Chapter 10

16.6K 659 88
                                    


SABADO ng gabi ay mainit ang ulo ni Chance dahil delayed ang nagde-deliver ng ice sa The Hive. Ubos na ang stocks nila sa storage room at kinailangan nilang bumili kanina sa grocery ng ice cubes. At mas lalo yatang nagatungan ang inis niya nang bumaba siya sa ground floor at matanaw na may kasamang lalaki si Iris sa bar counter.

Must be her Julian, matiim niyang sabi sa sarili.

Masayang nag-uusap ang dalawa and he was somehow hating it. Gusto niya, siya ang lang ang lalaking kakuwentuhan at kangitian ni Iris nang ganoon. Gusto niya, sa kanya lamang ang mga ngiti nito, ang mga tawa nito.

Nais niya tuloy upakan ang sarili sa mga naiisip. Nagseselos ba siya sa nakikitang tagpo? Fuck, no!

Muli siyang umakyat sa kanyang opisina at husto namang nag-ring ang kanyang cellphone. Si Milla ang tumatawag, nangangamusta.

Sa kabila ng minsang pagkabaliw niya sa babaeng ito, wala siyang naramdaman ni kaunting excitement na marinig ang boses nito. None. That, o baka masyado lamang siyang nabubuwisit ngayong gabi.

"Are you working ba? Sorry, I disturb you yata."

Nag-iinat siyang umupo sa kanyang swivel chair. "No, it's alright. Nasa trabaho ako pero wala naman akong ginagawa sa ngayon. Napatawag ka?"

"Well..." Tumawa ito. "Wala rin kasi akong magawa at nag-i-scroll ako kanina pa sa cellphone ko. I saw your name at naalala kong hiningi ko pala ang number mo kay Iris at ibinigay ko naman ang number ko sa kanya para ibigay niya sa iyo. Wait, ibinigay ba niya sa iyo?"

"Yes, she gave it to me."

"O-oh. I was wondering kasi kung binigay niya o hindi since hindi mo naman ako tinext o tinawagan."

Nagkamot siya sa sintido. "I'm sorry, Milla. Masyado lang akong busy lately."

"Anyway, napatawag din ako para ibalita sa iyo na nagpa-plano ang St. Florence ng Grand Alumni Homecoming, early next year yata."

"That's good. Sana makarating lahat ng classmates natin."

"Oo nga. Grabe, antagal na rin pala nating graduate, ano? More than ten years na." Humagikgik ito. "Parang kailan lang noong may crush pa ako sa iyo."

Napatuwid siya ng upo. "M-may crush ka sa akin noon?"

"Yeah, kaso hindi ka naman kasi namamansin noon. Ni ayaw mo akong ngitian."

"I didn't know! I did have a crush on you before. Sinulat ko pa nga ang initials mo sa slambook ni Iris, hoping you might see it."

"W-what? You mean, ako iyong M.S. na nilagay mong crush mo?" gulilat nitong tanong.

"Yes." Gusto niyang matawa. After more than a decade pala siya aamin sa kanyang high school crush.

"Iba ang sabi sa akin ni Iris. Sabi niya si Maricel Soriano daw."

He wrinkled his forehead. "Maricel Soriano?" Bakit naman iyon sasabihin ni Iris kay Milla? Alam nitong crush niya ang babae noon. "Sinabi iyon sa 'yo ni Iris?"

"Yup! Sabi pa nga niya, may body odor ka daw tas patay lahat ng mga toenails mo."

Napatayo siya bigla. "What the hell? That's not true!"

"P-pero iyan ang sabi niya sa akin after kong sabihin sa kanya na crush kita, tandang-tanda ko iyon kasi na-turned off ako sa iyo."

"That's just ridiculous— Shit, hindi ako nangangamoy at lalong hindi patay ang mga kuko ko sa paa!"

This Guy's In Love With You, Mare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon