Chapter 12: Devil turned to an Angel

191 39 7
                                    

Reign's POV

Malapit na ang 1st Semestral Exam!! Todo na ang ginagawa kong pag tututor kay Michael.

Syempre hindi ko naman sya pwedeng pabayaan noh! 50% ng grades ko ang nakasalalay sa kanya.

Kung dati 1 hour lang ang pag re review namin ngayon 2 to 3 hours na.

Hindi muna ako sumabay kay Michael sa pag punta sa condo nya dahil may meeting pa ang mga class officers ng room namin.

Ff**********************************************

Hay sa wakas natapos na rin! Dumiretso agad ako sa condo ni Michael. Dito kasi kami nag re review.

Pagdating ko nakita ko syang tumutugtog ng gitara. Akalain nyo nga naman. May hidden talent din naman pala tong lalaking to.

"Hindi ko alam na marunong ka pala nyan."-ako

Natigil sya sa pag tugtog at lumapit naman ako sa kanya.

"Ah oo. Nung bata pa kasi ako eto na yung nagsilbing hobby ko."-Michael

Bakit parang ang bait nya ngayon? Dati kasi nasanay na ko na tuwing nakikita nya ko eh kung minsan binabatukan nya ko o kaya naman eh inaasar.

Pero ngayon???? Parang nag iba eh.

"Uhmm, Reign? may ni lesson kasi kami kanina. Tungkol sya sa sound wave. Di ko kasi magets eh."-Michael

Inilagay ko yung physics book ko sa lamesa at binuksan.

"Tingnan mo to."-ako

May ipinakita akong diagram sa kanya.

"Ano yan?"-Michael

"Yan ang sound wave. "-ako

Kinuha ko sa kanya yung gitara tapos tumugtog ako ng ilang pyesa.

"Hindi ko pa rin gets."-Michael

"Sound is the disturbance of mechanical energy that flows through matter as a wave. " explain ko sa kanya.

"Hindi sya nakikita pero nandyan lang sya sa paligid. "-ako

Kita ko sa mukha ni Michael na naguguluhan pa rin sya.

"Pano ko ba to ipapaliwanag?"-ako

Hinawakan ko yung neck ng gitara.

"A guitar string makes no sound." sabi ko habang tinuturo yung silent E string ng gitara.

"Until  it makes contact with your body." kinuha ko yung kamay nya at plinuck yung string ng gitara gamit yung mga daliri nya.

"When the connection is made,  the vibration of the strings creates a wave,  which you hear when it reaches your eardrum. "-pagtatapos ko

Nakita kong ngumiti si Michael tanda na nage gets na nya yung itinuturo ko.

"So if there's no body..... the strings couldn't do much at all."-ako

"Kasi kailangan nila ang isa't isa."-Michael

"Tumpak!"-ako

"cool!" pumapalakpak pa si Michael.

Natawa tuloy ako sa ginawa nya. Kung umasta kasi sya para syang batang binigyan ng candy.

"Muntik ko na palang makalimutan. "-ako

Kinuha ko yung bag ko tapos binigay ko sa kanya yung isang container.

"Eto na yung pangako ko sayo"-ako

Binuksan nya yung container.

"Yung Sinigang? Salamat Reign. Dito ka na rin kumain iinitin ko na lang to."-Michael

Pumunta sya sa kusina tapos inilagay na nya sa microwave oven yung pagkain.

Ako naman Naiwan lang sa sala na kanina na nilalamig. Hindi ko lang pinapahalata kay Michael kasi nahihiya naman akong pahinaan sa kanya yung aircon.

Anlameeeeeeeg!!

Nakahawak na ko sa magkabilang braso ko ng dahil sa lamig.

Nagulat nalang ako ng may biglang naglagay ng jacket sa balikat ko.

Si Michael???????

"Ikaw nilalamig ka na pala hindi ka pa rin nagsasabi. Isuot mo muna yan." ngumiti sya sakin.

Nag aalala ba sya? Eh dati naman kahit siguro mamatay na ko wala pa rin syang pakialam.

pero mabait na kaya sya ngayon???

Para makasiguro ako nag tanong na ko sa kanya.

"Boss? May kailangan ka ba sakin?"-ako

Napakamot sya bigla sa ulo nya.

"Oo eh."-Michael

Sabi na nga ba. (---.---)

"Ano yon??"-ako

"magpapatulong sana ako sayong..........MANLIGAW sa best friend mong si Claire"-Michael

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Awtsu!!! May liligawan na si Michael???????? at si Claire pa!

VOTE AND COMMENT!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon