Chapter 28: The Evil Plan

107 12 7
                                    

Ang chapter na to ay para kay cuteakopramis12.

------------------------------------------------

Michael's POV

Isa nalang ang kailangan kong gawin para mapasagot si Reign. Kailangan ko ng kumilos.

Sinundo ko na si Reign sa bahay nila para sabay na kaming pumasok sa school. Naging daily routine ko na nga ang pagsundo at paghatid sa kanya araw-araw.

Pagdating namin sa school bumaba agad sya ng kotse.Lumabas ako at lumapit sa kanya.

"Kailangan ko ng umalis ah? Baka makita pa ko ng mga fangirls mo." tumalikod na sya sakin pero hinila ko sya pabalik.

"Don't worry about them, they're nothing compared to you."-ako

                   •••••

Habang nasa klase ako, hindi ko mapigilang mapa-isip sa kung ano ba ang dapat kong gawin para mapasagot ko sya.

ANO BANG GAGAWIN KO?!!!!!

Reign's POV

Recess.....

Magkasama kaming dalawa ni Michael sa may canteen. Wala kasi si Shane at Claire. Pati narin si Bryan wala, kaya naman sya na ang sumabay sakin.

Tiningnan ko yung mga tingin sakin ng mga babae. Pakiramdam ko gusto na nila akong lapain dahil kasama ko si Michael. Haay! Iba na talaga pag gwapo.

"Hindi naman siguro ako lalapain ng mga babaeng nakatingin sa atin diba?"-ako

Tinawanan lang nga ko. Ano bang nakakatawa? Kinakabahan na nga ako dito tapos tatawanan lang nya ko?

"Hoy bansot! Walang mananakit sayo dito. Wag kang mag-alala. Subukan lang nilang saktan ka, talagang lagot silang lahat sakin."-Michael

Concern nga sya pero kailangan ba talagang mang-asar? Sumimangot ako at pinaikot ko lang sa kamay ko yung kinakain kong cotton candy.

"Ang sama mo." mahinang sabi ko sa kanya.

Kinuha nya yung cotton candy at tumalikod sakin. Pagharap nya may bigote at balbas na sya. Yun nga lang gawa sya sa cotton candy.

"Sorry." ginaya pa nya ang boses ng isang matanda.

Tumawa ako. Si Michael naman naramdaman kong nakatingin lang sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Masaya ka ba?"-Michael

Tumango ako.

"Masaya ka ba pag kasama mo ko?"-Michael

"Yup" ngumiti ako sa kanya.

"Gusto mo ba ko?"-Michael

"Higit pa sa inaakala mo" pati sya naka ngiti narin.

"Mahal mo ba ko?"-Michael

Tiningnan ko sya. Seryoso ang mukha nya. Nawala ang ngiti sa mukha ko. Bakit naman ganon ang tanong nya? Sa dami naman ng pwedeng itanong bakit yun pa? Gusto kong sumagot ng 'I Love You' pero ayaw bumukas ng bibig ko. Unti-unting nawala ang liwanag sa mata nya na nagpasakit sa puso ko.

Michael's POV

Hindi nya nagawang makasagot sa tanong ko. Bakit ganon? Mahirap ba talagang sabihin na mahal nya rin ako?

"Never mind" tumayo na ko at naglakad pabalik ng room.

Bigla nalang may pumasok na ideya sa utak ko. Kailangan kong puntahan si Reign. Bumalik ako sa canteen pero wala na sya. Nagtanong ako sa mga tao at sinabi nilang nasa library daw si Reign. Pumunta naman ako sa library para hanapin sya.

Ng makita ko sya tumabi lang ako sa kanya pero hindi ako nag salita. Humarap sakin si Reign.

"Reign? Please?"-ako

"Michael? I--"-Reign

Sasabihin na nya!!!! Yess!!!

"Nag hihintay ako. Come on, sabihin mo sakin na mahal mo ko."-ako

Ngumiti sya at kinurot ang ilong ko.

"I hate you." tumayo na sya habang nakangiti parin.

Alam ko namang hindi talaga nya sasabihing mahal din nya ko eh. Pero nakakatampo parin pala kasi nag expect din ako.

"Sasabihin mo ring mahal mo ko!"-ako

"Never"-Reign

Oras na para isagawa ang plano.

"Kapag ginawa mo" huminto ako sandali kaya napatingin sakin si Reign.

"Kapag ginawa mo, kahit isang beses. Magiging girlfriend kita."-ako

Nanlaki naman yung mata nya at namula rin ang pisngi nya. Cute.

"At dahil dyan, sinasabi ko sayo. Hinding-hindi mo maririnig sakin yan."-Reign

Napa ngisi lang ako.

"So, do we have a deal?"-ako

"Deal" tumalikod na sya at naglakad palayo. Mas lalo.lang tuloy lumaki ang ngiti sa mukha ko.

"I love you!"-ako

"I hate you!"-Reign

Natawa lang ako. Reign Valdez, magiging girlfriend din kita.

Reign's POV

Kaloka yung challenge ni Michael. Kaya ko naman siguro yun diba?

Kinabukasan.......

15 minutes na kong naghihintay sa tapat ng bahay namin pero hindi parin dumadating si Michael. Male-late na ko. Dati naman hindi sya nahuhuli sa pag sundo sakin. Ano kayang nangyari don?

May isang sasakyan na tumigil sa harap ko. Kulay blue kaya alam kong hindi yon kay Michael. Bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw si Christian at Lance.

"Reign!" mukhang nag-aalala si Christian.

"Anong ginagawa nyo dito? Asan si Michael?"-ako

"Yun nga ang pinunta namin dito. Si Michael naaksidente!"-Lance

To be continued.......

~♥~♡~♥~♡~♥~♡~♥~♡~

Pabitin effect? Haha! Abangan ang susunod na mangyayari!

VOTE, COMMENT AND BE A FAN!

Fate Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon