Chapter 20: The Most Stupid Reason

139 24 5
                                    

Reign's POV

"Huy! Gising!"-shane

"Bakit ba? Ang sarap na ng tulog ko eh!"-ako

"May papabels sa labas! Si Bryan! Bakit nandito yun ha?! Pasalubong mo ba para saken??"-shane

Ay oo nga pala. Dito nga pala natulog si Bryan.

"Luh sya! Baliw ka? Ano sya? gamit na pwedeng gawing pasalubong?"-ako

"Ang damot mo naman! Nga pala nanginginig sya. Hindi ko alam pero para syang nilalagnat"-shane

"Ano?!"-ako

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko at nilapitan si Bryan. Hinawakan ko narin yung noo nya. Grabe ang init! Pinakuha ko na kay Shane yung thermometer para malaman yung temperature nya.

43.6°C

Ang taas!

Nagpatulong ako kay Shane para alalayan si Bryan na ilipat sa guest room.

"Bryan.... Bryan...." tinapik tapik ko yung balikat nya pero mahinang ungol lang natatanggap kong tugon mula sa kanya.

"Naku gurl! Mukhang malala na yung lagay ni papa bryan. Kung ako sayo alagaan mo nalang yan. Wag ka na muna pumasok."-shane

"oo nga... Walang magbabantay sa kanya, di ko naman pwedeng iwanan yan ng ganyan ang lagay nya. Paki sabi nalang kay Claire na hindi ako papasok ah?"-ako

"No problem gurl! Look oh! Nanginginig pa rin sya. Gusto mo yakapin ko sya para malawa yung panginginig nya?"-shane

"Ano ka ba naman! Nakita mo ng nilalagnat na yung tao gusto mo pang gawan ng masama!"-ako

"Grabe ka naman!!"-shane

"Ah basta! Lumayas ka na nga! Chupi!"-ako

"K fine!"-shane

Umalis narin sya sa wakas! Thank you Lord!

*Ring......Ring.....*

Calling: Christian

"Hello Chris"

[Reign bakit hindi ka pumasok? Hinahanap ka ni Michael!]

"Pumasok na sya?!"

[Oo! Nagulat nga kami eh! Pagdating kasi namin nandito na sya.]

"Si Bryan kasi nandito sa bahay. Ang taas ng lagnat nya. Hindi ko naman maiwan."

[Ganon ba? Sayang. Sosorpresahin ka pa naman sana ni Michael.]

"Pasensya na. Chris pwede favor?"

[Sige ano yon?]

"Pag tinanong ka ni Michael kung bakit hindi ako pumasok ang sabihin mo may sakit ako ah? Wag mong sabihin na kasama ko si Bryan."

[Sige]

"Thank you Chris! Bye!"

*Toot...Toot...Toot...*

Binalikan ko na si Bryan at naglagay ako ng basang bimpo sa noo nya para makatulong sa pagbaba ng lagnat nya.

Pinagluto ko narin sya ng champorado at pinainom ng gamot.

Binantayan ko lang sya hanggang sa makatulog ulit sya.

'Bespren ang kulit-kulit mo kasi eh. Tingnan mo nangyari sayo. Lagi nalang kasing ibang tao ang iniisip mo. Isipin mo din naman yung sarili mo.'

*Ring!!! Ring!!!*

Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot yung tawag ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Chris ano? Nasabi mo ba na may sakit ako?"

[Oo nasabi na nga nya sakin. Pero hindi ka naman mukhang may sakit.]

*Gulp*

"Boss?? Naku! Ang taas po talaga ng lagnat ko. *ubo* inuubo rin po ako *sniff* at sinisipon" Nagkunwari akong may sipon at ubo para paniwalaan nya ko.

Sakto pang parang nananaginip si Bryan.

"Uhhh....."-Bryan

"May kasama ka ba dyang lalaki? Diba si Shane lang? Eh pumasok yun ah? Sino yung umuungol dyan?" sunod sunod na tanong nya.

Pano ba to?

"Ano kasi eh... Kasi..."-ako

"Ano?"-Michael

Reign isip!!!

"Boss nanunuod ako ng X-rated" napatakip ako ng bibig ko ng dahil sa di inaasahang mga salitang lumabas mula dito.

"Ano?! Nanunuod ka ng X-rated?! Hahaha!!"-Michael

Kahit papaano natuwa ako dahil narinig ko ulit yung tawa nya. Ang tagal narin siguro bago ko marinig yon.

"Ah oo eh. Hehe. Alam mo na boss. Para mas lalo akong pagpawisan" mahiya hiyang sagot ko sa kanya.

"Hahaha!! Osige, magpagaling ka ah? Para makapasok ka na bukas. "-Michael

"Opo boss."-ako

*Toot! Toot! Toot!*

Iniuntog ko ng paulit-ulit yung ulo ko sa poste ng kama.

"Reign naman! Nakakahiya ka! Kababae mong tao sinabi mong nanunuod ka ng X-rated?! Ahh!! Peste!"-ako

Umungol ulit si Bryan. Hinampas ko nga sa balikat.

"Kasalanan mo toh! Uungol ungol pa kasi!"-ako

Nagising naman sya ng dahil sa hampas ko.

"Ha? Ano kasalanan ko? Bakit ka ba nang hahampas?"-Bryan

"Ah basta! Bwisit ka kasi! Inumin mo na nga lang tong gamot mo!"-ako

Nakakahiya talaga!!!

"★☆★☆★☆★☆★☆★☆★"

"★☆★☆★☆★☆★☆★☆★"

Wahahaha! Kawawang Reign!

VOTE, COMMENT AND BE A FAN!!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon