Chapter 18 : Memories Of The Past

147 24 8
                                    

Michael's POV

Napaka dilim ng paligid. Wala rin akong makita. Asan ba ko??

"Michael!!!!!!" isang nakakabinging sigaw ang narinig ko.

Bigla nalang lumiwanag at nakakita ako ng isang kotseng papalapit sakin.

Hindi ako makagalaw. Ano bang nangyayari?!!!

Papalapit na yung kotse.....

"Hindi!!!!" napasigaw nalang ako.

Napabalikwas ako sa kama. Hingal na hingal at pawis na pawis.

Panaginip lang??????

Nakaramdam ako ng pagka hilo.

Napahawak nalang ako sa sentido ng ulo ko dahil sa sobrang sakit. Napansin ko yung baso ng tubig at isang gamot sa bedside table ko.

Kinuha ko yung gamot tapos uminom ng tubig. Napahiga nalang ulit ako sa kama ko at nag pahinga.

Tinext ko na rin si Reign na hindi muna ako papasok dahil hindi pa kaya ng katawan ko.

Reign's POV

"Ano bang problema mo!? Pinipilit naman kitang mahalin ah?! Pero bakit hindi mo ako magawang mahalin pabalik!!!?"-ako

Best actress ba? Haha! Nagmumukha na nga akong tanga dito sa loob ng library habang kinakausap yung math book ko.

Sa lahat kasi ng subject math lang talaga ang hindi ko magawang mahalin. Kaya nga top 2 lang ako.

May bigla namang nagtanong sa tabi ko.

"Ok ka lang?"

'Nakita mo na ngang halos magwala na ko dito tapos tatanungin mo ko kung ok lang ako?!'

Sarap makasapak ah?

"Oo naman, ok lang ako." syempre hindi ko pwedeng sabihin yung nasa utak ko kanina dahil baka ma offend sya.

"Kailangan mo ng tulong?"

Napatingin ako sa taong nasa tabi ko. Tanong ng tanong eh! Close tayo?!

"Bespren? Kanina ka pa dyan?" - ako

"Oo"-Bryan

"Sorry ah? Hindi ko agad napansin na ikaw pala yan."-ako

"Ano ka ba? Ok lang yun."-Bryan

Bigla namang pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi.

"Bespren may tanong ako."- ako

"Ano?" mukhang hindi sya enteresado sa sinasabi ko dahil naka focus pa rin sya sa librong binabasa nya.

"Sino si Eunice?"-ako

Nagulat sya sa tanong ko kaya bigla nyang naisarado yung librong binabasa nya.

"Pano mo nakilala si Eunice?" may bakas ng pagtataka sa mga mata nito.

Maka react wagas?! Ano bang meron??

"Kahapon kasi nung nalasing si Michael, nabanggit nya yung 'Eunice' tapos umiyak sya."-ako

Kinuha nya yung wallet nya at may ipinakitang picture sakin.

Tatlong tao ang nasa picture. Si Michael, Bryan at isang magandang babae ang nasa gitna nila.

"Ayan si Eunice." itinuro nya yung babae.

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon