Chapter 17

16 0 0
                                    

#HTLABLCatchingUp


Tahimik lang ako nag mamasid sa mga taong nasa labas habang kumakain ng fries. We are on our way to airport, sa sasakyan kami ni Gab nakasakay kasama si Jacob. At sa isang sasakyan naman ang pamilya niya na sinusundan lang namin. Ngayong araw na ang alis nila ng pamilya niya, lahat kami malungkot at emotional. Buti sana kung weeks and months lang, kaso taon eh. Hay.


"Takas ka nalang Jacob." Sabi ni Jessa na teary eye na, natawa naman si Jacob at umiling iling nalang.


"I'll be back soon. Gusto niyo everyday pa tayo mag video call eh." Natatawang sagot niya kay Jessa.


"Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ni Yam at napatingin kami sakanya, malayo ang tingin niya sa labas alam kong sobrang hirap nito para sakanya.


"I have to. Wag na kayo malungkot, mabilis lang ang panahon." Sagot ni Jacob at ngumiti ng mapait. Napabuntong hininga nalang kami ni Jessa. Habang tahimik naming tinatahak ang daan papuntang airport mas lalo kaming tumatahimik pero nakuha ng atesyon namin ang pag singhap ni Gab kanina pa. Bigla namang humagalapak sa tawa si Jacob na nasa front seat habang tinitignan si Gab, umiwas ito ng tingin at pinunasan ang mata niya.


Gabriel De Vera is crying I couldn't believe it.


"Its okay baby. I'm going to miss you too, don't cry na." Panloloko ni Jacob kay Gab at nagtawan naman kami.


"Gago!" Iritadong sagot niya kay Jacob.


"Iniisip ko palang na maiiwan ako sa mga panget na yan naiiyak na ko." Dagdag pa niya. Sinamaan siya ng tingin ni Jessa at binato ng bottled water.


"What the fuck, Jessa? I'm driving!" Sigaw ni Gab.


"That's enough. Ayoko ng makakita ng away bago pa ko umalis." Awat sa kanila ni Jacob. Natahimik naman ako ng maalala yung saamin ni Yam. Kailangan siguro namin ng time bago kami magkaayos at bumalik sa dati.


Nang makarating kami sa airport mas lalong bumigat yung pakiramdam, ito na yun eh. Ito na yung huling kita namin kay Jacob limang taon pa ulit bago namin siya makasama. Nag paalam na si Jessa at Gab kay Jake kami nalang ni Yam ang natitira kaya humakbang na ko papalapit kay Jacob para si Yam na ang huli.


"Mag i-ingat ka don ha? Mag aral ka ng mabuti kasi for sure mahal ang tuition dun. Balitaan mo nalang kami sa mga nangyayari sayo, at wag mo narin kami alalahanin ni Yam, magiging okay din kami. Sa huling pagkakataon na sasabihin ko to sayo pag isipan mo ah? Give her a chance, Jake." Sabi ko sakanya at niyakap siya.


"Thank you, Sari. Balitaan mo rin ako ng mga nangyayari sayo ah. Ma-mimiss kita ng sobra. At wag ka magalala pagiisipan ko yan, itatry ko pero kung hindi talaga, wala na kong magagawa." Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng seryoso.


"Mahirap mag move on sayo. Pero susubukan ko." Dagdag pa niya.


"Naiintindihan ko, pero wag mo isarado yang puso mo sa iba. Okay?" Sagot ko sakanya at ngumiti.


"Opo ma'am. Pero can I have a favor?" Tanong niya sakin.


"Ano yun?"


"Can you please tell me that you love me, just this once?" Seryosong sagot niya saakin. Napatigil ako at naging seryoso.


"I love you from the very first start, but there are different kinds love, Jacob. I love you because you make me happy, you're always there for me and you're my bestfriend."


How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon