1 hour pero hindi sapat yun dahil minsan traffic at ubusan pa ng masasakyan. 6:00 am palang kasi gising na ko dahil medyo malayo talaga ang pinapasukan kong trabaho sa dorm namin. Summer ngayon, kaya naman napag-desisyunan kong mag summer job.
Wala kasi ako sa pamilya ko si Mama ayun, hindi ko alam. Bata pa lang naman ako nung iwan niya ko. Kasabay nun ang pag kamatay ni Papa dahil sa heart attack. Kung saan saan ako tumira, palipat lipat. Nakakapagod. Hanggang sa kila Tita Daisy ako nag tagal. Kapatid siya ni Papa, 13 ako nung napunta ako sakanya, pinag-aral, inalagaan at tinuring niya kong anak. Isa lang kasi ang anak niya si Gino halos kasing edad ko lang din siya. Mag isa si Tita na itinaguyod kaming dalawa ni Gino dahil hiwalay siya sa Tatay ni Gino.
Ngayon. 19 years old na ko 2nd year collge. Nung pag ka-graduate ko ng high school sinabi ko kay tita na gusto kong mag dorm dahil nahihiya na ko, habang lumalaki ako lumalaki rin ang gastos sakin ni Tita. Pumayag si Tita at sinabi ko naman na wag siya mag alala at bibisitahin ko siya. Scholar ako kaya naman nakayanan ko mag dorm. Aral, trabaho. Lahat ng kinikita ko ay binabayad ko sa dorm at sa mga pangangailangan ko sa school pero minsan pinapadalhan din ako ni Tita ng pera. Kahit sabi ko sakanya na wag na.
Kaya naman, sobra talaga ang pasasalamat ko kay Tita Daisy dahil siya ang tumayong ina at ama ko.
Agad na kong lumabas sa banyo at tinignan ang oras. 7:15, kaya pa to!
Nag bihis ako ng mabilis at lumabas na ng kwarto.
"Friend! Aalis din ako ngayon, tutal alam kong ikaw ang mauunang umuwi mamaya. Ikaw na mag dala nitong susi." sabi sakin ni Jessa habang nag aayos siya ng kakainin niya.
"Sige. Text nalanag kita mamaya. Byeee!" Sagot ko. Sabay labas.
Naglalakad na ko papuntang sakayan. Ang init sobra! Grabe talaga tong summer ang aga aga pa ang init na agad.
Tinignan ko yung cellphone ko. 7:30 na sana talaga mabilis ang byahe ngayon. Nakakainis naman kasi oh! Bat ba ko tinanghali. Ay oo nga pala sila Yam ang may kasalanan!
Naglalakad na ko palabas ng school, nang may tumawag sakin.
"Sari!"
Nakita ko sila Yam, Jake at Gab na papalapit sakin.
Classmate ko sila sa isang subject, close ko rin naman sila actually sila, ako at si Jessa ang mag kakaibigan dito sa school. Pero wala ngayon si Jessa dahil sabi niya may kailangan daw syang tapusin.
"Tara party naman tayo!" Masayang sabi ni Jake sakin.
"Sus! Yan? Si Sari aayain niyo mag club? Hahahaha baka sumama!" Pangaasar ni Gab.
"Bwiset ka talaga Gab!" Sagot ko sakanya.
"Sariiii! Sige na sama ka na, please? Pag di ka sumama ako lang ang babaeng kasama nila panigurado pababayaan lang ako niyan!" Pamimilit sakin ni Yam.
BINABASA MO ANG
How To Love And Be Loved
RomanceHow can you say that you are loved? When you don't even know how to love.