Chapter 2

60 4 1
                                    

#HTLABLOffer


Natapos na ang shift ko ng mga 2:30 pm. Grabe nakakapagod ngayong araw, ang daming tao. Ni hindi pa nga ako nakakapag lunch eh. Pero okay lang sanay naman akong late lunch palagi.


Dumiretso ako sa pinaka malapit na mall dito. Meron namang libreng pagkain dun sa Fast food na pinagtatrabahuhan ko, pero sawa na kasi ako dun araw araw ganun puro karne nalang kinakain ko hindi na healthy yun.


"Isang salad bowl and Apple juice." Nginitian ko yung cashier.


"Okay ma'am. Mga 5 to 10 minutes lang po. Madami po kasing order." Nakangiti nyang sabi sakin.


"Sige." Sagot ko.


Umupo lang ako sa gilid kung saan pang dalawang tao lang ang table.


"Bat kaya walang pang-isang table dito sa mall." Sabi ko sa sarili ko. Sabay natawa nalang ako, Kelan pa ko naging bitter sa buhay hahahaha.


Naglaro laro lang ako sa phone ko. Nang mapatingin ako sa mga taong naglalakad.


Teka, yun yung lalaking nanghingi ng gravy sakin kanina ah. Hahahaha. May kasama siyang babae na ka-holding hands nya, girlfriend niya siguro.


"Here's your order ma'am."


"Ah thank you."


Kinuha nya yung number at umalis na. Nandito lang ako sa food court mas mura kasi dito kaylangan kong mag budget.


Nang matapos akong kumain, naglakad lakad lang ako. Ang gaganda ng mga damit at sapatos pero ang mamahal. Naisipan kong bumili ng isang T-shirt kaya pumunta ako sa mga sale na damit kung saan tig 100 lang ang mga blouse at T-shirt.


"Yes ma'am anong hanap niyo?"


"Umm, t-shirt."


"Dun po sa dulo." Tinuro niya sakin yung helera ng mga tshirts.


Tinitignan ko ang bawat sulok ng mga tshirts kung may damage. Nang biglang may tumawag sa phone ko, kinuha ko yun ng mabilis dahil baka importante.


"Hello?" Bungad ko.


"Rosari Wayne, right?"


"Yes po. Ano po kailangan niyo?"


"I'm miss Reyes, your prof last year. Remember, nung pinagawa ko kayo ng designs ng dresses and gowns? I'm really impressed. I wanted to open a shop this month and I want you to be my designer."


Really? Totoo yang sinasabi ni Ma'am Reyes?!


"Ma'am gusto ko po. Kaso titignan ko yung oras ko. Pero ma'am I really want that job, malaking tulong po yan sakin. I'll call nalang po ulit. Thank you ma'am. Sobrang saya ko po."


"Sige, Hintayin kita ah? Just call me if you have questions, okay?"


"Okay ma'am. Bye po!"


Omggggg! I don't know what to feeeel! Grabe kasi di ko naman talaga ineexpect yun. Syempre maraming mas magaling pa sakin. I'm sooooooo happy! Naiimagine ko na yung sarili ko bilang designer. Masyado na ata kong excited. Haha!


Hindi na ko nakabili ng tshirt at umuwi nalang, 5:00 pm. narin kasi ayoko na mag pa gabi delikado.


"Sakay na sakay na! Oh lima pa sa kaliwa." Sigaw ng batang nagpapasakay.


How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon