Chapter 11: Eating with the Boss!

191 40 3
                                    

Reign's POV

3 months na kaming magkasama ni Boss. Mabilis ba masyado? Yaan nyo na.

Anyway Highway,  nagkakasundo rin naman kami ni Boss kung MINSAN. Take note: MINSAN LANG.

Mabait ba sya? Medyo.

Mapang asar? Nako sobra!

Playboy? Definitely!

*Lunch Time*

Habang nakikita ko yung mga classmates ko na isa isang lumalabas ng room para mag lunch mas lalo akong nainis.

Pano ba naman kasi! Ng dahil sa pesteng Michael na yun wala akong makain ngayon!!

Pinagmadali nya kasi ako kanina kaya ayan tuloy! Naiwan ko yung lunch box ko!! Ang sarap pa naman sana ng ulam ko!

Goodbye Adobo!! (TT▲TT)

*Brrrrrrrrrrrrrr!*

Kumukulo na yung tyan ko.

"Psst!" napalingon ako sa likod ko.

Si Boss lang pala >:"(

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Mas lalo ka tuloy pumapangit! Haha!"-ako

Kita nyo na?!!!!! Masyado syang mapang asar!!!

"Che! Ikaw may kasalanan nito eh!!!!"-ako

Tumayo ako tapos hinampas ko sya ng paulit ulit!

"Hoy! Tama na! Boss mo ko kaya igalang mo ko!"-Michael

Hindi ko parin sya tinitigilan. Bahala sya dyan!!

"Ano bang kasalanan ko ha?!" sabi nya habang sinasangga yung bawat hampas ko.

Tumigil ako para sagutin sya.

"Anong kasalanan mo?! Ng dahil sayo wala akong makain ngayong lunch!!!"-ako

"Sus! Yun lang pala eh! Ang babaw mo naman!"-Michael

Ano daw? Ako mababaw?!!!

"Alam mo ba kung gaano na ko kagutom ngayon ha?!"-ako

"Hindi, at wala akong balak alamin yon."- Michael

Napansin ko yung wallet sa bulsa nya.

*▼*

Kinuha ko yon tapos tumakbo.

"Hoy ibalik mo sakin yan! Andyan yung credit card ko!!"-Michael

Naghahabulan na kami sa loob ng room.

"Pakainin mo muna ako!"-ako

"Ayoko nga!"- Michael

"Ayaw mo? Sige itatapon ko to sa labas! Belat!"-ako

Nagkunwari akong ilalaglag ko yung wallet nya sa bintana.

"Wag! Oo na! Papakainin na kita! Tutal hindi pa rin naman ako kumakain."- Michael

Mukha naman syang nagsasabi ng totoo kaya naman binalik ko na yung wallet nya.

"Let's go!"-ako

Hinila ko agad sya palabas.

Madali kaming nakalabas ng campus dahil kay Michael. Eh kasi nga diba? Anak sya ng may ari ng school na to kaya naman parang sya narin ang Boss dito. Hindi naman sya matanggihan nung guard kasi natatakot syang mawalan ng trabaho.

Sa isang European Restaurant kami pumunta. Ayaw kasi ni Michael sa sa canteen,  masyado daw maraming tao.

Pagkaupo namin kinuha ko agad yung menu para makapili  na ko ng oorderin ko.

Kaso lang..........

"Ay nyemas! Hindi ko ma pronounce mga pagkain sa menu na toh! Ang arte!" bulong ko sa sarili ko.

"May problema ba?" tanong ni Boss sakin. Nahalata nya sigurong hirap akong basahin yung nasa menu.

"Boss? Saang school ba ko pwedeng mag enroll para lang matutunan kong basahin tong mga nasa menu nila? Pakiramdam ko kasi parang kahit kinder hindi ako nakatung tong dahil hindi na ko marunong mag basa."-ako

Natawa at napahalakhak lang si boss sa sinabi ko.

"Salamat sa joke Reign! "-Michael

Joke?? Seryoso naman ako sa sinabi ko ah?

Si Boss nalang ang nag order ng pagkain naming dalawa.

Habang hinihintay namin yung order para akong batang tinuturuan ni Boss magbasa.

"Eto Ratatouille. Ra-ta-twei ang pag pronounce dyan. It is a seasoned stew made of eggplan, tomatoes, green peppers, squash and sometimes meat."-Michael

"Raaaaaaa-taaaa-tweeeeii. Ay nako boss! Suko na ko! Hindi ko talaga kayang I pronounce yan! Dudugo na ilong ko."-ako

"Grabe pala dito no? Bago ka makakain magdudusa ka muna sa pag pronounce ng mga pagkain nila. Mas gusto ko pang magluto sa bahay eh. Atleast don simpleng A-do-bo at Si-ni-gang lang ang pagbasa sa mga pagkain."-ako

"Wait? Marunong kang magluto?" tanong nya.

"Oo naman Boss! Sinigang pa nga yung specialty ko eh." proud na sabi ko sa kanya.

"Sinigang????"-Michael

"Boss? Yung totoo? Sirang plaka ka ba o sadyang bingi ka lang talaga? "-ako

"Hindi! Sinigang kasi yung paborito kong pagkain"- Michael

"Uy sakto! Mamayang gabi kasi magluluto ako non. Gusto mo dalhan kita bukas?"-ako

"Sige ba! Aasahan ko yan ah?"- Michael

" Sure Boss! For sure,  makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ang luto ko! Hindi mo na kailangan pang dumayo dito sa mamahaling restaurant na to. Napaka onti lang naman mag serve! Ni hindi nga Umabot sa tyan ko eh!" hirit ko sa kanya.

Totoo naman talaga eh. Ang onti lang nila magserve tapos di pa gaanong Masarap yung pagkain. Buti pa ko. Masarap na nga magluto madami pa mag serve! (^___^)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Short Update lang muna:)

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon