Chapter 19

18 0 1
                                    

#HTLABLSurprise

Nag email ako kay ma'am Theresa about na pag le-leave ko ng 2 days at pumayag naman siya. Kailangan ko lang daw siguraduhin na maayos ang shop bago ako umalis.

"Jessa, sasama ba si Gab at Yam?" Tanong ko kay Jessa na nagaayos ng gamit niya sa bag niya.

"Yup. Dadalin daw ni Gab ang Hilux niya." Sagot niya sakin at ngumiti.

Medyo nag taka ako at sasama si Yam, ayos na kami pero alam kong galit pa siya sakin. Bahala na, baka sakaling magkaayos na kami. Nag ayos narin ako ng gamit ko dahil mamayang 4 am kami ng umaga aalis. Landtrip lang kami papuntang Ilocos Sur.

Natulog na ako ng bandang 9 pm, alam kong hindi rin kasi ako makakatulog ng maayos sa byahe. Nagising nalang ako sa boses ni Jessa sa mukhang maraming kausap. Minulat ko ang mata ko at dahan dahang tumayo dahil sa antok. Wala siya sa kwarto kaya naisip ko na baka nasa sala siya, pero wala rin siya kaya nag taka ako at tinawag ko na ang kanyang pangalan.

"Jessica?" Medyo malakas na tawag ko sakanya.

Narinig kong pinatahimik niya ang mga kausap niya. Binuksan ko ang main door para makalabas at tumambad sakin ang mga kaibigan kong, sina Jessa, Gab, Yam, Ruth, Peter, Dwayne at ang mga kaibigan rin niyang si Sam, Xian, at Matt. Nandito rin sina Keira kasama si Nica at Abby. At ang pinakaumagaw ng pansin ko ay si Lian na malaki ang ngiti at may hawak na banner na Happy Birthday. Napangiti ako ng tignan silang lahat. Hindi ko ineexpect to.

Nag simula silang kumanta ng Happy Birthday pero hindi ganoon kalakas dahil madaling araw palang at baka mabulahaw ang mga tao. Hanggang sa matapos ang kanta ay nakangiti lang ako.

"Thank you, Guys!" Masayang sabi ko sakanila at isa isa silang niyakap.

"Syempre, hindi namin palalampasin ang Birthday mo. Pre-birthday celebration palang to." Natatawang sabi ni Keira. Nginitian ko siya at yinakap ng mahigpit.

Si Lian ang huli kong niyakap, di na ko nag alangan at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa ginagawa ko at binulungan ako sa tainga.

"Ang ganda mo pala pag bagong gising." Bigla kong kumalas sa pagkakayakap ko sakanya at nahiya.

"Gosh, Lian. You're so annoying." Matalim ko siyang tinignan at inayos ang sarili ko.

"I volunteer to annoy you forever." Nakangiti niyang sagot at niyakap ulit ako.

"Mag ayos ka na Sari, dadaanan pa natin si Gino. Sasama daw siya." Masayang sabi ni Jessa.

"Talaga? Sige wait lang, mag aayos lang ako." Excited na sagot ko sakanya.

Bandang 5 am na kami nakaalis sa bahay. Sa sasakyan sana ako ni Gab sasakay pero pinilit ako ni Lian na dun nalang ako sa Trailblazer niya. Sina Jessa at Yam ay sa Hilux ni Gab sumakay, si Ruth naman ay sa honda civic ni Peter. At sina Sam kasama sila Keira ay sa Starex na mukhang kay Dwayne. Dinaanan namin si Gino at nag stop over saglit sa isang mall para kumain ng breakfast.

"Pinlano niyo ba ito?" Tanong ko sakanila at nagtawanan sila.

"Ang plano talaga namin ay mag throw ng simple surprise party para sayo, pero nung binanggit mo na pupunta kang Ilocos Sur sinabi ko sakanila yon at naisipan namin na mas maganda kung sasama kami sayo at dun nalang natin gawin ang celebration." Paliwanag ni Jessa.

"Sweet namin noh?" Natatawang sabi ni Abby at nginitian ko siya.

"Gino, hindi ko akalain na sasama ka?" Bungad ko sakanya.

How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon