#HTLABLSurpriseParty
We're all walking here in Calle Crisologo, ang romantic tignan ng place na to pag gabi. Parang yung sa mga sinaunang love stories.
"Let's take a picture." Tawag samin ni Keira.
Nag picture kaming apat. Ako, si Lian, Dwayne at Keira.
"Wow, love birds in Vigan." Pangaasar ni Sam.
"Bitter!" Iritang sabi ni Keira at umirap.
"I'm not bitter." Sagot pa ni Sam.
"Ano ka ba, no boyfriend since birth yan si Rosari." Sabat ni Matt.
"Ay grabe naman pala. Precious ang heart." Sagot ulit ni Sam.
Natawa naman kami, lumapit si Gino at inakbayan si Sam. "Gago! Precious talaga. Bugbugin ko mananakit dyan." Sabay tingin niya kay Lian. Iba talaga to si Gino ngayon, parang dati pinipilit niya ko mag boyfriend. Siya pa nga nagrerecommend ng mga lalaki sakin eh, tapos ngayon naman ang protective masyado.
"Easy bro." Sagot ni Xian at tinapik sa likod si Gino.
"Tara na, hayaan muna natin ang mga love birds. Gusto kong pang inisin sila Abby." Dagdag pa niya.
Naiwan naman kaming apat mag kakasama, hindi ko alam kung nasaan sila Ruth dahil kung nandito siya malamang sila ni Lian ang magkasama.
Nag simula ulit mag lakad sila Keira habang mag ka-holding hands. Habang kami ni Lian ay nag lalakad lang ng sabay.
"Can I hold your hand?" Tanong ni Lian sakin.
"Tatanong ka pa, kanina nga hinawakan mo na." Sagot ko sakanya at natawa.
"So pwede kong hawakan ang kamay mo kahit kelan ko gusto?" Nakangiti pa niyang sagot. Napangiti nalang din ako at nagkibit balikat.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pumunta sa ibang direksyon, kaya nag taka ko at tumigil. "Wag na tayo humiwalay sakanila, uuwi narin tayo maya maya."
"I have a car, Sari. Pwede tayo umuwi kung kelan natin gusto." Sagot niya nang di man lang tumitingin sakin.
"Libutin muna natin to." Dagdag pa niya.
"O-okay." Sagot ko sakanya.
Busy siya sa pag ta-type sa cellphone niya habang naglalakad kami, pero ang isang kamay niya ay hawak parin ang kamay ko.
"Sino bang ka-text mo?" Hindi ko na napigilan mag tanong dahil kanina pa siya may ka-text. Sabi niya maglilibot kami tapos nakatuon naman siya sa phone niya.
"Uhm, wala. Let's go buy some drinks."
"Bakit? Mag iinom kayo?"
"Yup. Nagyaya sila eh." Sagot niya sakin. Nag lakad na kami papunta sa sasakyan niya.
Pumunta kami sa 7eleven para bumili ng pagkain at mga inumin. Sobrang daming snacks ang binili ni Lian.
"Ang dami ah?" Tatlong supot ba naman kasi yung mga chichirya tas plus yung drinks pa.
"Mahirap na pag nag kulang." Sagot niya sakin at ngumiti.
Dumiretso na kami sa bahay, nakapark na ang mga sasakyan nila sa labas kaya malamang ay nasa loob na sila. Buti nalang at binigyan ko ng susi si Jessa kung hindi di sila makakapasok.
BINABASA MO ANG
How To Love And Be Loved
RomanceHow can you say that you are loved? When you don't even know how to love.