Chapter 5

5 0 0
                                    

#HTLABLAccident


Nang matapos tumawag ni Tita sakin ay dali dali akong umalis para puntahan sila sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko, sobra kong nagpapanic sa mga nangyayari ngayon.


Buong byahe ko ay hindi ako mapakali. Sinubukan ko ulit tawagan si Tita pero hindi na siya sumasagot. Nang makarating ako sa ospital, tumakbo ako at agad na hinanap sila tita.


"Nurse, Gino Vidal anong room?" Tanong ko sa nurse.


"Room 248, diretso lang po kayo."


"Okay salamat."


Paikot ikot ako at ng makita ko ang room 248 pumasok agad ako roon. Nakita ko si Gino na nakahiga may pilay sa braso at binti, may mga galos rin siya sa mukha. Anong nangyari sakanya? Napatingin naman ako kay Tita na umiiyak.


"Tita anong nangyari?"


"Nag motor sila ng mga barkada niya, sabi ko naman sakanya na wag na siya sumama pero nagpumilit siya. Ayan ganyan ang nangyari." Umiiyak parin si Tita. Syempre kaisa isang anak lang niya si Gino tapos ganyan pa mangyayari. Niyakap ko si tita at pinatahan.


Maya maya ay nagising na rin si Gino, mukhang ramdam na ramdam niya ang sakit sa katawan niya, hays. Ewan ko ba dito, hindi na inalala si Tita, napakatigas ng ulo.


"Gino okay ka lang ba? May masakit pa ba?" Tanong ni Tita kay Gino.


"Ughhh, ang sakit ng likod ko." Sagot ni Gino.


"Ha? Ano tatawag ba ko ng Doctor?"


"Wag na, ma. Ayos pa naman ako."


Napatingin sakin si Gino na parang nagtataka kung bakit ako nandito.


"Hay nako, Gino." Sabi ko sakanya.


"Sorry. Sorry din Ma." Sagot niya sakin at tumingin din kay Tita.


"Nako Gino, please lang wag mo na ulitin to. Papatayin mo ba ko sa kaba? Halos mamatay ka na dahil dyan sa aksidente na yan. Hindi ko kaya mawala ka, kaya please lang anak. Ingatan mo naman ang sarili mo."


"Sorry na nga Ma, pasensya narin kasi ang laki laki ko na iniintindi mo parin ako. Makakalakad pa ba ko ma?"


"Hindi ko alam. Pero ang sabi ng Doctor malala ang pilay mo sa binti, nagkaproblema sa buto mo. Pero huwag ka magalala makakalakad ka anak, okay?"


"Sana nga, Ma."


"Pahinga ka na muna."


Umupo muna ako sa Sofa para makapagpahinga. Habang si Tita naman ay nag aayos ng gamit. Laking pasalamat nalang at ganyan lang ang sinapit ni Gino, pero sana makalakad pa siya. Sana gumaling siya agad.


"Sari, pasensya ka na sa abala. Sobra lang talaga yung kaba ko kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala yan si Gino. Kayo nalang ang meron ako, di ko kaya na mawala ang isa sainyo."


"Pasalamat narin talaga tayo Tita at di siya natuluyan. Mahal na mahal rin namin kayo, tita." Lumapit ako sakanya at niyakap siya.


Dun muna ko sa ospital natulog at sinamahan si Tita. Tumawag rin ako sa Manager ko para sabihin na hindi ako makakapasok, gusto ko lang talaga tulungan si Tita dito.


From: Lian Gomez


Sari.


To: Lian Gomez


How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon