Chapter 16: The Other Side of Him

177 37 17
                                    

Michael's POV

Nagulat ako ng makita ko si Reign paglabas nya ng bahay nila. Ang tamlay nya tapos parang hindi pa sya natutulog.

"Bakit ang laki ng eye bugs mo?!"-ako

"Nagtanong ka pa! Kasalanan mo to! Kung hindi mo sana ako tinapunan ng hot choco edi sana hindi nabasa yung report ko! Alam mo bang alas tres na ko ng umaga natulog para lang tapusin yang lecheng report na yan?!"- Reign

Gumapang nanaman ulit yung guilt sa buong katawan ko.

"Sorry"-ako

SORRY.  Yan lang ang nasabi ko sa kanya.

Pumasok agad sya sa loob ng kotse. Maya maya nakatulog sya ulit.

Naawa ako kay Reign. Nang dahil sakin hindi na sya nakatulog ng maayos.

Ff**********************************************

Nung recess dinaanan. ko ulit sya sa room nila.

Bingo! 

Andun nga sya. Yun nga lang tulog nanaman. Buti wala ng ibang tao sa loob.

Lumapit ako sa kanya tapos marahan syang tinapik sa balikat.

"Reign. Huy. Reign. " - ako

Nagising naman sya agad tapos tiningnan nya ko.

"anong ginagawa mo dito? Natutulog ako eh!"-reign

"May alam kasi ako pampatanggal ng antok mo" - ako

"Ano?" tinatamad parin sya sabay yuko ulit.

"Halika sa baba."-Ako

Napatayo naman sya bigla tapos mukha syang gulat na gulat.

"What?!!!! HALIKAN sa baba?!!!!!"-Reign

Natawa ako ng marinig yung sinabi nya. Puyat nga talaga tong babaeng to kaya namamali na sya ng pagkakarinig.

"Anong halikan ang pinagsasabi mo? Ang sabi ko HALIKA SA BABA."-ako

Namula naman sya. Haha!!

Aasarin ko pa sana sya kaso lang naalala ko yung pangako ko sa sarili ko.

MAGIGING MABAIT NA KO SA KANYA.

Nako naman! Ang hirap pala maging mabait!

Reign's POV

Nakakahiya!!!!!! Bakit ko ba kasi nasabi yun?! Nakakainis!!!!!!

Sumunod nalang ako sa kanya pababa.

"Punta ka muna sa may park. Susundan nalang kita don."-Michael

Alam nya  rin yung park?!

Ay oo nga pala. Anak nga pala sya ng may ari ng school na to kaya natural lang na alam nya ang mga lugar dito.

Sinunod ko na lang siya. Pumunta ako sa park tapos umupo sa isang bench para don maghintay.

Napapikit nanaman ako dahil bumabalik nanaman yung antok ko....

"Bakit ba ang hilig mong matulog?"

Nagulat naman ako ng may bigla nalang magsalita.

Binuksan ko yung mata ko at may nakita akong isang cup ng kape.

"Oh inumin mo para mawala yung antok mo. Peace offering ko narin yan para sa nangyari kahapon."-Michael

Hindi ko kinuha yung kape kaya naman umupo sya sa tabi ko.

"Look, malamig yan kaya hindi ka na mapapaso."-Michael

Mukhang nangagawit na sya kaya naman kinuha ko na yung kape.

"Sorry talaga sa nangyari kahapon. Handa ko namang tanggapin yung mga sigaw at palo mo eh. Go lang."-Michael

Tiningnan lang nya ko na para ngang handa sa kahit anong gagawin ko sa kanya.

Ngiti lang ang iginanti ko.

"Hindi mo ba ko sisigawan o kaya naman hahampasin?" mukha pa syang nagulat sa ginawa ko.

"Nope." cool lang ako.

"Ha? Bakit? "-Michael

"Kasi pagod na ko. Pagod na kong makipag away sayo. Pagod na kong sumigaw. Pagod na rin akong manghampas."-ako

"Pagod ka ng makasama ako????" mukha naman syang nalungkot.

"Oo."-ako

Nag iwas sya ng tingin sakin kaya napangiti ako.

"Ganun ba?"-Michael

"Oo. Pagod na pagod na kong makasama yung mayabang at supladong si Michael Salvador. Alam mo kung sino yung gusto kong makasama????"-ako

"Sino?" tumingin ulit sya sakin.

"Yung totoong ikaw. Gusto kong makasama yung mabait at palakaibigang si Michael.  "-ako

Ngumiti sya sakin.

"Akala ko naman pagod ka ng makasama ako. Pramis! Magiging mabait na ko."-Michael

Mas gusto ko yung side nya na toh.

"Mamayang gabi sumama ka sakin ah?"-Michael

"Saan?"-ako

"Sa party ng pinsan ko. Iniimbita nya kasi ako tapos sabi nya dapat daw may DATE ako."-Michael

Ano?! Date?!!!

"Eh bakit ako? Marami namang iba dyan eh."-ako

"Marami nga, pero kapag kasama ko sila lagi nalang VIP ang turing nila saken. Eh kung ikaw ang kasama ko nararamdaman ko na isa lang rin akong normal na teen ager. Down to Earth ka kasi. Ano? Sasama ka ba?"-Michael

Nag isip muna ako sandali.

"Osige sasama ako"-ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano kayang mangyayari mamaya???

Simula na ba ito ng magandang pagtitinginan ng dalawa?????

VOTE AND COMMENT!!!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon