Chapter 20

16 1 3
                                    

#HTLABLSleep


Naka tulog ako at nagising nalang ng nasa La Union na kami, patungo kami ng San Juan dahil dun kami sa Resort ng Tito ni Gabriel tutuloy. Napagkasunduan na din namin na mag stay kami dun for one day at yung dalawang natitirang araw para sa pag pasyal sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.


Halos sabay sabay lang kami ng pagbaba sa sasakyan. Sinalubong agad ng isang maganda ngunit may edad na babae si Gabriel. Asawa ata ito ng Tito niya.


"Long time no see, Gab." Bati niya rito at nakipagbeso.


"Good Evening Tita. Uhm, dito po sana kami tutuloy ng mga kaibigan ko for one day nasabi ko na po kay Tito." Sagot ni Gab.


"Nabanggit na nga niya sakin, you and your friends are welcome here. No need to pay, it's all free. Enjoy yourselves here." Nakangiti niyang sabi saamin.


"Sure Tita? Nakakahiya kasi medyo marami din kami." Nagaalangan sagot ni Gab. Nakakahiya naman talaga, ang dami namin tapos libre lang.


"Okay lang. Papahanda ko yung isang connected room and 2 normal rooms. Ikaw Gabriel dun ka na lang matulog sa kwarto ni Diego, wala naman siya ngayon dito."


"Thank you, Tita. Nasan nga po pala si Tito?"


"Nasa taas nag ta-trabaho pa. Osige na, mauna na ko." Paalam ng Tita niya. Ngumiti kami rito at nagpasalamat din.


Dito sa Resort na ito may isang malaking bahay at yun ang bahay ng Tito ni Gabriel, pumunta kami sa isang open area kung saan maraming tables. Dito ata kami mag di-dinner.


Matapos namin kumain ay medyo nag pahinga kami sa may bandang dagat, sobrang ganda dito lalo na siguro sa umaga. Excited na tuloy ako libutin to bukas.


"Dwayne, Sam, Xian, Matt, Gino, and kayo Keira, Nica, Abby, Yam at Jessica. Dun kayo sa connected room. Don't worry malaki yang dalawang kwarto mag ka-konekta you can also lock the door kung ayaw niyong makita ang isa't isa." Sabay abot ni Gab ng susi kay Dwayne.


"Sari, Ruth. Sa isang normal room kayo." At inabot naman ni Gab ang susi sakin.


"Peter and Lian. Sa normal room din kayo." Inabot din niya ang susi kay Lian.


Hinatid kami ng mga trabahador dito sa Resort sa kanya kanyang room namin. Pagkapasok namin ng kwarto ni Ruth ay agad niyang nilapag ang bag niya at humiga sa kama.


"Gosh, I'm so tired." Sabi niya saakin.


"Ako rin. Pero mukhang di ako makakatulog agad dahil natulog ako sa byahe." Sagot ko sakanya at umupo sa maliit na sofa malapit sa kama.


"Hay, sige clean up muna ako. I badly want to sleep na talaga." Paalam niya sakin at pumasok na ng banyo.


Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tita.


"Hi Tita." Bungad ko sakanya.


"Hello sa maganda kong Anak. Kamusta kayo dyan?"


"Nandito po kami sa La Union, mag iis-stay po kami ng isang araw dito sa Resort nila Gab. Kayo po kamusta dyan?"


"I'm fine. Ang ganda rito sa Cebu. Advance Happy Birthday Rosari, sorry kung wala ako sa Birthday mo sa darating na sabado. Pag may time ako magse-set ako ng Dinner natin nila Gino."


"Okay lang Tita. Miss na kita, next week po kita tayo. Ingat ka dyan Tita, I love you."


"I love you and I miss you too. Ingat rin kayo dyan, bye."


How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon