Chapter 23: Fall For You

131 20 6
                                    

Reign's POV

2nd day......

Bati na kami!!! Yehey!! Parang nabunutan ako ng tinik dahil sa nangyari kahapon.

Nalaman ko din kagabi na kasabwat pala si Ate Chloe at yung dalawa ko pang kaibigan sa plano ni Michael na paghingi ng sorry sakin.

*Tok! Tok! Tok!*

"Pasok!"-ako

"Reign?"-Michael

"Hmm? Bakit?"-ako

"May amusement park kasi dito sa Batanggas. Gusto ko sanang puntahan kaso lang wala akong kasama. Naisip ko lang na baka...... gusto mong sumama."-Michael

"Sus! Yun lang pala eh. Syempre naman sasama ako. Siguraduhin mo lang na ililibre mo ko ah?"-ako

Ngumiti sya at napapalakpak na parang bata.

"Oo naman!"-Michael

                 •••••••

Habang nililibot namin ang buong amusement park napadaan kami sa isang shooting range --- yung booth na kapag tinamaan mo yung target may kapalit na prize. Nahagip ng mata ko ang isang cute na teddy bear.

"You like it?"-Michael

"Ha?"-ako

"Yung teddy bear. Tinatanong ko kung gusto mo."-Michael

"Oo eh. Kaso lang hindi naman ako marunong maglaro nyan. Panigurado, hindi ko rin makukuha yung teddy bear."-ako

"Then I'll get it for you."-Michael

Hinila nya ko at pumila na kami sa shooting booth.

Nang turn na ni Michael para maglaro, ibinigay sa kanya ng isang lalaki ang plastic gun.

Pumwesto na sya at itinutok ang baril sa gumagalaw na mga target. Yung ilan paikot, samantalang taas-baba naman ang iba.

*Bang! Bang! Bang!*

Tiningnan ko lang si Michael. Ang seryoso ng mukha nya at wala pang sablay ang pagbaril nya. Puro sa target ang tama ng bala.

"Time's up!" sigaw ng lalaking nag o-operate ng shooting booth.

Ang resulta ng game ay 50/50. Ibig sabihin nataaman nya lahat ng target. Ibinigay na sa kanya ng lalaki yung teddy bear na life size ang laki.

"Here" sabi nya sakin sabay abot ng teddy bear.

Ang cute nya at ang fluffy!!!!!

Tinusok-tusok ko yung tyan ng teddy bear at napatawa ako ng mahina. Pakiramdam ko kasi parang nagmumukha na kong isip-bata.

"Simula ngayon, ikaw na si Fluffy"-ako

Niyakap ko ng mahigpit ang teddy bear. Special na sakin to. Una dahil bigay sya ni Michael at ang  pangalawa ay dahil alam kong pinaghirapan nyang kunin to para sakin. Mas memorable kasi kapag pinaghihirapan.

"Tara na?"-Michael

Tumango ako sa kanya at agad naman nyang hinila ang kamay ko at tumakbo na kami palayo sa shooting booth.

Tumigil kami sa isang  Space Shuttle ride -- eto yung dahan dahang aakyat yung ride tapos pag nasa tuktok ka na, bigla nalang syang babagsak. Ewan ko kung bakit Space Shuttle ang ipinangalan don. Siguro dahil sa sobrang taas nya parang pupunta ka na sa kalawakan.

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon