Chapter 24: First Move

118 19 5
                                    

Chloe Alvares' POV

Dinner.........

Inimbitahan ko si Reign sa isang restaurant para mag dinner. May ilang mga bagay lang kasi akong gustong itanong sa kanya.

"Kung may manliligaw sayo Reign. Ano ang kailangan ng taong yon para mapasagot ka?"-ako

"Hmmmm. Ate tatlong bagay lang naman ang gusto ko."-Reign

"At ano yon?" naiintriga na ko sa mga sinasabi ni Reign.

"Una po syempre dapat desenteng tingnan ang taong yon. Pangalawa, dapat kaya nyang ipagsigawan sa maraming tao na kung gaano ako kahalaga sa kanya. At ang pinaka huli ay........"-Reign

"Bakit ka huminto?"-ako

"Parang ang weird po kasi eh."-Reign

"Ok lang yan. Ano ba yung pang third?"-ako

"Kailangan pong mapasabi ako ng 'I Kove You' o kaya ng 'mahal kita' ng taong yon."-Reign

Gotcha! Gumawa ako ng mental note.

1. Kailangang desenteng tingnan.

2. Handang ipagsigawan sa maraming tao kung gaano sya kahalaga sa kanya.

3. Mapaabi si Reign ng 'I Love You' o 'Mahal Kita'

"Reign? Kumusta pala kayo ni Michael?"-ako

"Ok lang naman po Ate. Bakit po pala?"-Reign

"Nabalitaan ko kasi na gusto ka nyang ligawan. Am I right?"-ako

"Kanino nyo po nalaman?"-Reign

"Kay Michael mismo. So ibig sabihin totoo nga?"-ako

Tango lang ang matanggap kong tugon mula sa kanya.

Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko si Reign para kay Michael. Alam ko kasing sya yung tipo ng tao na hindi panlabas na anyo ng isang tao ang tinitingnan.

"Talaga??? Pano kapag tinanong ka nya kung pwede ba syang manligaw? Papayag ka ba?"-ako

"Ate kasi...... Hindi ko pa alam."-Reign

"Your doubting his feelings, don't you?"-ako

"Opo" mahinang sagot nya sakin.

Hinawakan ko lang ang kamay nya.

"Reign. Seryoso sayo si Michael. Alam kong mahirap paniwalaan pero seryoso talaga sya sayo."-ako

Alam kong play boy ang pamangkin ko pero naniniwala parin akong kaya nyang mag-seryoso pagdating sa ganitong mga bagay.

"Maniwala ka sakin Reign. Hindi mo alam kung gaano na nagdusa si Michael."-ako

Naging saksi ako ng paghihirap ni Michael sa pagkawala ni Eunice. Araw-araw syang walang tulog kaka-iyak. Wala rin syang ganang kumain. Hirap na hirap sya ng mga panahong yon.

"Wag mo sana syang pahirapan."-ako

                  ••••••

Umuwi agad ako pagkatapos naming kumain. Ang sabi ko kasi kay Reign, may mga bagay pa kong dapat asikasuhin.

Habang nasa byahe ako tinawagan ko si Michael.

[Tita? Bakit napatawag ka?]

"Alam ko na kung pano mo mapapasagot si Reign."-ako

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon