Chapter 23

21.8K 535 4
                                    

ASHLEY'S POV

After ng klase namin ay umuwi na ako, feeling ko pagod na pagod na ako kaya nahiga agad ako sa kama ko at nakatulog din ako kaagad.

Pagkagising ko naman ay kaagad na akong lumabas kasi nagutom ako bigla.

Paglabas ko ng kwarto ko ay napatingin ako sa kwarto ni Kuya Athan, magkatapat lang kasi kami ng kwarto.

Bigla akong nag crave ng chocolate at alam kong laging meron si Kuya Athan, lagi kasi siyang binibigyan ng mga admirers niya ng chocolates, lagi nyang tinatanggap ang bigay ng mga admirers niya, unlike si Kuya Aron na wala man lang kinuha na kahit isang regalo mula sa mga nagkakandarapang babae sa kanya.

Hindi na ako kumatok pa at dali daling pumasok sa room niya, hindi naman kasi naka lock. Nadatnan ko naman siya na naka indian seat sa kama niya habang nag ta-type siya ng something sa laptop.

Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Princess ikaw pala, you need something?"

"Kuya, may chocolate ka pa? Pahingi naman"

"Meron, kumuha ka na lang diyan"

Kaagad naman akong tumayo at binuksan ang mini ref, ang daming chocolates dito. Kaya kumuha ako ng ng 10 pcs ng ibat-ibang klase ng chocolates, at bumalik agad ako sa kama ni kuya.

"Princess, ang dami niyan, mauubos mo ba yan?"

"Hindi, kaya ka nga nandito diba?"

"Sabi ko na nga ba"

Tumawa lang ako sa reaction ni Kuya, sisimulan na sana naming kainin ang mga chocolates ng si Kuya Aron naman ang pumasok dito sa loob.

"Kuya Aron" tawag ko.

Tumayo ako at hinila si Kuya Aron papunta sa kama.

"Princess.."

Pinaupo ko lang si Kuya Aron, at dinagdagan ko pa ang mga kinuha kong chocolates para bigyan ko din si Kuya Aron.

"Sige, tulad ng dati, kung sino ang pinakamaraming mauubos na chocolates ay mabibigyan ng price ng mga matatalo, ano game?" Sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumingin sakin at sinabing.. "Game!"

At nagsimula na kami, actually ay dati pa namin ginagawa ang mag unahan sa pag-ubos ng mga pagkain, at lagi akong talo dati.

Halos kalahating oras na ay tuloy lang kami sa pagkain nang si Kuya Athan ang unang sumuko at pinanuod na lang niya kami , ilang minuto lang ay sumuko nadin si Kuya Aron.

"Haha, ako ang nanalo ngayon, yehey!" Masaya kong sabi.

"Ang lakas mong kumain ngayon,"

"So, ano ba ang gusto mong gawin namin ngayon?" Tanong ni Kuya Athan.

"Simple lang, gusto kong magsayaw kayo sa harapan ko ng... Twerk it like miley"


"Hell, no!.." "no way" halos sabay na pang tanggi nila.

"Ang daya naman, ang dali lang nun eh, tsaka diba kahit anong sabihin ko pwede kasi ako ang nanalo, ang duduga nyo naman eh"

Pinalungkot ko pa ang mukha at boses ko, yung tipong parang iiyak na, kapag kasi ganun ay dina nila ako mahihindihan eh, hihi.

"O sige na, payag na ako" ani Kuya Athan, at sumunod naman na pumayag si Kuya Aron.

"Ako din, wag ka lang iiyak dyan"

Kaya naman kinuha ko na ang cp ko at pinatugtog ang Twerk it like miley, At kahit napipilitan ay sumayaw parin sila, Super sexy ng pagsasayaw nila , at ako naman ay tawa ng tawa, grabe, ang g-gwapo ng mga kuya ko, kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit habulin ng mga babae eh.

"Haha, go kuya's, igiling nyo pa"

Nang matapos na sila ay tawa parin ako ng tawa, kaya tuloy nilapitan nila ako at kiniliti kaya tuloy lalo akong napatawa.

"Hahahaha, tama na kuya, ,, haha promise titigil na ako, haha"

Tuloy padin sila sa pagkiliti saken, at pati silang dalawa ay tumatawa narin, Tapos ay bumukas ang pinto, pumasok sina mommy at daddy, kaya tumakbo ako kay daddy.

"Daddy, look oh, pinagtutulungan ako nina kuya"

"Pinagtatawanan mo kasi kami eh"

"Oo nga dad, pinagsayaw niya pa kami" sumbong nila kay Daddy.

Natatawa na lang ako kina kuya aron at kuya athan, para kasing mga bata kung makapagsumbong, parang katulad lang ng dati nung nasa Korea pa kami nakatira.

Patuloy lang kami sa pagkukulitan , at nakisali pa sina mommy at daddy, Grabe ang saya lang, madalang na lang kasi kaming mag bonding , lagi kasi kaming busy, sina mommy, daddy at kuya aron ay sa business namin sila busy, kami naman ni kuya athan ay sa school.

Perfect na siguro ang lahat kung wala lang kaming problema ni Zack ngayon, hay. Sana maging maayos na ang lahat sa amin ni Zack.

Kinabukasan ay sobrang tinatamad talaga akong bumangon, Nang bumangon naman ako ay naduduwal ako, bakit ba parang ang sama lagi ng pakirandam ko tuwing umaga?

Tapos ay isinabay na ako ni Kuya Athan sa pagpasok ng school. Pagdating ko sa school ay nakita ko sina Liam at Kyle sa may malapit sa gate.

"Good morning Ashley" Masiglang bumati sa akin si Kyle, samantalang tinanguan lang ako ni Liam, sobrang hagard ng itsura niya, anong nangyari sa kanya?

Lumapit si Liam sa akin at may inabot siya sa akin na supot, pagtingin ko ay halos maglaway ako sa nakikita ko, mga strawberries.

"Wow Liam, akala ko nag jojoke ka lang kahapon, pero thanks ah"

Humanap muna ako ng mauupuan at umupo doon. Sumunod naman sila sa akin, binuksan ko ang supot at kumuha ng isang strawberry. kinagat ko to ng dahan-dahan.

Pagkaubos ko ng isa ay kumuha ulit ako ng isa at isa pa. Nakatatlo pa lang ako ay parang biglang ayaw ko na agad. Nagsawa na agad ako dito sa Strawberry.

"Liam, thank you ulit dito sa Strawberry ah. Pero nagsawa na ko. Kaya heto sayo na lang ulit" sabi ko sabay abot sa kanya ang supot na naglalaman ng mga strawberries.

"Ano? After kong maghirap para sa mga yan? tapos sasabihin mo ayaw mo na? Ashley naman oh.. Ubusin mo na yan"

"Wala na talaga akong ganang kainin yan eh, kung gusto mo ibigay ko na lang kay Kyle"

"What? No! Akin na, ako na lang ang kakain" ani Liam at sinamaan ng tingin si Kyle na akma ng kukuha ng strawberry.

***

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon