Chapter 14: Guidance Office

180 34 4
                                    

Reign's POV

"Hoy bumalik ka dito!!!"

Wahhh!!!! Takbo lang Reign!!!! Run for your life!!

Cguro nag tataka kayo kung sino yung humahabol sakin noh????

C manong guard yun.

At bakit nya ko hinahabol???

Kasi wala akong ID!!

"Manong! Please naman. Kahit ngayon lang."-ako

"Hindi!!!"-manong guard

Ang sungit!! Nakalimutan ko lang naman yung ID ko eh!

Bakit sya ba hindi nakakalimot????????

Hayss!!!! Takbo pa!!!

Nahagip bigla ng mata ko yung music room. Malayo naman yung agwat ko kay manong guard kaya kahit lumiko ako dito hindi nya ko makikita.

Ang taba kasi ni manong guard eh! Diet diet din kasi pag may time diba??? Di nya tuloy ako naabutan! Mwahahahahahahahahaha!

Lumiko agad ako papunta sa music room tapos pumasok ako sa loob.

Yes nakatakas din!

Nakahinga na ko ng maluwag.

*Bog!!!!*

Teka ano yon????? Para kasing may nahulog eh.

Imposible namang ako yun diba???  Tsaka ako lang naman mag isa dito eh!

Unless nalang kung may iba pa kong kasama dito.

Bakit kasi ito pa yung lugar na naisipan kong pasukin eh!! Napaka dilim at napaka tahimik dito!!!

*Bog!!!!!*

Naulit nanaman yung kalabog.

Nakakatakot na ah?!!!

Kinuha ko yung sign pen ko para gawing panlaban. Kahit maliit sya pwede na yun kasi matulis naman kaya pwede ng panaksak.

Malay ko ba  kasi kung ano yung kumakalabog na yun! Mamaya isang halimaw pala yun o kaya naman serial killer. Mabuti nang handa ako!

Pero teka muna.  Ballpen???? Panlaban sa halimaw o serial killer???? Mukhang hindi ata pwede.

Ano nga bang laban ng maliit na bagay na to?!

*Bog!!!!!!*

Halos mapatalon ako sa gulat.

"Sino yan?!"-ako

Lumapit ako sa lugar na pinanggagalingan ng tunog at may narinig akong mga kaluskos.

"Sino sabi yan eh!!" nilakasan ko na yung boses ko at nakatutok na rin yung ballpen ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may nakita akong taong nakatayo sa di kalayuan.

Hindi ko maaninag yung mukha nya kasi madilim yung lugar.

Dahan dahan syang lumapit sakin.

"Sino ka?!!!!!!!"- ako

Hindi sya sumasagot pero tuloy parin sya sa pag lapit.

"Dyan ka lang!!!! Wag kang lalapit!!!!!"-ako

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!!!

Mahina pa naman ako sa mga ganito! matatakutin kasi talaga ako.

Napaupo nalang ako at napapikit dahil sa sobrang takot ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"AHHHHHHHHHH!!!!!!!! MAY MUMU!!!!!!!!!!!!!!!!"-ako

"Hoy!! Ako lang toh!"

Huh?????

Binuksan ko yung mata ko tapos bumungad agad sakin yung mukha ni Michael.

"Boss?!!!!" tinakpan nya yung bibig ko.

"Shhh! Wag ka nga maingay! Mamaya may makarinig sayo eh!" pabulong na sabi ni Michael.

Tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay nya sa bibig ko.

"Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?"-ako

"hinahabol ako nung mga babae don sa labas kaya nagtago ako dito. "-Michael

Tsk! Habulin talaga ng mga babae to!

"ikaw? Nagtatago ka rin?"-Michael

"Oo eh. Wala kasi akong I.D.kaya tinakasan ko yung guard."-ako

Napatango lang sya. Sigurado naman akong hindi na kakaiba sa kanya yung mga ganong bagay.

Hindi nya nga sinusunod yung mga rules and regulations ng school!

Mapapansin mo naman agad yun sa kanya eh. Sa suot palang nya alam mo ng hindi sya sumusunod sa mga patakaran.

Tingnan nyo ah?

Yung uniform nya hindi nya sinusuot. Mas prefer daw kasi nya yung mga damit na leather jacket with matching headset pa sa leeg para daw mas COOL.

Pero para sakin? Hindi naman cool yung dating nya! Mukha kaya syang gangster!

"Kamusta kayo ni Claire????"-ako

Nagbago yung ekspresyon ng mukha nya.

"Ah yun?? Nako! Hindi ko na itinuloy yung panliligaw ko sa kanya! Nakaka nosebleed syang kausap!"-Michael

Natawa ako sa sinabi nya. Well, totoo naman talagang nakaka nosebleed kausap si Claire.

Biglang bumukas yung pinto.

Patay isang school prefect!!!!!

"Takbo!!!!!"-Michael

Kinuha nya yung kamay ko tapos tumakbo kaming dalawa palabas.

Para kaming mga kriminal na hinahabol ng mga pulis sa sitwasyon naming dalawa.

" San tayo pupunta ngayon?!" napapagod na ko kaka takbo.

" Hindi ko alam. Basta takbo lang! " - Michael

Takbo parin kami ng takbo hanggang sa.........

"Shit! Dead End!"- Michael

Tatakas pa sana kaming dalawa kaso lang nakapalibot na samin yung mga prefect ng school kasama si ma'am Lorraine, ang guidance teacher.

" At san kayo pupunta? " nang iintrigang tanong ni ma'am Lorraine.

" Pano na to? " pabulong na sabi ko kay Michael.

" Alam nyo namang hindi pwedeng tumambay sa Music Room diba? Ikaw Reign pinagod mo pa si mang Ernesto kakahabol sayo kanina. At ikaw naman Michael ilang beses ko bang sasabihin sayong bawal mag civilian?!"- ma'am Lorraine

Tahimik lang kaming dalawa habang nakayuko.

" Go to the guidance office now! " - ma'am Lorraine

What?! Guidance na agad?!

"Ma'am naman!"-ako

"Wala ng rekla reklamo!"-ma'am Lorraine

Tiningnan ko si Michael. Parang wala lang sa kanya yung mga nangyari. Kung sa bagay sanay na naman sya eh. Suki na sya ni ma'am sa guidance office.

" Ang tanga natin. Nahuli tuloy tayo. " nakangiting sabi nya.

Bilib din ako sa lalaking to. Nagagawa pa nyang ngumiti kahit na alam nyang ma ga guidance kami.

Ano ba kasi tong gulong pinasok ko?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Waley yung dulo!! Haha!

VOTE AND COMMENT!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon