#HTLABLSorry
Dinatnan kong natutulog si Lian sa kama. Of course he's alone. Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama habang tinititigan siya, what the hell happened? Puro sugat ang mukha niya at pilay ang kanang braso.
Dahan dahan niyang dinilat ang mga mata niya at dali dali naman akong tumayo at nag iwas ng tingin. Mas minulat pa niya ang kanyang mga mata at tinignan ako ngunit nanatili akong nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Hey, Sari..." Bungad niya saakin gamit ang paos niyang boses.
"Hmm?" Sagot ko sakanya.
"What are you doing here?" Tanong niya saakin. Isn't obvious na nandito ako para i-check siya? Ugh! Stop it, Sari. This is not a perfect time para mainis ka sakanya.
"Checking you... They texted me gamit number mo kaya nalaman kong naaksidente ka." Malamig kong sagot sakanya.
"Sorry, naabala pa kita. I didn't know na ikaw ang in-informan nila." Mabilis niyang sagot.
"It's okay." Maigsing sagot ko. Should I say sorry for not answering his calls? Naguiguilty rin naman ako. Naaawa ko sakanya kahit wala kong alam tungkol sakanya this past few weeks. He's been a good friend to me.
"Di mo sinasagot mga tawag ko." And finally, he opened up the topic that I was trying to ignore.
"I-I'm sorry, Lian." I can't find the right words, di ko alam kung anong sasabihin ko.
"Are you mad at me?"
"No. Uhm, I don't know." Mabilis kong sagot.
"Is it because I didn't text you this past few weeks?"
"Wow. So what are you trying to say? Na mababaw ako? Now you tell me Lian, is it hard for you to text me that you're okay para naman hindi ako mukhang tanga na iniisip kung ano na kayang nangyari sayo. Am I overreacting? Yes I am. But it is because I care." Mabilis ang mga hininga ko at nanginginig ako, I shouldn't be like this what am I doing?
Nalaglag ang panga niya sa mga sinabi ko. Tatalikod na sana ko ng hawakan niya ang kamay ko.
"You don't know how much I want to call you just to make sure you're okay but I can't. I'm sorry, Sari." Nakatingin siya ng diretso sakin ngunit di ko parin makuhang tignan siya.
"No. I'm sorry. Wala kong karapatan para maging ganito. Mag pahinga ka na." Binawi ko ang mga kamay ko sakanya at tuluyan ng tumalikod saktong bubuksan ko na ang pinto ng makita ko si Ruth at Peter. Damn it.
"Sari?! What are you doing here?" Gulat na tanong sakin ni Ruth. Naglipat lipat siya ng tingin saakin at kay Lian na nakahiga sa kama.
"A-uhm. I'm just checking him. Nalaman ko kasi naaksidente siya. K-kayo anong ginagawa niyo dito?" Nauutal kong sagot, totoo nga ang mga narinig ko. Yung mga pangalan, kaibigan na tinutukoy nila. Bakit ba ko napunta sa ganitong sitwasyon? Ugh.
"Y-you know him?" Gulat na tanong parin niya saakin.
"Ofcourse, I know him. Lian Gomez, right?" Mariin kong sabi sakanya. I know their secret they can't fool me.
"Stop with that. Let's just go inside." Mahinahon na sabi ni Peter sa likod ni Ruth at inakbayan niya ito papasok sa loob.
"By the way, I gotta go." Malamig na paalam ko sakanila.
Bago pa man sila makasagot ay mabilis na kong lumabas at sinarado ang pinto. Ito nanaman ang curiosity kong pilit akong kinakalaban, huminga ako ng malalim at naglakad palabas ng ospital.
BINABASA MO ANG
How To Love And Be Loved
RomanceHow can you say that you are loved? When you don't even know how to love.