#HTLABLJealous
After weeks of staying in the hospital, na-discharge na rin si Lian. I'm happy na nagiging okay na siya at yung relationship nila ng Lola niya, nag sorry and nakapagusap na rin sila ng maayos. Ako naman, ito back to work. I received an email from Ma'am Theresa, she said she's still busy and I have to care of everything. I didn't complain, infact I'm starting to get used of it.
I got this big client and I'm going to design her wedding gown and she invited me to her wedding too. I'm really excited for this one, mostly kasi puro sa debut, events, and ball.
"Ma'am Sari, pwede po ba ako mag half day ngayon?" Nahihiyang tanong sakin ni Rea na isa rin sa mga nag ta-trabaho dito.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Uhm, wala po kasing kasama sa bahay yung anak ko, nagkataon po kasing wala rin yung kapitbahay namin na pinagiiwanan ko sakanya." Sagot niya saakin at halatang di na mapakali.
"So you mean walang kasama yung anak mo ngayon sa bahay niyo?" Tanong ko ulit sakanya.
"Opo Ma'am." Sagot niya sa akin at napayuko.
"Hala, osige na mag out ka na ngayon na. Dapat hindi ka nalang pumasok ngayon. Maiintindihan ko naman." Sagot ko sakanya at ngumiti.
"Salamat ma'am. Sige po una na ko." Sagot niya sa akin at nagmamadaling umalis.
Ang hirap talaga pag single parent. Kaya nga bilib talaga ako kay Tita Daisy na nagawa kaming palakihin ni Gino ng siya lang mag isa. Mahirap minsan pero hindi niya kami pinabayaan at binigyan niya kami ng maayos na buhay.
Si mama kaya? Nasaan na kaya siya ngayon? Naalala pa kaya niya ako? Gustong gusto ko na ulit marinig yung boses niya, gusto ko na ulit maramdaman yung yakap niya. Miss na miss na kita, Mama. Pangako hahanapin kita pag kaya ko na. Sa ngayon, tutuparin ko muna yung pangarap mo sakin. Ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na buhay.
Mabilis ko rin na tinapos ang mga naiwan kong trabaho at nagpasya ng umuwi. I think it's time na dalawin ko ulit si Papa, ang tagal na nung huli kong dalaw sakanya.
"Aga mo ngayon ah?" Bungad sakin ni Jessa.
"Syempre, ako pa." Sagot ko sakanya at ngumiti.
"Chicken for dinner, Madam Rosari." Proud na sabi niya saakin.
"Wow. Di ka na takot mag prito?" Natatawang tanong ko sakanya at ngumuso naman ito. Marunong naman mag luto ito si Jessa pero pag mga chicken at isda ayaw niya prituhin.
"Hindi na. Syempre sa una nakakatakot naman talaga. Alam mo wag ka na kumain, jina-judge mo nanaman ang pagpi-prito ko." Sagot niya saakin at mas lalo akong natawa. Pikon talaga to. Nilapitan ko siya at kumuha ng isang chicken.
"Joke lang syempre. Kain na tayo Jessica ko, please?" Paglalambing ko sakanya.
"Nako, sige na nga. Pero masarap talaga yan." Todo ngiti niya pang sabi.
---
Mag bi-birthday na ko sa sabado, mag le-leave muna siguro ako ng thursday at friday para dalawin si Papa sa Ilocos.
"Jessa, mag le-leave ako this coming Thursday and Friday, gusto ko sana dalawin si Papa sa Ilocos. Baka gusto mo sumama?" Tanong ko sakanya habang nag a-ayos na para pumasok sa trabaho.
"Uhm, sure sige. I like that. Super pagod at stress narin ako, mag le-leave narin siguro muna ako. Tsaka okay narin yung trabaho ni Dad, sabi niya mag resign na ko sa isa kong trabaho." Sagot niya sakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
How To Love And Be Loved
RomanceHow can you say that you are loved? When you don't even know how to love.