Chapter 26: A Song For You

120 13 6
                                    

Ang chapter na to ay para kay olaizalopez

------------------------------------------------

Bryan's POV

Papunta ako sa theater para sorpresahin si Reign. May dala akong isang gitara at teddy bear. Balak ko kasi syang ligawan. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, dahil kung sakaling hindi kami parehas ng nararamdaman lahat pwedeng magbago. Pero alam ko sa sarili ko na kahit papaano sumubok ako.

Pagpasok ko sa loob ng theater hindi ko inaasahang ako pala ang masosorpresa.

"Reign Valdez. Can I court you?"-Michael

Please wag kang u-moo.

"Yes!!"-Reign

Kitang-kita ko kung papaano yakapin ni Reign si Michael. Lahat ng tao nagsi-tayuan at pumalakpak. Pero nanatili lang akong naka-upo. Pakiramdam ko nawala lahat ng saya na nararamdaman ko at napalitan ito ng sakit.

Nakalimutan ko, bestfriend nga lang pala nya ko. At kahit kelan hindi nya ko mamahalin. Sino nga ba naman ako? Ako lang naman yung tangang bestfriend ni Reign na umasa na balang araw mamahalin din nya ko.

Saklap diba? Pero ganyan naman talaga ang buhay. Hindi patas.

Tumakbo ako palabas ng theater at ng itatapon ko na sana ang teddy bear na dala ko may bigla namang pumigil sakin.

"Wag mong itapon yan!" hinablot ni Reign ang teddy bear mula sa kamay ko.

"Reign? Anong ginagawa mo dito?"-ako

"Nakita kasi kita kanina na tumatakbo palabas ng theater kaya sinundan kita."-Reign

"Pano si Michael? Dapat hindi ka na sumunod sakin."-ako

"Nag-paalam naman ako. At isa pa, syempre susundan kita noh! Bespren kita diba? May problema ba?"-Reign

"Wag tayo dito mag-usap."-ako

Hinila ko ang kamay nya at pumunta kami sa park sa likod ng school kung saan kami langing tumatambay.

"Uulitin ko. May problema ka ba?"-Reign

"Bespren........ wala na kong pag-asa dun sa taong gusto kong ligawan."-ako

Hinampas nya bigla ako sa braso.

"Ikaw! May liligawan ka na pala tapos hindi mo man lang sinabi sakin?!"-Reign

"Sorry na Bespren."-ako

"Sino ba kasi yang gusto mong ligawan ha?"-Reign

Ikaw..

"Basta."-ako

"Bespren ang daya mo naman eh! Bakit ba masyado kang malihim pag dating sa usapang love life!"-Reign

Nginitian ko sya at tumingin sa langit.

"Maiba ako. Ikaw ah? Nililigawan ka na pala ni Michael. Ang swerte naman nya."-ako

Nginitian lang nya ako pero bigla naman namula ang pisngi nya. Halata namang magugustuhan ni Reign si Michael. Syempre gwapo yon at masyado narin silang naging malapit sa isa't-isa.

Wala na talaga akong pag-asa. Ang SAKIT.

"Bespren? Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo ba si Michael para sakin?"-Reign

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung papaano kakausapin si Reign. Kakausapin ko ba sya bilang Bryan na mahal sya o bilang Bryan na kaibigan nya?

Ang pinili ko yung pangalawa. Oo, mahal ko si Reign pero hindi naman ako maka sarili.

"Syempre naman. Mabait naman yung pinsan ko na yon. At nakita ko naman kung paano sya nag-effort."-ako

Kahit mahirap pinilit kong mag mukhang masaya para sa kanya. Yun nalang naman ang kaya kong gawin sa ngayon, ang suportahan sya.

"Bespren? Pwede ba kitang kantahan?"-ako

"Oo naman."-Reign

Nagsimula na kong mag-strum ng gitara.

Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo.

Di tulad sayo, impossible.

Napaka imposible nga talagang manalo sa puso ni Reign. Ang lapit nga nya sakin pero ang hirap parin nyang abutin.

Kailan, kailan kaya mapapansin ang pusong bitin na bitin?

Kahit anong akong gawin

di mo pinapansin.

Lahat na ginawa ko para lang mapansin nya, pero bakit ganon? Wala ring epekto sa kanya yung pag papaapansin ko.

Reign kelan mo nga ba ako mapapansin? Let me rephrase it. Mapapansin mo pa ba ako?

Kundiman tayo hanggang dulo wag mong kalimutan,

Andito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo.

Reign. Gusto ko lang na tandaan mo na kahit hindi ako yung nilalaman ng puso mo, hindi parin kita iiwan.

Pangako yan.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling,

At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil.

Ang ngiti nya. Sa tuwing nakikita ko syang nakangiti napapangiti narin ako.

Ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong nakangiti sya. Nakakahawa kasi at hindi nakakasawang tingnan.

"Tama na nga Bespren."-Reign

"Bakit?"-ako

"Para naman kasing brokenhearted ka talaga sa mga kinakanta mo."-Reign

Napabuntong hininga nalang ako. Oo na, brokenhearted na ko. Inakbayan nalang ako ni Reign.

"Alam mo kasi, kalimutan mo nalang sya." hinawakan ni Reign ang magkabilang pisngi ko. "sa gwapo mong yan. Marami pang magkakagusto sayo."

Kalimutan? Reign sabihin mo nga sakin. Paano kita kakalimutan?

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~

VOTE, COMMENT AND BE A FAN!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon