Chapter 22: Say you're sorry

140 20 6
                                    

Reign's POV

"Reign? Umiyak ka ba?" tanong ni Shane

"Sino nag-paiyak sayo ha?! Tara! Resbakan na natin yan!"-Claire

Wow! May himala bang nangyari? Diretso ata mag tagalog si Claire.

'kung sasabihin ko ba sainyo na si Michael ang may kagagawan kung bakit ako umiyak reresbak pa kayo?'

"Wala. Napuyat lang ako." walang ganang sagot ko sa kanilang dalawa.

Ayokong sabihin sa kanila na nasaktan ako sa mga sinabi sakin ni Michael kahapon. Nakakahiya eh.

"Gaga! Alam namin kung ano ang pinagka-iba ng pamamaga ng mata ng dahil sa puyat o iyak."-Shane

"Alam ko na!" hinampas ng malakas ni Claire sa balikat si Shane.

Sana wag nilang malaman *crossed fingers*

"Siguro nanood ka nanaman ng nakakaiyak na movie noh?!"-Claire

"Oo eh." pabulong na sabi ko at umarte pa kong nahihiya.

Tumango lang sila sakin at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga upuan.Pumasok narin ang teacher namin at nagsimula na ang klase habang lutang parin ang isip ko.

Michael's POV

"Gusto ko humingi ng sorry kay Reign."-ako

Hinawakan ni Lance ang noo at leeg ko.

"Michael? May lagnat ka ba? Ikaw? Mag so-sorry? Aba! Himala!"-Lance

"Bakit mo nga ba to gagawin ha?"-Christian

"Kasi hindi ako sanay na galit sakin si Reign? Oo nagkakainisan kami pero nakaka panibago kasi kapag galit sya. Ayoko rin na hindi nya ko pinapansin. At gaya nga ng sinabi nyo, napaiyak ko sya."-ako

Nag tingnan lang si Christian at si Lance. Ano kayang iniisip ng mga mokong na to?

"Pare! In-love ka na!!" nag-apir pa yung dalawa.

What? Ako? In-love?

"Sabi na nga ba magkakagustuhan kayo eh!"-Christian

"Teka nga! Ano ba pinagsasabi nyo?"-ako

Umakbay lang sakin si Lance at masayang nag salita.

"Michael, ganito kasi yan eh.Sabi mo nga diba? hindi ka sanay na galit sayo si Reign? Eh dati naman kahit maraming babae ang galit sayo hinahayaan mo lang."-Lance

"At eto pa. Sabi mo napa-iyak mo sya diba? Ilang libong babae na ba ang napa-iyak mo ha? Sa dami non, kay Reign ka lang nakonsensya."-Christian

"Iba kasi si Reign"-ako

"At kaya mo sya nagustuhan kasi iba sya sa ibang babaeng nakilala mo."-Lance

"Hindi nga! Mag kaibigan lang kami."-ako

"Dyan naman nag-sisimula ang lahat diba? Sa 'mag kaibigan lang kami' ?"-Christian

"Tumigil nga kayo! Ano na? Tutulungan nyo ba ko o hindi?"-ako

"Eto na nga oh."-Christian&Lance

"Eto ang plano....."-ako

Reign's POV

Uwian na. At gaya parin ng dati, mag-isa lang akong uuwi. Sana lang talaga at wag kong makita si Michael.

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon