Chapter 12

29.1K 661 6
                                    

KYLE'S POV

Pagkatapos ng klase namin ay tuloy tuloy ng lumabas sa room si boss, kaya sinundan namin siya, kailangan kasi as much as possible ay magkakasama ang Dark Angel Gang, dahil maraming gang ang gustong gantihan kami kaya kailangan sama sama para kung sakaling may laban ay matutulungan namin ang isa't isa.

Habang naglalakad ay may isang nerd ang humihingal na lumapit kay boss.

"Mr. Zack Alvarez, yung girlfriend niyo po, inaaway nina Maxine" anang nerd.

"What? Nasaan sila?"

"Nasa wash room po"

Bigla namang nabalutan ng black aura si Zack dahil sa narinig, parang anytime ay makakapatay siya.

Pati na sina David at Ken ay sumunod na naglakad ng mabilis kay boss papunta doon sa tinuro nang nerd.

Kaya sumunod na din kami.
Pagkatapat ni boss sa harap ng pinto ng wash room ay isang malakas na sipa ang ibinigay nya sa pinto kaya bumukas ito.

Sakto namang pagkabukas ay nakita namin kung paano buhusan ng juice si Ashley sa mukha.

"WHAT THE F*CK DID YOU DONE!" sigaw ni Zack.

Sa sobrang lakas ng boses ni Zack ay biglang napatalon sa gulat yung mga babae, pati nga ako ay nagulat sa boses ni boss, ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

"Zack" tawag ni Ashleysa pangalan ni boss.

Kinuha ni boss ang umiiyak na si Ashley mula doon sa mga humahawak sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha nito at parang naging doble ang galit ni boss ng makita nya na sobrang pula ang kaliwang pisngi ni Ashley at halatang nasampal.

Hinarap nya yung babae at nilapitan, habang sina David naman ay nilapitan si Ashley at niyakap kasi umiiyak pa rin ito.

And the next thing happened ay isang napakalakas na sampal ang ibinigay ni zack doon sa babae, napaupo pa nga ito sa sahig at dumugo ang gilid ng labi sa sobrang lakas ng pagkakasampal. Pagkatapos ay itinayo niya ito at isinandal sa pader at sinasakal niya ito sa pamamagitan ng kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay nakaposisyon para suntokin ang mukha ng babae.

"How dare you to hurt my gir!" Galit na sigaw ni boss sa babae.

Sigurado mababasag ang mukha ng babaeng ito. At kahit gustuhin namin na pigilan siya ay hindi naman namin magagawa dahil kahit kailan ay hindi pa namin nagawang pigilan si boss sa mga ginagawa niya kapag ganyan na galit siya. At kahit na halos makapatay siya ay itutuloy pa din niya.

Susuntukin na sana nya ang babaeng iyon ng biglang tumakbo si Ashley papunta kay Zack at niyakap niya ito mula sa likod.

"Zack, please wag" ani Ashley.

And for the record ay napatigil si Zack sa pagsuntok niya dun sa babae, binitawan niya ito at nanginginig na napaupo ang babae sa sahig habang umiiyak.

"Sa oras na ulitin niyo pang saktan si Ashley. Sa sementeryo na ang bagsak niyo" pagbabanta ni Zack sa mga ito.

At isang nakakatakot na tingin ang ibinigay niya sa mga ito bago niya lingunin si Ashley.
At naging malambot naman ang expresion ng mukha ni boss ng makita niya ang umiiyak na mukha ni Ashley.

"Babe, tama na. Nandito na ako,  huwag kanang umiyak" pag aalo ni boss dito.

Niyakap niya lang si Ashley at pinatahan, pagkatapos ay tumungin siya samin.

"I will just take her to the clinic, kayo na ang bahala sa mga yan, alam niyo na siguro ang gagawin niyo"

"Don't worry boss, pagbabayarin namin sila" Seryosong sabi ni Ken. Pagkalabas nina boss ay kinaladkad namin palabas ang mga babae.

The Gangster and The Princess (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon