ASHLEY
*kring, kring, kring*
Oh shit, kainis na alarm clock ka, inaantok pa ako eh, huhu, puyat ako ngayon eh.
3:00 am na ata akong nakatulog.
Pano naman kasi si Zack eh, kahapon ay hinatid niya ako pauwi, wala kasi yung driver namin, tapos kinuha niya number ko, close na kami eh, tapos ayun tinext niya ako, tapos syempre nagreply ako, tumawag din siya at syemre sinagot ko din naman.
So ayun nga hanggang abutin kami na madaling araw, ewan ko ba.
Pero ang kwento sakin nina Nadi at Kim ay sobrang cold daw ni Zack Alvarez, hindi daw ngumingiti, eh samantalang tawa nga ng tawa yon kagabi na kausap ko siya eh. Well pinag-kwentuhan kasi namin si mr. Bean, weird right? Sa dami ng pwedeng pag usapan.
Tapos ang sabi nina Kim, masyado daw tahimik si Zack, samantalang ang daldal nga eh, tapos ang sarap pang kausap.
**
Pagpasok ko sa school ay hindi pa naman ako late kaya pumuta muna ako sa school ground at umupo sa isang bench doon.
Pagkaupo ko ay kinalkal ko agad ang pocket mirror ko. My gosh, thank you talaga sa make-up kasi natakpan ko ang napaka laki kong eye bags.
Pagkalagay ko ng salamin sa bag ay naglakad nako papunta sa classroom, nasa hallway nako ng makita ko si Zack, haha, grabe ang natatawa ako kasi naka shades sya, sigurado ako kasi ang laki ng eye bags nya. Haha.
"Hello. Good morning. Bakit naka shades ka?" Painosente kong tanong sa kanya.
Haha, maasar nga muna.
"Wala, trip ko lang"
"Weh?"
"Oo na kasi may eye bags ako, kasalanan mo to eh"
"Bakit, sino ba ang tawag ng tawag kagabi?" Natatawa ako sa kanya. Seryoso hahaha.
"Tss... Tara nga"
Bago pa ako makapagsalita ay nahila na niya ako.
"Hoy, saan mo ako dadalhin? May klase pa ako"
"Don't worry sagot kita, im the son of the owner of this school, remember?" Mayabang nitong sagot sakin at hinila na ako kung saan.
Aish, pasalamat tong lalaking to at gwapo siya, kung hindi ay kanina ko pa siya na upper cut.
Patuloy lang siya sa pagkaladkad sakin hanggang sa makarating kami sa likod ng school kung saan may mga puno at damo.
"Anong gagawin natin dito?"
"Matutulog"
After niyang sabihin yon ay humiga siya sa damuhan kung saan may malaking puno sa bandang ulo niya.
"Halika, tabi ka dito"
Tapos ay tinapik nya yung tabi nya, at dahil masunurin ako ay umupo ako sa tabi nya.
"Hindi ba talaga tayo mapapagalitan?"
"Hindi nga"
"Sure ka?"
"Yup"
"Sabi mo yan ah"
At dahil sa inaantok na nga ako ay pumayag nako, hindi rin naman ako makakapag concentrate sa klase dahil sa antok eh.
Pero bago ako humiga ay kinuha ko muna ang phone ko at nagpatugtog.
(n\p: heaven by your side - a1)
Zzzzzzzzzzzzzzz......
*****
Zack's POV
Pagkagising ko ay napatingin ako kay ashley na nakayakap pa talaga saken, haha ang cute nyang matulog, para syang anghel.
Pero ang sarap sa feeling na pagising mo ay ang magandang mukha ng babaeng to ang makikita mo. 11:00 am na pala, malapit ng mag lunch, magising na nga to,
"Hey Ashley, wake-up"
*poke poke*
**
Ashley's POV
Ang sarap ng tulog ko, kaso nagising ako when i feel someone poking my cheeks,.
Pagdilat ng mata ko ay ang gwapong mukha ni Zack ang nakita ko ..
"Why are you poking my cheek"
Imbis na sagutin ay ngumiti lang siya at inalis niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya, gosh hindi ko napansin na nakayakap pala ako sa kanya nakakahiya.
After niyang maialis ang kamay ko ay tumayo siya at itinayo niya rin ako tapos ay hinila na naman niya ako.
"Hoy saan na naman tayo pupunta?" Napanguso na lang sa ginagawa nito. Hobby ata ng lalaking to ang manghila.
"Cafeteria"
"Anong gagawin mo dun?"
"Kakain, malapit na ang lunch break"
Ah kaya pala may mga estudyanteng nakalabas.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
Paano naman kasi ang gwapong anak ng may-ari ng school ay kasamang naglalakad ang campus princess habang magka holding hands.Pagkapasok namin sa cafeteria ay nakita ko sina Nadi at Kim sa isang table.
"Uy Zack dun na lang tayo sa table nina Nadi"
"Okay, una kana doon, ako na lang bibili sa foods natin"
"Sige"
Pagdating ko sa table nina ay umupo na agad ako.
"Hey, san ka galing? Bakit hindi ka pumasok kanina?"
"Ah eh, late kasi akong nagising eh"
"Ganun? Eh bakit kasama mo si Zack?"
"Ah, kasi ano..."
Diko natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumating si Zack na may dalang tray ng pagkain.
"Here's your food"
"Thanks"
Habang nilalagay ni Zack ang pagkain sa harap ko ay nakanganga lang sina Nadi at Kim, anong problema nila?
Habang kumakain ay tahimik lang sina Nadi and Kim, kaming dalawa ni lang ata ni Zack ang nag-uusap.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid pa kami ni Zack sa classroom namin.
At saktong pagka alis ni Zack ay hinila ako ni Nadi sa upuan namin, pagka-upo ay pinagitnaan na nila ako nina Nadi at Kim..
"Ashley, tell us the truth" ani Nadi na nangingiti.
"What truth?"
"About you and Zack"
"Kami ni Zack? Bakit anong meron?"
"Kayo na ba? Boyfriend mo ba siya?" This time ay si Kim naman ang nagsalita.
"Ha? Anong pinagsasabi niyo?" Natatawa kong sabi
"Sobra ang closeness niyo eh, to think na kahapon lang kayo nagkakilala" seryosong sambit ni Kim.
"Oo nga, kahapon nga lang kami nagkakilala, so anong sinasabi niyo dyan na kami na?" Seriously people?
Meron bang nagiging mag-on sa loob lang ng two days? I wonder.
"Ang sweet niyo eh, at sa pagkaka-alam ko ay hindi naman ganun ang attitude ng taong yon"
"Ano naman ngayon?"
Tss..
Ano naman ngayon kung close kami diba.
Buti na lang at dumating na ang teacher namin at natigil sila sa pagtatanong.
-
Hazlyn Styles
BINABASA MO ANG
The Gangster and The Princess (✔️)
Fiksi RemajaEvery love story has a Prince and Princess, But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess. *** Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura...