Chapter 22

22.1K 508 12
                                    

ASHLEY'S POV

It's been a month since naging parang secret lover kami ni Zack.

Laging patago kami kung magkita at kahit na ang buong dark angel gang ay walang kaalam alam na palagi parin kaming nagkikita ni Zack.

Madalas ay doon sa condo niya kami laging nagkikita, hindi kasi alam ni Haley yun at hindi naman pumupunta doon ang mga gang members ni Zack.

Kapag naman magkakasama kaming lahat ay hindi kami nagkikibuan ni Zack, laging no reaction lang si Zack sa sweetness na ipinapakita ni Haley, madalas ay dedma lang siya.

Ako naman ay nakikitawa sa mga jokes nina Ken at ng iba pa, kaya akala nila minsan ay naka move-on na ako. Kung alam lang nila.

Si Ken ang sumundo sa akin ngayon sa bahay, nakapikit lang ako at tahimik sa buong biyahe.

"Princess, okay ka lang ba?" Tanong ni Ken ng mapansin ang pagiging tahimik ko.

Pinilit ko na lang ngumiti at tumango kay Ken, dahil sa totoo lang ay kanina pang pagkagising ko masama ang pakirandam ko, naduduwal ako tapos ay medyo nahihilo pa. Unti-unti na din naman akong naging okay ng malapit na ang lunch break.

Nang pumunta kami sa cafeteria ay nandoon na silang lahat, kaya agad na kaming bumili ng food namin ni Clark.

"Ashley, pili ka lang ng pagkain, libre ko ngayon" ani Clark sa akin.

"Talaga?"

Tumango lang si Clark, kaya naman agad akong pumili ng pagkain, ewan ko pero parang takam na takam ako sa nakita kong mga pagkain kaya halos itinuro ko lahat.

"Ashley ang dami naman niyan"

Nanlulumong nakatingin si Clark sa lahat ng pagkain na itinuro ko, hehe, said bulsa nito sigurado.

"Kung ayaw mo, ako na lang ang magbabayad"

"Ay hindi, ako na"

Habang hinihintay ni Clark ang order namin ay pumunta na ako sa table namin, tulad ng dati parin ang pwesto, kaharap ko pa rin si Zack.

Pagkatingin ko kay Zack, ay parang bigla akong nang gigil, kaya inilapit ko ang dalawa kong kamay sa magkabila niyang pisngi at kinurot ito ng malakas.

"OUCH.. Ashley, ano bha, mashakit yan" reklamo nito. Pero hindi ko pa rin inalis ang mga kamay ko, nakatingin lang ang mga gang members niya sa akin at parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko kay Zack.

"What are you doing?" Inis na sabi ni Haley. Nag eenjoy pa ako sa ginagawa ko kay Zack nang alisin ni Haleyparot ang mga kamay ko sa pisngi ni Zack.

Magsasalita sana ako ng dumating na si Clark, may kasama siyang tatlong lalaking estudyante na may dalang tray ng mga pagkain.

Pagkalapag sa table ng pagkain ay umalis na yung tatlong estudyante at umupo na rin si Clark sa tabi ko.

Habang ang mga kasama naman namin ay nagtataka sa sandamakmak na pagkain na nasa table namin ngayon.

"Clark, anong meron at ang dami mong biniling pagkain?" Takang tanong ni Liam kay Clark.

"Ewan ko dito kay Ashley"

"Hehe, wala lang, para kasing ang sasarap ng mga pagkain nila ngayon"

***

ZACK'S POV

Lihim kong sinulyapan si Ashley habang sumusubo siya ng carbonara. Naoahawak ako sa pisngi ko, ang sakit ng pagkakakurot niya sa pisngi ko kanina.

Napalingon ulit ako ng bitiwan niya ang tinidor niya.

"Ashley, wag mong sabihing ayaw mo na" ani Clark sa kanya

"Nawalan na ako ng gana"

"Grabe ka, binutas mo ang bulsa ko para bilhin lahat yan, tapos kakarampot lang ang kakainin mo?"

"Eh, Princess, ano ba ang gusto mong kainin?" Si David naman ngayon ang nagtanong sa kanya.

"I want strawberry"

"Huh? malapit lang naman ang supermarket diyan, baka maraming strawberry dun"

"Strawberry fresh from Baguio ang gusto ko"

"Princess, ang layo pa nun" sabi ni Ken.

"I know, but i still want to eat strawberry fresh from Baguio"

Dahil katabi niya si David ay siya ang kinulit ni Ashley, nakahawak pa nga siya sa manggas ng t-shirt ni David.

"Kuya, I want strawberry"

"Huh? Ah eh, gusto mo bili na lang kita ng ice cream or cake na strawberry ang flavor?"

"Ayoko, gusto ko ng real strawberry kuya"

"Pero malayo ang Baguio"

Binitawan na niya si David at hindi na nangulit pa, but she look so sad, takte! ayoko siyang nakikitang malungkot.

Bakit kasi fresh from baguio pa ang gusto niyang strawberry? Pero hindi naman ako maka alis, tsk. Nakita ko naman sa tabi ko si Liam na mukhang busy na naman sa babaeng katext niya, kaya kinuha ko ang phone ko at tinext siya.

From: Zack
To: Liam
Maghanap ka ngayon din ng strawberry, wala akong pake kung saang lupalop kapa ng Baguio maghanap, basta kailangan mong makahanap at ibigay kay Ashley. Ngayon na! Galing baguio dapat!

Napakunot noo naman ito ng mabasa niya ang text ko sa kanya, tapos ay pabulong niya akong kinausap.

"Boss, bakit ako?"

"Bakit nga ba hindi ikaw?" Balik kong tanong sa kanya.

Para syang nalugi habang tumatayo.

"Liam, saan ka pupunta?" Tanong ni Kyle ng makitang tumayo si Liam.

"Sa Bagiuo" nanlulumong sagot nito.

"Huh? Are you kidding me? Anong gagawin mo sa Bagiuo?"

Nagtatakang nakatingin naman kay Liam ang lahat.

"Mamimitas ako ng strawberry dun, bakit ? Sasama ba kayo?"

Si Ashley naman ang unang nag react, biglang nag lighten up yung mukha niya at lumapit pa siya kay Liam.

"Wow Liam, talaga? Mamimitas ka ng mga strawberries? Kuha mo din ako ah, "

"Oo na"

"Gusto ko yung mga super perfect yung shape nila ah, gusto ko strawberry shape talaga"

"O sige"

After that ay umalis na siya.

"Anong nakain nun? Pupunta siya ng Bagiuo para lang mamitas ng strawberry? Ano yun, may tanim ba siyang strawberry sa Bagiuo at ngayon at ngayon din ang anihan para magmadali siyang umalis?" Naiiling na komento ni Jiro kay Liam.

"Weird" sabi nila habang ako ay kay Ashley nakatingin.

Para sa akin ay si Ashley ang weird. At bigla akong kinabahan sa maaaring dahilan nito.

**

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon