Author's Note:
Ending na ang susunod na chapter dito! ^_^
BAGO bumalik sa Manila sina Chance at Iris ay nagkasundo ang mga itong umuwi muna sa kani-kanilang tirahan sa probinsiya. Isang araw na nagliliwaliw sa downtown si Iris ay nakita niyang may kabubukas na spa salon doon. Maliit lang pero mukhang sosyal, well, of course hindi kasing-sosyal ng spa sa Escape na atat na atat pa naman sana niyang subukan kaso nakapagpa-reserved na yata one month ago pa ang mga kamag-anak ni Chance doon kaya hindi na siya na-accommodate sa loob ng dalawang araw na pananatili niya sa resort.
Napagpasyahan niyang magpa-full body massage. Kailangan niyang mag-relax bago sumabak na naman sa trabaho. Dagdag pa na malayo ang biyahe pabalik sa lunsod.
Papasok na siya sa spa salon nang tumawag naman sa kanya si Chance.
"Hey, babe!" masayang bati nito sa kanya.
Babe ka diyan! Kumag na ito't lalo lamang nahuhulog ang loob niya dito!
"What's up?" sita niya dito.
"Are you free today?"
"Yeah, actually, 'andito ako sa downtown, magpapamasahe."
"Can we go out after?"
Sarap sanang i-assume na 'yung "go out" na iyon ay date, kaso si Chance ang nagyayaya sa kanya. Ang kaibigan niya, kumpare, boss at kaaway na rin minsan. Ang apat na iyon na lamang yata ang magiging papel niya sa buhay nito.
"Sure," pagpayag niya. "Saan mo ba gustong pumunta?"
"Kahit saan, gumala tayo, kumain, basta kasama kita. Sunduin kita mamaya diyan."
Napangiti siya. "Okay. I'll be done in maybe an hour." Sinabi niya dito ang pangalan ng spa salon at nagpaalaman na sila.
Sa massage room para sa mga babae ay inabutan niyang may isang kadarating din na customer doon na pumupuwesto na sa kama. Pagdapa niya sa kamang katabi nito ay saka niya napansing si Milla pala iyon.
"Iris!" palatak nito nang makita siya.
"Hey," bati niya naman pabalik dito.
Nagkamustahan sila't nagkakuwentuhan habang minamasahe sila. Hanggang sa naisip niyang ungkatin ang tungkol sa lovelife nito.
Malungkot itong sumagot. "Wala na kami ni Christian."
"O-oh. Kelan pa?"
"Mahigit one month na. I caught him cheating on me. Dalawa pala kaming babae sa buhay niya. The nerve!"
"Sorry to hear that."
"Oh, well, that's life. Kailangan ko nang mag-move on, I guess."
"Tama! Madami pa namang ibang boylets diyan." Yeah, right. Siya nga, hindi makahanap-hanap ng sariling boylet!
"Kumusta na pala si Chance? Loka ka, Iris, ha? Bakit mo siya siniraan sa akin noon? Hindi naman pala totoo ang sinabi mong may putok siya at patay ang mga toenails niya."
Sinikap niyang pumeke ng tawa. "Binibiro lang kita noon, hindi ko naman alam na maniniwala ka pala."
"Akala ko kasi totoo, eh. Anyway, nagpalit na ba ng cellphone
number si Chance? Hindi niya kasi ako tini-textback, eh."
Aba't may masamang balak pa yata!
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Mare (Complete)
RomancePublished under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.