Author's Note:
Si Preston at Rain na nabanggit sa chapter na ito ay mga character sa first ever PHR book ko, Operation: Malaking Hadlang. Two chapters to go at ending na! Thank you sa mga bumabasa ng kuwento nina Chance at Iris. ^_^
NAGKUKULONG lamang si Iris sa opisina ng Hive matapos niyang mag-round check nang dalawang beses. Dati-rati'y tumatambay siya sa may bar kung wala siyang ginagawa sa opisina gaya ngayon, nanonood ng performers. Pero ngayong gabi, anti-social muna ang drama niya. Sorry naman, kahit gaano pa niya pagaanin ang loob dahil sa natuklasan kay Julian ay may kaunting bitterness pa rin siyang nadarama. Siyempre, disappointed rin siya kahit paano. To think na inakala niyang magandang prospect ito para maging boyfriend niya.
Napuna naman yata ni Chance ang pananamlay niya. Patingin-tingin ito sa kanya kanina pa, parang pinipigil lang kausapin siya.
Then she caught his gaze, they were locked in a lingering look for a while saka halos sabay ding nagbawi ng tingin. Saka lang tuluyang nag-sink-in sa kanya ang rason kung bakit naging parang atat siyang naghanap ng makaka-date. It was Chance. It was that strange feeling deep inside her that was growing and evolving as days go by. Ang makapangyarihang damdaming gusto niyang takasan.
Lumabas siya ng opisina at nagtungo sa munting deck doon kung saan naroroon ang fire escape ladder upang sumagap ng hangin.
Ilang saglit lang ay hindi niya inaasahang susundan siya doon ni Chance. "Something wrong?" nananantiyang usisa nito sa kanya.
Sumandal siya sa balustrade at hinarap ito. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka ito sinagot. "Hindi na kami magdi-date ni Julian, masaya ka na? Hindi ka na uli mag-iisa, may kasama ka na uling miserable."
"May kinalaman ba ang paghihiwalay niyo sa paghalik ko sa iyo sa harapan niya?" parang guilty nitong tanong.
Umiling siya. "I found out na may steady date pala siya at lumalabas din siya kasama ang iba pang babae bukod sa akin. Kaya pala parang okay lang sa kanya na makita akong hinahalikan ng ibang lalaki. He's open to things like that— na hindi nag-i-stick sa iisang partner. Well, I'm not. Hindi ko kayang maging promiscuous."
"Kaya pala parang wala akong tiwala sa karakas ng gagong iyon." Sumandal din ito sa balustrade, sa tabi niya. "Well, it's his loss, babe," pang-aalo nito sa kanya. "Please don't be sad anymore. Alam mo namang hindi ako sanay nakikita kang ganyan. Mas kaya ko pang makitang inis at galit ka sa akin pero hindi ang nalulungkot ka."
Tumingin siya sa kalangitan. "Hindi ako malungkot, Chance. More of slightly bitter and disappointed lang. I mean, parang wala nang matinong lalaki sa mundo! Tama ka, hanggang panaginip na nga lang siguro ang dream man ko."
Kung bakit nag-set pa siya ng standards para sa lalaking iibigin. She was not really that hopeless romantic. Siguro, nagpapaka-safe at sigurista lamang siya. Pinili niya ang mga katangiang inakala niyang maaari niyang gawing dahilan upang umibig. Ang mga positibong katangian na nagbibigay sa kanya ng kasiguraduhang hindi siya masasaktan sa huli.
"Meron pa namang matinong lalaki sa mundo, tulad ko." Ipinaling nito ang mukha sa kanya. "You know what, I may not be your dream man but I can give my whole heart to you," ngiting-ngiti at madamdaming sabi nito.
Siniko niya ito. Tama bang tumula ito sa kanya? "Pero hindi mo naman ako gusto, kumag ka!" Muli siyang dumukwang sa balustrade.
"Well, ayaw mo rin naman sa akin, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Mare (Complete)
RomancePublished under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.