"ALAM mo, wala akong kilalang sinasagot sa ligaw-tingin," tukso ni Iris kay Chance nang nahuli siya nitong nakatingin kay Milla sa library.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata habang umuupo sa harapan niya. Napaka-intrigera talaga ng babaeng ito kahit kelan!
"Nasa library tayo, Iris Darlene," mahina niyang babala dito. "Ibaba mo 'yang volume ng boses mo."
Nang may ilapag ito sa mesa. Isang slambook. "Gusto mong mag-sign?" alok nito.
"Hindi ba pangbabae lang 'yan?" gusot ang ilong na nasabi niya.
"Nag-sign na dito si Josef kanina, 'no?" Itinulak nito ang slambook palapit sa kanya.
"Ano naman ang mga isusulat ko diyan?" Pribado siyang tao, ayaw niya yatang malaman ng kahit na sino kung ano ang mga paborito niya. Or, shit, kung sino ang crush niya!
"Huwag ka ngang killjoy, mag-sign ka na diyan para may remembrance naman ako galing sa iyo pagkatapos ng graduation," pangungulit pa nito, kandahaba ang nguso.
Her lips looked fuller and more supple if she was frowning. Ang mga labi nitong na-curious siyang malaman kung ano ang lasa habang nasa loob sila ng sinehan noong nakaraang linggo. He had never felt like that before, a strong urge to kiss a girl. Kahit si Milla na matindi ang kanyang pagkagusto ay hindi niya kailanman naisipang halikan sa mga labi. Well, hindi pa naman kasi sila nagtatabi ni Milla kahit sa upuan, kaya anong alam niya kung ano'ng pakiramdam pag malapit siya dito? Isa pa, tinablan lang siguro siya ng napanood na kissing scene sa pelikula kaya napagdiskitahan niya si Iris na siyang katabi niya noong oras na iyon.
Tiningnan niya lang ang slambook saka itinulak pabalik kay Iris. "Saka na, busy pa ako."
Sumimangot ito nang mahuli na naman siyang sumulyap kay Milla. "Walang pag-asa ang mga tiyopeng kagaya mo!" pang-aasar nito sa kanya saka siya nilayasan.
INIS na umuwi si Chance sa kanilang bahay nang hapong iyon. Atribidang Iris Darlene na 'yun at binanatan na naman siya! Tiyope daw siya?
Fine, tiyope nga siguro siya. Sa hindi pa naman niya kasi nararanasang magka-crush ng ganito katindi. Saka anong alam niya sa panliligaw? He just turned sixteen! Hindi siya kaparis ng mga kaklase niyang mga lalaki na panliligaw na ang inaatupag habang nangangamote naman ang mga grades.
Pero isang buwan na lang, graduation na. Maghihiwalay na sila ng landas ni Milla dahil sa Maynila siya mag-aaral ng kursong Economics. Dinig niya'y sa isang kalapit na state university naman papasok si Milla, ewan lang niya kung ano ang magiging kurso nito, hindi naman kasi siya tsismoso para madaling makasagap ng balita.
Kung patulan niya kaya ang panukala sa kanya ni Iris? Gawin niya nga kaya itong tulay?
Huwag na, baka imbes na i-build up siya nito kay Milla, ilaglag lamang siya. Siya na lang ang didiskarte para sigurado. Sa anong paraan, hindi pa niya alam. Pero kailangan na niyang kumilos sa lalong madaling panahon.
Kinabukasan ay lakas-loob siyang nag-sign sa slambook ni Iris. Noong narating niya ang part na Who is your crush ay nilagay niya ang initial ni Milla— M.S.. Bahala na kung mabuking. Iyon naman talaga ang pakay niya. Kung ano ang magiging reaksiyon ni Milla, he would take it from there. Saka na niya paplanuhin ang mga susunod na hakbang.
"Heto na, salamat," aniya kay Iris nang matapos siya sa pagsusulat.
Agad naman nitong binuklat iyon at pinasadahan ang mga pinaglalagay niya. "Paborito mo pala ang Linkin Park?" maya-maya'y tanong nito.
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Mare (Complete)
RomancePublished under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.