Chapter 3

18.6K 728 55
                                    



Ang Gaile's— isang bar-restaurant sa downtown ng Tierra Roja, kung saan din naroroon ang St. Florence High na Alma Mater nila, nagkikita-kita sina Chance at Iris at ng lima pang mga kaibigan nila. Nakaugalian na nila iyon isa o dalawang beses isang taon since maghiwa-hiwalay sila ng landas pagkatapos ng high school. Doon nila pinaplano ang mga outings o event na magkakasama nilang pinupuntahan. Kaso pagkatapos nila noon ng college, madalang na lamang kung makumpleto silang pito. May kanya-kanya na kasi silang buhay, busy madalas sa trabaho. Tapos, ang tatlo pa sa kanila, nag-abroad na in a span of two years. Nag-asawa naman ang isa pa last year lang at nakatira na sa ibang probinsiya. Si Alyanna na lang ang kakatagpuin nina Chance at Iris ngayong hapon.

Natanaw ni Iris si Chance na nakaupo na sa mesang ipina-reserve nila. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi. Lalong gumuwapo yata ang kumag. Maganda ang gupit ng itim na itim at tuwid nitong buhok. Ang stubbles nito sa mukha ay lalong nagpadagdag ng gandang lalaki nito. Pero ganoon pa rin, mukha pa ring isnabero. Nakaupo lang ito doon, seryoso ang mukha at nagda-drum ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Naiinip na siguro.

Ngumiti siya dito nang mamataan siya nito. Bahagya naman itong kumaway sa kanya.

"Magkano ba talaga 'yang ngiti mo't bibihira mong i-display?" biro niya dito nang makarating siya sa mesa.

Tumayo naman ito't ipinaghila siya ng isang silya. "May balak kang bilhin ang ngiti ko?" biro naman nito pabalik.

Umupo siya. "Baka 'di ko ma-afford. Poorita ako ngayon." Agad niyang dinampot ang menu sa harapan niya.

Pag-angat niya ng mukha mula sa binabasang menu ay isang nakangiting Chance ang nabungaran niya. One genuine and fresh smile displaying his perfect set of teeth.

Natulala yata siya bigla dito. Antagal din niyang hindi nasilayan ang ngiti ng kumag na ito. Kelan na ba sila huling nagkita? Maraming buwan na ang lumipas. Despedida party yata noon ng isang kabarkada nilang nagtungo sa New Zealand. Madalang na kung umuwi sa probinsiya si Chance since nasa Maynila ang music/sports bar kung saan part-owner ito at branch manager.

"O, hayan, libreng ngiti para sa iyo," sabi pa nito at pinaluwag ang ngiti.

She felt flattered. "Thank you!" aniya sabay ang isang maikling hagikgik.

Pinalis na nito ang ngiti sa mukha. "Kuntento ka na?"

"Busog na nga ako. Ngiti mo pa lang, ulam na!" aniya dito sabay kindat.

Parang nahihiya itong napakamot sa sintido sa gesture niyang iyon. She found it so cute and boyish. Parang kelan lang talaga noong nasa high school pa sila nito, nagpipikunan. Actually, halos wala namang nabago, sa tuwing may get-together silang magbabarkada, hindi pa rin nawawala ang mga bangayan nila ni Chance. Sabi nga ng mga kaibigan nila, hindi raw kumpleto ang gimmick nila pag hindi sila nag-argumento ni Chance.

Nang tumawag naman si Alyanna sa kanya. Hindi raw ito makakarating dahil may family emergency. Ipinaalala rin nito sa kanya ang binyag ng anak ng isa pang barkada nilang si Josef two months away. Magiging godparents silang tatlo ni Chance. Ang ibang barkada nilang wala sa bansa ay may kanya-kanya nang mga proxy.

"So, it's just you and me," parang tinatamad na sabi ni Chance nang matapos ang phonecall.

Sinimangutan niya ito. "Dismayado ka yata? Puwede namang huwag na nating ituloy ito. Magkita na lang tayo sa binyag ni Princess."

"Bakit lagi na lang masama ang dating ko sa iyo?" sita naman nito.

"Maldito ka kasi sa akin."

This Guy's In Love With You, Mare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon