AKALA ni Chance ay biro niya lamang kay Iris ang sinabi ditong mami-miss niya ito. Heto siya ngayo't ilang araw nang nangungulila sa dalaga. Ganoon na ba sila ka-close nito't ganito ang nararamdaman niya sa absence ni Iris?
Ngunit unti-unti niyang natatanto na hindi lamang ang pagkakalapit nila bilang magkaibigan ang hinahanap-hanap niya ngayon. He was longing to hear her voice and he was missing the scent of her hair. Halos ayaw nga niya itong pakawalan nang ihatid niya ito sa bus station. Not only that, he wanted to kiss her on the lips. Mabuti na lamang at nakapagpigil siya.
Am I in trouble?
Holy shit. Kailangan niyang bigyan ang lahat ng ito ng rasyonal na dahilan. Of course, nasanay na siya sa presensiya ni Iris Darlene sa buhay niya kaya ganoon na lamang kung hanapin niya ito. And about his lustful thoughts... well naiipon lamang iyon na init sa kanyang katawan dahil hanggang ngayon, wala pa siyang nahahanap na babae upang maka-date. O, ayaw lang niyang maghanap?
Nagtaka ang kanyang mommy nang makita siyang umuwi sa kanilang bahay sa San Joaquin. Medyo matagal na rin kasing hindi siya nauuwi roon. Sa hardin niya dinatnan ang ina, nakasuot ng gloves at nakahawak ng pruning shears.
"Heeey!" masayang bati nito sa kanya.
Humalik siya sa pisngi nito na ipinagtaka naman ng ginang. Hindi siya talaga humahalik o yumayakap sa mga magulang. It was not his way of showing them his love. Pero na-miss rin yata niya ang ina kaya kusa niyang ginawa iyon ngayon.
"Nauwi ka?" sita nito sa kanya.
"Namatayan 'yung kaibigan ko sa Tierra Roja, si Quentin. His brother died of heart attack. Makikilibing po ako."
Tinanggal nito ang mga suot na guwantes at ginulo ang buhok niya.
"When I saw your car in the driveway, akala ko may iuuwi ka nang babae para ipakilala sa amin ng Dad mo."
He laughed. "Mom, I told you, matagal na kaming break ni Tiffany."
"I know. Bagong girlfriend ang ibig kong sabihin. Isa pa, ayoko naman talaga sa Tiffany na iyon. Trying hard masyado."
Napailing siya sa nakitang expression sa mukha ng ina. She was wrinkling her nose. Ewan niya pero masama ang vibes nito kay Tiffany nang ipakilala niya ang babae sa parents niya nang bisitahin siya ng mga ito sa tirahan niya sa Manila noon.
Nang magpaalam ang ina para utusan ang kasambahay nilang ipaghanda siya ng meryenda ay iginala niya ang paningin sa hardin. It was blooming with roses, gardenias, bougainvilleas, euphorbias and orchids. Alagang-alaga iyon ng kanyang mommy eversince nag-retire na ito sa pagiging Math professor. Abala pa naman ang kanyang ama sa pangangasiwa sa law firm nila kasama ang kanyang Ate Fate na isa ring lawyer.
May dala-dalang tray na naglalaman ng isang pitsel ng orange juice at dalawang basyong baso ang kanyang ina nang bumalik ito sa hardin. "Just wait for a while, niluluto pa ang turon," anito at inilapag ang dala-dala sa garden table doon na yari sa wrought iron.
Umupo siya sa harapan ng ginang habang ipinagsasalin siya nito ng juice. "Mom," pakli niya.
"Yes?"
"Bakit hindi ka binibigyan ni Daddy ng mga bulaklak? I never saw him buying you flowers, not even once."
Tumawa ito sabay upo sa silya roon. "He doesn't have to, son." Nakangiti itong tumingin sa paligid. "Because he gave me this garden."
A garden?! He was speechless. Hindi niya iyon alam.
"This is his first wedding anniversary gift for me. Alam niya kasi mahilig ako sa mga bulaklak pero ayoko ng mga flower arrangements, gusto ko buhay sila."
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Mare (Complete)
RomancePublished under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.