Chapter 4

16.6K 728 98
                                    


EXCITED na nagsha-shopping si Iris ng damit na isusuot niya sa kanyang date sa isang araw. Actually, tatlong araw na siyang naglilibot sa mga malls pero wala siyang magustuhang mga damit. O, hindi niya lang talaga alam kung ano ang bibilhin. Kahit kelan talaga, wala siyang fashion sense. Sa Hive nga ay madalas jeans at tunic o blouse lamang ang get-ups niya. Wala naman kasing dress code na ipinatupad sa kanya ni Chance. Ito naman ay business casual lagi ang kasuotan pag nasa bar.

Nakatingin siya sa harapan ng isang boutique na nagbebenta ng puro designers clothes. Puro mga sexy semi-gowns ang suot ng mga manequin na naka-display sa harapan ng glass wall. Napangiwi siya. Hindi talaga siya mahilig sa ganoong mga damit. Although gusto rin niyang i-try. Maganda naman ang katawan niya sa tingin niya. She stood five feet, six inches. Saka wala siyang excess fats.

Lakas-loob siyang pumasok sa loob ng boutique at muntik nang himatayin sa presyo ng mga damit doon. Hell, no! Oo nga't malaki ang kinikita niya but there was no way na gagastos siya ng sandamukal na pera para lamang sa damit na gagamitin niya sa pakikipag-date. It was not worth it kahit guwapo at mestizo pa ang ka-date niya.

Nakilala niya si Nash last week sa birthday party ng kapitbahay niya sa inuupahang apartment. Pinsan ito ng celebrant. Mabait ito at simpatiko at agad niyang nakapalagayan ng loob. Hanggang sa kunin nito ang number niya nang magpaalaman sila nito at iyon na nga, niyaya siyang mag-dinner date sila.

Tumawag sa kanya si Chance habang kumakain siya sa isang Chinese restaurant sa loob ng mall. "Yes?" sita niya dito.

"Parang hindi ka masayang marinig ang boses ko," tila may hinampo namang sabi nito. "Bad timing ba?"

"Hindi naman. Sorry, iritado lang ako kasi wala pa akong nabibiling damit para sa date ko. Sa Friday na iyon."

"Wait, may date ka? Wala ka yatang sinasabi sa akin, mare?"

Tumawa siya. "Bakit close ba tayo at kailangan kong ipaalam sa iyo lahat ng nangyayari sa buhay ko?"

Well, actually, sa anim na buwan na pagtatrabaho niya sa Hive, unti-unti na ring napapalapit sa kanya kahit paano si Chance.

"Kaibigan mo ako, kumpare pa. Hindi pa ba tayo close sa lagay na 'yan?"

"At boss ko rin," nakangiting dagdag niya. Isang mabait at hindi istriktong boss. "Yes, I have a date." Hindi niya naitago sa boses ang excitement. Aba, hindi na niya matandaan ang huling pakikipag-date niya. Sa probinsiya pa noon iyon. "Bakit ka ba napatawag?" pagkuwa'y usisa niya.

"Nothing. Wala lang magawa."

"You should go out in a date, Chance. Nabuburo ka na masyado sa trabaho."

"You think so?"

"Uh-huh. Para magka-girlfriend ka na ulit. Saka bawas-bawasan mo rin 'yang pagka-snob mo para madali kang makabingwit ng date."

Tumikhim ito. "So, itong ka-date mo ngayon, siya na ba 'yung sinasabi mong dream man mo noon? Prospect mo ba siya para maging boyfriend?"

"Kelan ka pa naging intrigero?" natatawang balik-tanong niya.

"Para nagtatanong lang."

"Well, kaya nga kami magdi-date to get to know each other, hindi ba?" Right, ayaw niya namang mag-assume na lang basta.

Nagpaalam na ito. "Alright, I have to let you go then. Kita na lang tayo mamayang gabi."

Mabilis niyang tinapos ang pagkain saka ipinagpatuloy ang paghahanap ng maisusuot. Pero sa kamalas-malasan naman, nang makahanap na siya ng gusto niyang damit at sapatos at magbabayad na sa counter, saka niya napansing nalaslas pala ang bag niya. Ninakawan siya! Nakuha ang wallet niya nang hindi man lang niya namamalayan dahil sa pagkaabala sa paghahanap ng buwisit na outfit!

This Guy's In Love With You, Mare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon