*After 5 years *
ZACK'S POV
"Sir, heto na po yung pinapakuha niyong report" inabot sa akin ni Mark ang ilang mga papel.
"Just put it there"
Pagka-alis ni Mark ay pinagpatuloy ko na ang pag babasa ko sa mga iba pang mga reports.
Si Mark nga pala ang secretary ko, and yes lalaki siya. Nagdecide kasi ako na lalaki na lang ang kunin kong secretary, ilang beses na kasi namin pinag awayan ni Ashley ang mga secretary, masyado daw maiiksi ang mga suot, kaya ako na mismo ang nag decide na lalaki na lang.
Madalas kasi ay nararandaman ko rin na parang may gusto sa akin ang mga nakukuha kong secretary at ayokong nag-aaway kami ng asawa ko.
Napatingin naman ako sa pintuan nang marinig ko ang malakas na boses ni Zander.
"DADDY..."
Tumatakbo siyang pumunta sa akin at yumakap.
"Hey kiddo, what are you doing here?" Nakangiti ko siyang tinanong.
"Nag aya siyang pumunta dito, hindi ko naman matanggihan kasi umiiyak" si Ashley ang sumagot na nasa tabi na rin namin.
"Babe."
Tumayo ako mula sa swivel chair ko, lumapit din ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.
"Dad, "
Binuhat ko naman si Zander.
"Hmm?"
"Dad, can you please buy me a toy?"
"What toy?"
"It is a helicopter toy that has a remote control, I saw it on tv dad, and it so amazing, so please dad, buy me one"
Habang sinasabi nya yon ay naka puppy eyes siya, tinignan ko naman si Ashley kung mag aaprove siya, nakangiti naman ito kaya.
"Okay, I will buy you a toy" sabi ko sa anak ko.
"YES... Thank you dad"
Bago kami umalis ay pina cancel ko muna ang mga meeting ko kay Mark, paglabas namin sa company ay sa dala kong kotse ko nalang sila pinasakay, at pinauwi ko na yung driver na naghatid kina Ashley dito.
Pagdating sa mall ay ang laruan ni Zander agad ang binili namin, tsaka narin kami namili ng mga ihahanda para sa new year.
2 days from now ay new year na kasi at sa bahay namin mag cecelabrate ng new year ang parents ko at parents ni Ashley, pati yung dalawa niyang kapatid, pati narin syempre dati kong gang.
Nang matapos kami ng college ay naisipan ko narin na buwagin na ang gang.
Although parang wala na mang ipinagbago sa closeness naming pito, parang buo parin naman, ang ipinagbago lang ay di na kami nakikipag basag ulo at lalong dina kami sumasali sa mga gang fights.
Nakatapos narin pala ng college si Ashley. Nag-aral ulit kasi siya, kaya lang ay nagpalit siya ng kursong kinuha, kung dati ay business ad. ang kinuha niya, nang nag-aral ulit siya ay culinary arts na, para daw lagi na nya kaming maipagluto ng maayos, lagi kasing sunog dati ang mga luto nya, pero ngayon ay halatang sobrang nag improve.
***
ASHLEY'S POV
*New Year*
After kong mailuto ang lahat ng handa namin ngayong New Year ay agad ko nang inutusan ang mga kasambahay namin na ihanda na sa mesa ang lahat.
Ako naman ay pumunta sa kwarto at nag-ayos na.
Bago lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, exited na akong sabihin kay Zack ang new year's gift ko sa kanya, alam ko na matutuwa siya kapag nalaman niya to.
Pagbaba ko ay naroon na pala ang parents ni Zack, minutes after ay sina Kuya David, Ken, Liam, Jiro, Kyle at Jared ay sabay sabay na dumating.
At kasunod lang nila sina mommy at daddy, pati narin ang mga kuya ko.
Habang hinihintay namin ang countdown ay nagkwentuhan muna kami.
Nasa tabi ko si Zack, habang si Zander naman ay nandoon sa mga ninong niya at nangungulit.
"Babe may surprise ako mamaya sayo" sabi ko kay Zack.
"Ano naman?"
"Surprise nga diba"
Tinignan lang ako ng nagtataka ni Zack, pero hindi naman soya nagsalita pa. Ilang minuto lang ay nagsimula na ang countdown.
"10"
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
"Happy New Year!"
At nagsimula na ang fireworks display, nasa garden kaming lahat at pinapanuod ang mga nag gagandahang mga fireworks na may ibat-ibang kulay at porma.
Nasa tabi ko si Zack, naka akbay siya sa akin habang nasa harapan namin si Zander na nanonood di nang fireworks.
"Babe, ano nga pala ang surprise mo sakin?"
Nakangiti ko namang inabot sa kanya ang pregnancy test sa kanya na kaninang umaga ko lang din ginamit, kinuha niya ito at tinignan.
"Two lines, it means positive diba?"
Tumango ako sa kanya, siya naman ay parang tulala, then after that ay malakas na sigaw na niya ang maririnig.
"YES!!! MAGIGING DADDY NA ULIT AKO, WOOOOHHHH"
Nagtatalon pa siya sa tuwa, then niyakap ako ng mahigpit. Yung family at friends namin ay nakangiting nakatingin lang sa amin.
"This is one of the best gifts that I ever had babe, thank you"
"I love you, Mr. Zack Alverez, kayo ni Zander at nang magiging baby pa natin"
"I love you too Mrs. Princess Ashley Roswell Alvarez, to infinity and beyond"
And then... He kisses my lips.
***
Alam mo yung parang wala ka nang mahihiling pa?
Yung kahit na hindi ganun ka perfect ang lahat feeling complete at contented ka naman, at masaya.
Kasi may pamilya at kaibigan ka na alam mong laging nandiyan anytime na kailangan mo.
At nandiyan lang sa tabi mo ang taong kumukumpleto sa pagkatao at buhay mo.
May mga times man na nag-aaway kayo at the end of the day ay magbabati naman ulit kayo.
Ganyan ang 'Love' Kahit sabihin na nating corny madalas, pero ito at ito parin ang dahilan ng marami para mabuhay at maging masaya sa piling ng mga taong kanilang minamahal.
**
(And now, the 'When The Gangster Fell In Love To A Princess' is now signing off)
-----THE END-----
****
*A/N:
OKAYYY... MAY NAGBASA BA? HAHAHA.. SANA MERON NAMAN.
PAGPASENSIYAN NA LANG KUNG HINDI SIYA MAGANDA.
MEDYO MAY PAGKA-EWAN ANG PAGKAKASULAT KASI THIS IS ACTUALLY MY FIRST EVER STORY NA NAGAWA KO..
LAST YEAR KO PA TO NAGAWA ACTUALLY.
SO AYUN LANG.
THANK YOU NG MARAMI SA MGA NAG READS. VOTES AND COMMENTS.ALL THE LOVE, AUTHOR :)
BINABASA MO ANG
The Gangster and The Princess (✔️)
Novela JuvenilEvery love story has a Prince and Princess, But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess. *** Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura...