ASHLEY'S POV
Kinabukasan ay nakalabas narin kami ng hospital.
At nang makauwi na kami sa bahay ay nagtaka ako kasi may dalawang guard na sa may gate. Sa loob naman ng bahay ay may tatlong kasambahay akong nakita at may driver din pala kanina.
"Zack, bakit merong mga maid? Tsaka guard doon sa labas? Pati driver?" Taka kong tanong kay Zack.
"Gusto ko lang naman na maging safe kayo dito sa bahay, lalo na pag wala ako. Yung mga maid naman kinuha ko sila para may kasama ka dito sa bahay, tsaka para hindi mo na problemahin ang mga gawaing bahay"
"How about the driver?"
"Well, para dika na mag commute kapag may lakad ka, o tayo"
"Ang gastos mo"
"Tss.. Dont worry kaya ko namang bayaran ang mga kinuha kong mga yan eh"
Napailing na lang ako kay zack, sobrang yaman kasi eh, kaya hindi nag aaksaya ng pera.
After kong i-breastfeed si Zander ay hiniga ko na siya sa kuna niya para matulog. Si Zack naman nasa kama at tulog pa rin. Halos siya kasi ang nagpapatahan kay Zander tuwing umiiyak ito pag gabi, siya din ang madalas na nagpapalit ng diaper.
Nakakatawa nga eh, biruin mo naman, ang kinatatakutang gangster, ay nagpapalit ng diaper ng baby? 1 week na ngang di siya pumapasok sa school, gusto kasi niya ay makasama muna niya si Zander habang hindi pa siya busy, mas magiging busy kasi siya next week dahil iti-train na siya ni papa sa pagpapatakbo ng company nila. Kaya sabi niya ay papasok na siya next week.
Humiga ako sa tabi niya at natulog din. Pagising ko ay wala na si Zack sa tabi ko, pati si Zander ay wala sa kuna niya, kaya tumayo ako at hinanap sila. Pagtingin ko sa veranda ay nandoon lang pala sila.
"Zack"
Tumingin si Zack sa akin at ngumiti.
"Babe, "
"Anong ginagawa niyo dyan?" Tanong ko at lumapit ako sa kanila, hinawakan ko ang kamay ng natutulog na si Zander.
"Narinig ko kasing umiiyak si Zander kanina, kaya kinuha ko siya pinatulog ulit"
"Bakit hindi mo ako ginising"
"Ang himbing kasi ng tulog mo. Ayaw kitang istorbohin"
Tinignan ko si Zack, naka pj's lang sya, tsaka white sando, with matching messy hair, ang hot lang tignan, ^_^
Kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya, ang give him a smack kiss on his lips.
"Ang gwapo mo babe"
"I know, matagal na "
"Conceited much" natatawa kong sabi.
"Only stating the fact"
"Tss,,, yabang"
Kahit kailan talaga hindi marunong mag pa-humble effect itong lalaking to e.
***
Nang mga sumunod na linggo ay talagang naging busy na si Zack, pagkagaling sa school ay diretso na siya sa company nila.
Pero kahit ganun ay hindi pa naman siya nawawalan ng oras sa amin ni Zander. Minsan ay sinasabi kong ako na ang bahalang magpalit ng diaper kay Zander sa gabi, pero nagpumilit parin siya. Stress reliever daw niya kami ni Zander kaya hindi siya mapapagod sa pag-aalaga sa amin, ang sweet ng asawa ko.
After ilang months ay plinano na din namin na ipabinyag na si Zander.
Kinuha naming ninong at ninang ang dark angel gang, pati si Clark, at syempre sina Nadi at Kim, meron din kaming kinuhang ilang family friend.
At tulad ng inaasahan ay talagang bongga ang binyagan dahil iyin ang gusto ng parents ni Zack, sa isang mamahaling restaurant na sina Jared ang may-ari ginanap ang reception.
Habang nasa simbahan nga kanina ay panay ang picture kay Zander, pinanggigigilan, ang gwapo daw kasi, buti na lang at marunong makisama ang baby ko kasi hindi umiyak.
Yung iba nga ay inirereto ang anak nila, na kapag daw lumaki na si Zander ay sa anak na lang daw nila ipakasal, o diba parang tanga lang? 3 months old lang ang anak ko tapos kung sabihin nila yun ay parang binata na si Zander. Ang gwapo naman kasi ng anak ko e.
After ng binyag ay nag-aya ng umuwi si Zack.
Pag-uwi ay tulog na tulog na si Zander, kaya inihiga ko muna siya sa kama namin ni Zack.
"Grabe, parang nakikita ko na paglaki ni Zander ay habulin na ng babae" sabi ko habang nakatingin ako sa anak ko na mahimbing na natutulog.
"Haha, babe naman, wag ka ng magtaka"
"Ah basta, mag-aasawa lang ang baby ko kapag 30 years old na siya, period"
"Tayo nga teen ager pa lang ng magpakasal tayo eh, si Zander pa kaya?"
"Ah basta, "
Si Zack naman ay tinatawanan lang ako, ano bang nakakatawa?
"Bakit ka tumatawa?"
"Wala naman, ang posessive mo sa anak natin eh, pustahan tayo hindi pa natatapos ng elementary si Zander ay madami ng magiging girlfriend yan"
"Hoy, wag mong itulad sayo ang anak ko"
"Bakit hindi, eh anak ko rin yan" tumatawang sabi ni Zack sa akin.
"Kahit na"
"Haha, basta ako papayagan ko siyang mag girlfriend kahit bata pa,"
"O sige bahala ka, kapag naman nagka baby tayo ng babae hahayaan mo din bang agad mag boyfriend agad?"
"Aba, syempre hindi, ibang usapan naman yon"
"Tss, labo mo"
Kinuha ko yung unan sa tabi ko at binato sa kanya, nandito kasi ako sa kama. Siya naman ay nakaupo sa couch at sobra akong natawa kasi sumakto sa mukha niya yung unan.
"Hahahahahaha... Grabe zack, epic ang mukha mo, haha"
"Yss.. Humanda ka sakin"
Tumayo siya at lumapit sakin, ako naman ay napatayo rin sa kama habang tumatawa pa rin.
Tatakbo sana ako kaso ang bilis niyang nahablot ang kamay ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at isinandal ako sa pader.
"At talagang tinawanan mo pa ako ha"
"O sige, hindi na, hindi na ako tatawa" habang sinasabi ko yun ay pinipigilan ko ang pagtawa ko, pero sa huli ay hindi ko rin naman napigilan.
Si Zack naman ay naka evil grin na nakatingin sakin.
"Hoy, anong binabalak mo?" naka evil grin parin siya, habang palapit ng palapit ang mukha niya sakin.
Hanggang sa narandaman ko na lang na hinahalikan na niya pala ako.
Yung mga kamay niya ay nasa bewang ko na, I kiss him back, ang put my arms around his nape. Until i feel Zack's hands roaming inside my clothes, and i cant help it but to moan.
Pero bigla kaming napahiwalay pareho ng marinig namin ang malakas na iyak ni Zander, kaya agad ko siyang pinuntahan at kinarga.
"Hey baby, bakit?" Tanong ko sa anak ko.
Pagkakarga ko sa kanya ay tumigil naman agad sa pag-iyak.
"Zander naman, ayaw mo bang magka baby sister agad para mang istorbo?" Tanong ni Zack sa kay Zander.
Tinignan ko si Zack at ang gago halatang bitin, haha, ilang sandali lang ay nakatulog na agad si zander, pero sa tuwing ihihiga ko siya sa kuna niya ay umiiyak kaya kinarga ko na lang.
Si Zack naman ay napapakamot na lang sa inaasta ng anak
**
Hazlyn Styles
BINABASA MO ANG
The Gangster and The Princess (✔️)
TeenfikceEvery love story has a Prince and Princess, But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess. *** Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura...