Chapter 30: Love Is In The Air

83 5 6
                                    

Claire's POV

"Claire Sandoval! Gising!" hinampas ni Sir Albert ang ulo ko gamit ang naka rolyong papel. Kainis naman! Natutulog yung tao eh! Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.

"Sir? Ano bang meron?" tiningnan ko rin ang mga kaklase ko. Nakatingin lang silang lahat sakin. Ano meron? Artista ba ko? Gusto nyo autograph?

"Hindi ka talaga nakikinig Claire." malamang naman Sir. Tulog nga ako diba?

"Sir nag di-discuss ka pa ba ng lesson? Tapos na ang exam diba Sir?" napansin ko kasi na may hawak syang chalk. Parang mag susulat sya sa board.

"Hindi ako mag le-lesson. Ipinapaliwanag ko lang sa inyo kung ano yung dapat nyong gawin para sa clearance nyo sa subject ko."-Sir Albert

"Ahhhhhh........."-ako

Bumuntong hininga sya at nag roll eyes. Ay! Alam na! Bakla kasi si Sir Albert. Ayaw lang talaga nyang ipaalam. Crush nya nga si kuya Allan. Ang guard sa campus.

"Uulitin ko. Igu-grupo ko kayo sa dalawa. Isang babae at isang lalaki. Pag may partner na kayo papangalanan nyo ang team nyo at bubunot ako kung sino ang maglalaban ng pick-up dito sa harap. Okay ba yon?"-Sir Albert

Sus! Yun lang naman pala! Yakang-yaka ko yan! Ako ata ang Banat Queen ng Roseville Academy.

Isa-isa ng nagtawag si Sir Albert. Sana naman hindi AB-normal ang maka partner ko.

"Ms.Samantha & Mr.Kristoffer"

"Ms.Dianne & Mr.Eugene"

"Ms.Raffi & Mr.Jared"

"Ms.Jessica & Mr.Ben"

Ang tagal naman tawagin ng pangalan ko! My God! Nakakainip ah?

"Lance?"-Jessica

Ay oo nga pala! May katabi nga pala ako. Si Lance Mendoza.

"Yes?"-Lance

"Pwede bang tayo nalang ang maging mag partner? Ayoko kasi kay Ben." itinuro nya ang lalaking nasa pinaka dulo ng klase. Si Ben Ortega. Well, naiintindihan ko naman si Jessica kung bakit ayaw nya kay Ben. Sya kasi ang perfect example ng isang taong NERD. Ang kapal ng salamin sa mata, yung salamin pa naman nya yung bilog. Ang polo nya sagad hanggang leeg ang pagkakasara ng butones. Naka brace at flat na flat ang buhok na hinati sa gitna. Mukha tuloy syang katsupoy.

"Ano kasi.............."-Lance

"Please??" nag pout sya at ang bottom lip nya ay parang nanginginig. Pinalaki ang mga mata at suminghot singhot pa. Yan ang not-so-famous-puppy-eyes.

"At ang pinaka huli, Ms. Claire at Mr. Lance."-Sir Albert

What?!!!!! Partner ko tong bakulaw na to?! No!!!!!! Hindi nga ako nagkaroon ng partner na AB-normal pero ang partner ko naman ay si Lance na nag uumapaw ang kayabangan.

"Sorry Jessica. But I already have a partner." inis na inis na tumayo si Jessica at naglakad palayo samin.

"Ano pangalan ng team natin???"-Lance

"Malay ko."-ako

"Malay ko? Parang ang pangit naman ng pangalan na yon."-Lance

*face palm*

"Argh! Ang slow mo! Malay ko means hindi ko alam kung ano ang pwede nating ipangalan sa team natin! Gets mo?!"-ako

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon