SCREW me! mura ni Chance sa sarili habang nasa ilalim ng shower. What the hell was happening to him? Ganoon na ba siya kalasing kagabi at kung anu-anong ipinagdadaldal kay Iris? Hindi lang iyon, may naramdaman pa siyang kakaiba habang magkadikit ang mga katawan nila. He liked wrapping his arm around her, feeling her small frame. It was like he was holding a delicate china. Iris was not short but she was kinda petite. Not bony though, in fact, she felt soft. So soft like a pillow, or a cotton candy... Parang ang sarap nitong yakapin.
At ang malambot nitong buhok, napakabango niyon. Just the sweet scent of it was enough to stir up his senses. Nabulabog ang mga hormones niya sa katawan. She was sending tiny flames to his body, she was exhilarating him. Was he being turned on with his friend? What the fuck? Nadi-diyeta na ba siya talaga sa sex at pati walang malay na kaibigan niya'y napagdidiskitahan na ng kanyang katawang-lupa?
Uh-oh. Hindi maganda iyon— ang pagkakaroon ni Iris ng lustful effect sa kanya. Imagining her naked was one thing, dahil bunsod lamang iyon ng kuryusidad. Pero ang pag-initin nito ang katawan niya, ang bulabugin ang hormones niya, ang kagustuhan niyang hawakan ito, halikan... that was going overboard. Way overboard, man!
Fine, hahanap na nga siya ng babaeng puwedeng kaulayaw. Maybe he just needed to get laid big time para mailabas ang naiipong init sa katawan. Dahil hindi tamang makaramdam siya ng kahit na kaunting pagnanasa sa assistant manager niya. Hell, kahit ang kaibigan niyang si Quentin na matinik sa chicks ay hindi pinapatos ang mga babaeng empleyado ng The Hive. Off-limits ang mga ito dito.
Kailangan niyang umayos.
HINDI maganda ang pakiramdam ni Iris na pumasok sa Hive isang gabi. Masakit ang kanyang ulo at mga kasu-kasuan. At mainit ang pakiramdam niya. Kahapon pa niya ito nararamdaman ngunit ipinagwawalang-bahala lamang niya. Matapos bilinin ang isang bagong bartender ay bumalik siya sa opisina at hinagilap ang pakete ng ibuprofen sa kanyang bag.
Nagsasalin siya ng tubig sa plastic disposable cup mula sa water dispenser doon nang pumasok naman si Chance. Basa ang asul na polo nito.
"O, anong nangyari sa iyo?" sita niya dito na sinundan ng inom sa gamot.
"Nabangga ako ng isang lasing na customer, tumapon sa akin ang martini na hawak na niya," medyo inis nitong sabi saka parang walang anumang naghubad ng pang-itaas na damit sa harapan niya, isinampay nito ang polo sa isang kalapit na silya.
She swore, nalaglag ang panga niya pagkakita sa flat abs and chest ni Chance.
My, oh my... Alam niyang maganda ang katawan nito kahit nakadamit pero hindi niya inakalang pamatay pala ang bare upper body nito. His skin was lightly tanned, hairless and smooth; and his muscles looked hard. Hmn, she wondered how it would feel like running her fingers on his broad chest.
Diyos Lord! Ano bang pumapasok sa kukote niya sa pagkakakita ng kalahating hubad na lalaki? Ganoon ba kasama ang pakiramdam niya ngayon at halos magdiliryo na siya?
Binuksan ni Chance ang locker nito doon at naglabas ng malinis na polo-shirt na kulay berde.
"Shit," mahinang mura nito nang parang inamoy ang sarili. He was still oblivious that he was bringing her wonders just by merely staring at his exposed skin. "I think I need to clean myself. Amoy alak ako."
Nagmamadaling pumasok ito sa restroom ng opisina at naiwan siya doong namamalikmata. Saka lamang niya namalayan, nayupi na pala sa kanyang kamay ang hawak niyang plastic na baso. Ganoon siya nanggigil sa katawan ni Chance Navida? What the hell? Kelan pa siya nakaramdam ng ganoon? Ni hindi nga siya tumitingin sa mga hubad na lalaki sa internet o sa mga magazine, 'no?
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Mare (Complete)
RomancePublished under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.