Chapter 25

10 1 0
                                    

#HTLABLILikeYou


"Thanks bro, next week yung game ah?" Paalala ni Gab kay Gino.


"Yep. See you!" Sagot ni Gino.


"Bye Gab, ingat sa paguwi. Thank you!" Paalam ko sakanya.


"No prob. Bye!" Kumaway siya at pinaandar na ulit ang sasakyan.


Were finally back in Manila. Sa sasakyan ako ni Gabriel sumakay the whole trip, lumipat naman sa sasakyan ni Lian si Ruth kaya walang kasama si Peter sa sasakyan buong byahe.


"Alabang way sila Ruth diba?" Tanong ni Jessa habang nagtatanggal ng mga gamit niya sa bag.


"Yup." Sagot ko.


The shop is located in Alabang too, medyo malayo layo nga dito sa Parañaque kaya araw araw din ako bumabyahe ng maaga pag papasok sa trabaho. Pero ma-swerte naman ako dahil malapit na dito ang Wilsane Academy.


"Gino sa sala ka nalang matulog ah? Di na tayo kasya dito eh." Sabi ni Jessa. Tumango lang si Gino at humiga na sa sofa.


Nakakapagod talaga bumyahe I think 5 pm na ata, buti nalang maaga kami nakauwi mas hassle pag inabot kami ng gabi. Maaga pa ang pasok ko bukas.


Nagising ako sa ingay nila Jessa at Gino kaya lumabas ako ng kwarto para tinignan ang ginagawa nila.


"Uy gising ka na pala." Bungad sakin ni Jessa.


"Ano bang ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila.


"Nanonood lang dito sa laptop ng Kdrama." Sagot ni Jessa at umarte pang kinikilig. Tinignan naman siya ng masama ni Gino.


"Hindi ah, pinilit lang niya ko manood." Depensa ni Gino.


"Ahh. Anong oras na ba?" Inaantok kong tanong.


"9 am." Sabay nilang sagot.


"Ha? Bat di niyo ko ginising!!!" Inis kong sabi at pinagbabato sila ng unan.


"Malay ba namin, di mo naman sinabi na papasok ka eh akala ko hanggang ngayon ang leave mo." Sagot ni Jessa.


Dali dali akong bumalik sa kwarto at tinignan ang phone ko, may message si Lian.


From: Lian Gomez


I know you're still tired, just rest, 'll take care of the shop.


To: Lian Gomez


I'm sorry, na-late ako ng gising. Papasok dapat ako ngayon.


Bat ba ako nadi-distract lately. Naiinis na ko sa sarili ko. I just turned 20 tapos ganito ang umpisa ko? My ghad. I promised to myself that when I turn 20 I'll fix my life and be more responsible. Tapos ganito ginagawa ko.


"Uy, sorry na." Tawag sakin ni Jessa.


"Okay lang. Ako may kasalanan." Sagot ko sakanya at tumawa ng mahina.


"Breakfast na tayo." Yaya niya sakin.


Tumayo na ako sa kama at sumunod sakanya. Pupunta parin ako sa shop ng 12 pm, I made up my mind kakausapin ko na si Lian.


"Good Afternoon Ma'am Sari." Bati sakin ni Rhea.


"Good Afternoon." Bati ko rin sakanya.


How To Love And Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon