Chapter 24

21.2K 511 5
                                    

ZACK'S POV

"Honey, let's have a date later after school" Tumango na lang ako kay Haley, kainis. Hinatid ko na siya sa klase niya, buti na lang at hindi ko siya naging classmate, naaalibadbaran kasi ako sa pagmumukha niya.

Pagkapasok ka ay siya ding pagpasok nina Liam at Kyle.

"Liam, nakakuha kaba?" Salubong kong tanong kay Liam na nakabusangot ang mukha.

"Don't worry boss, nakakuha naman ako, kahit hindi man lang ako nakatulog para lang agad makabalik dito, wala pa nga akong pahinga eh"

"Nagrereklamo ka ata?"

"Hindi naman boss, nag e-explain lang po"-

Tinignan ko lang siya, tsaka na ako umupo. Halata naman kasi na puyat siya at pagod, sabog ang itsura ng loko.

After ng first subject ay tumambay muna sila sa rooftop, wala daw kasi ang next prof. namin. Ako naman ay pumunta ulit sa dean's office, inutusan ko siyang tawagan ulit si Ashley, pagkatapos ay pina uwi ko na siya.

Siguro naman ay hindi magdududa ang mga kaklase niya diba, twice ko pa lang naman ginawa to.

Pagdating ni Ashley ay may hawak siyang mansanas, wait.. Saan niya nakuha yun?

"Babe.." Tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at parang ngayon lang ako nakita.

"Zack!"

Nakangiti niyang binitiwan yung dala niya, tsaka siya patakbong yumakap sakin.

"I miss you Zack"

After a minute ay bumitiw na siya sakin, tapos ay tinitigan niya akong mabuti, yung tingin nya parang gusto niya akong kainin na ewan.

Then nagulat na lang ako ng kinurot niya ang pisngi ko.

"Ashley"

Ouch, sakit ng pisngi ko.

Pagka-alis niya ng kamay niya sa pisngi ko ay agad akong napahawak sa pisngi ko, sigurado namumula ako nito.

"Sorry babe, ang cute mo kasi eh, galit kaba?"

Tch, never akong magagalit sa kanya noh, kaya naman ako naman ang humawak sa magkabila nyang pisngi at inilapit ko sya sa mukha ko hanggang sa magdikit ang mga labi namin.

I kissed her, and she kiss me back, hindi ko alam pero parang ang wild niya ngayon, its like na parang pinanggigigilan niya ako.

After that kiss, she look at my face, and she again pinch my both cheeks.

Hanggang sa dumating na ang time na pinabalik ko na siya sa klase niya dahil malapit na ang next class ko.

At sa buong oras na nandoon kami sa dean's office, ay halik siya ng halik sa akin, okay na sana yun kung hindi lang niya kinukurot ang pisngi ko, hanggang ngayon na papunta na ako sa klase ko, feeling ko namaga ang magkabilang pisngi ko.

Hindi ko naman siya magawang pigilan sa ginagawa niya kasi ang sensitive niya, umiyak pa nga siya kanina ng ayaw kong magpakurot sa kanya, tss.. Ayaw ko namang umiiyak sya so hinayaan ko na lang sya, kahit sobrang sakit.

"Boss, ba't namumula ang pisngi mo?" Tanong ni Ken pagkakita niya sa akin.

Dahil sa pinsan mo, tsk, kung pwede ko lang sabihin yon.

"Wala yan, mainit lang sa labas" pagdadahilan ko.

Pagkatapos ng klase ay pinuntahan ako ni Haley, may date daw kasi kami, tss.. Kung pwede ko lang ipatapon to sa pluto ay matagal ko ng nagawa.

Habang nasa date kami ay biglang tumawag si Ashley,, kaya nag paalam ako na mag c-cr lang.

Nang makausap ko siya ay umiiyak siya, nang tanungin ko siya kung bakit, ay na mimiss na daw niya ako at gusto niya akong makita

Akala ko nga ay nagbibiro lang siya pero wala parin siyang tigil sa pag-iyak, kaya naman nagmadali akong umuwi at nagpaalam na lang ako kay Haley na may emergency sa bahay, at kahit ayaw niya ay umalis parin ako.

Pagdating ko sa condo ko ay agad kong nakita si ashley sa sala, umiiyak parin siya.

"Babe.." Kaagad ko siyang nilapitan. Tumakbo siya ng yakap sakin ng makita.

"Zack, bakit ang tagal mo?"

"Sorry, bakit ka ba kasi umiiyak?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"I missed you Zack"

Inalalayan ko siyang umupo sa sofa, nakayakap pa rin siya sa akin na para bang ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

"Babe.."

Tinignan ko ang mukha niya, and i saw her queitly sleeping while her head is in my chest. Nakatog kaagad siya? Marahil ay dahil sa kakaiyak..

Binuhat ko siya at dahan dahang inihiga sa kama. I looked at her face, she is really beautiful. I'm really lucky to have her, I love this girl so much. I also lay down beside her, I hug her and kiss her forehead.

"Sleep well my Princess"

***

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon