Chapter 8

17.3K 694 61
                                    



SA biyahe pabalik sa Maynila nina Chance at Iris ay parang walang nangyaring mainit na halikan sa pagitan nila isang tanghali sa gitna ng hardin. Kaswal lang silang nagkukuwentuhan ng tungkol sa anu-ano.

Ngunit parang hindi na yata maiwawaglit ni Chance sa isip niya ang pangyayaring iyon. It was... strange. Ang buong akala niya'y napagdidiskitahan lamang ng kanyang hormones si Iris. But when he kissed her... It totally blew his mind away. What he had for Iris— it was beyond lust. Way more than lust. Napaka-profound ng kanyang naramdaman sa mga oras na halikan niya ito. It was passionate, it was a bliss. It was very sweet.

Weird. Very weird. Dahil kung hinahalikan niya noon si Tiffany o ang mga ibang babaeng nakakaulayaw niya'y it was nothing but a sexual act— bilang panimula sa pakikipagtalik. Not with Iris though. Definitely not, and, it was astounding him big time. Daig pa niya ang nakaramdam ng unang halik. His first kiss was very forgettable. It was from a ramdom girl in college. Isang halikang napunta sa mas mainit pang tagpo. It was a pure carnal act.

Nasa Maynila na sila nang nakaidlip si Iris sa biyahe. Napangiti si Chance sa gitna ng traffic habang tinititigan ang dalaga na parang anghel na natutulog sa passenger's seat. It was amazing how could a feisty and bubbly girl could look so delicate and pure when sleeping.

He then realized how much he adored and treasured her. Wala pa siyang ibang babaeng nakikilala na kagaya ni Iris Darlene. With her, what you see is what you get. She was amazing.

Kundi pa bumusina ang kotseng nasa likuran niya ay hindi pa niya mapapansing green light na pala. Iiling-iling siyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Hanggang sa may mamataan siyang Starbucks. Nagpasya siyang bumili ng frappuccino para sa kanila ni Iris.

Hindi na niya ginising ang babae. Ngunit hindi pa siya nakakalayo sa kanyang kotse ay may isang taong hindi niya inaasahang makikita sa parking lot.

Si Tiffany, at may kasama itong lalaki.

"Chance!" masayang tawag sa kanya ng dating nobya. Hinila nito ang kasama patungo sa kanya.

"Hey," nginitian niya si Tiffany at nagtanguan naman sila ng lalaking kasama nito.

"This is Erick," pagpapakilala nito sa kasama. "My fiance."

Fiance? Wala pang isang taong break sila nito at fiance na agad ang ipinalit sa kanya?

"Honey, this is Chance," anito kay Erick na halatang alam na alam na kung naging sino siya sa buhay ng babae.

Nagkamayan sila ni Erick. "Shall we invite him to our wedding, sweetheart?" baling nito kay Tiffany.

Wedding? Ang bilis talaga. Nalulula tuloy siya. Why, noong sila ni Tiffany ay ni hindi sumagi sa isip nila na magpakasal agad.

"Kung okay lang sa iyo, Chance," parang nahihiya namang sabi sa kanya ni Tiffany.

A-attend siya sa kasal ng kanyang ex-girlfriend? "Sure," sabi na lang niya kahit nagdadalawang-isip kung a-attend nga siya o hindi. "When?"

"Saturday next week, doon sa Catholic church malapit sa bahay ko. The matrimony will be at eight AM at sa Amihan Hotel naman ang reception. It's a semi-formal event, by the way."

"Mabuti pa, pag-usapan na lang natin 'yan ngayon with coffee," suhestiyon naman ni Erick sa kanila ni Tiffany.

"Sorry, pare, but I have to refuse," tanggi niya dito. "May kasama kasi ako," aniya sabay turo sa kanyang kotse. "Malayo pa'ng ibiniyahe namin at magti-take-out lang sana ako ng iced coffee."

This Guy's In Love With You, Mare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon