ASHLEY'S POV
Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang inaayusan ako ng baklang make-up artist. It's my birthday today. So happy birthday to me, haha.
After kong maayusan ay pinababa na agad ako at sinalubong naman ako ng isang nakangiting lalaki. My man. Zack.
"You're so beautiful babe"
"And you are so handsome"
"I know, kaya nga bagay tayo hindi ba?"
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging corny talaga si Zack.
After that ay nag umpisa na ang party. Nag speech lang sina Mommy at Daddy at nag umpisa na akong isayaw ng 18 roses, nauna syempre ang aking super gwapong Daddy.
"You are truly beautiful princess" ani Dad.
"I know dad, ikaw nga kasi ang kamukha ko hindi ba?"
Napatawa lang ng mahina si Dad. Totoo naman kasi, mas kamukha ko si Dad kaysa kay Mommy.
After ni Daddy ay si Kuya Aron naman ang nag sayaw sa akin.
"Paano ba yan, dalaga na talaga ang princess namin. Parang kailan lang ang hilig mong mag pa piggy back ride sakin"
"Pwede pa din naman ngayon ah, ang kaso nga lang mas mabigat na ako ngayon, haha.. Ano kaya mo?"
"Oo naman, anong akala mo sakin?"
"Haha, sabi mo yan ah"
Pagkatapos ni Kuya Aron ay si Kuya Athan naman.
"Kuya Athan, ang gwapo mo ata ngayon?"
"Ngayon lang ba?"
"Hindi naman"
"Sus, syempre birthday mo ngayon eh, kaya dapat lang na gwapo ako" nakangiti nitong sabi.
"Sabi ko nga"
"Pero Princess, seriously ang swerte ni bayaw sayo"
"Bayaw?" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Sinong bayaw ang sinasabi niya? Si Zack ba?
"Si Zack"
"Swerte din ako sa kanya kuya"
"I know"
Pagkatapos ni Kuya Athan ay sina Kuya David naman at Ken. Pagkatapos ay ang iba pang Dark Angel Gang. And then ay yung ibang pinsan ko pa at ilang malalapit na kakilala.
And atlast ay si Zack na.
Habang nagsasayaw ay pareho kaming hindi nagsasalita, nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha habang nakangiti at ganun din naman siya. Masaya ako, sobrang saya ko na may isang Zack Alvarez na pumasok sa buhay ko.
Hanggang sa matapos na ang party ay halos hindi kami magkausap ni Zack. Kahit halos na magkatabi lang kami, kasi naman sobrang daming bisita ang dumating.
Medyo nakakalungkot lang kasi hindi naka attend sina Nadi at Kim, busy kasi sa school . At nang matapos na ang party ay hinila ako ni Zack papunta sa garden.
"Sa wakas at na solo din kita"
Napangiti naman ako kay Zack. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Happy birthday babe"
"Thank you"
"Babe, I have a gift for you"
"Talaga? Ano naman?" Excited kong tanong. Ito ang unang birthday ko na kasama ko si Zack kaya naman hindi ko mapigilan ma excite sa regalo niya sa akin.
"Wait lang"
Pumunta naman soya sa likod ko at parang may isinuot sya sa leeg ko, isang heart shape silver necklace na may diamond sa gitna, sa likod naman ay nakasulat ang name naming dalawa, 'Zack and Ashley forever', yan ang nakasulat sa likod ng heart, basta ang ganda.
"Did you like it?"
Tumingin ako sakanya at ngumiti ng matamis.
"I love it Zack"
Ngumiti naman siya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko, hanggang sa bigyan niya ako ng isang matamis at maikling halik sa labi.
I'm so happy. Sana ganito na lang lagi.
**
After that party, everythings doing all in normal. Yung pag-aaral namin ni Zack, pati na rin ang pakikitungo niua kay Clark.
Nabawasan na din ang gang fights ng dark angel gang, kasi naman hidni ko maiwasang mainis kapag nakikita ko silang may mga pasa, kaya ayun laging si Zack ang pinapagalitan ko kapag may nalalaman akong gang fights sila, kasi diba siya ang leader.
At ngayon at talagang legal na kami. Close na nga ako sa parents niya. Ganun din naman siya sa family ko, super close nga siya kina kuya Aron at kuya Athan.
Nandito ako ngayon sa school, naglalakad ako papuntang sa next class ko ng may humarang na isang babae sakin, na may kasamang dalawang lalaki na mukhang body guard niya ata.
"You are Ashley, right?" Masungit na sabi ng babae sa akin.
"Oo, bakit?"
"Well, im just here to tell you na hiwalayan mo na si Zack as soon as possible kung ayaw mong mapahamak" anang babae. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Sino ba siya?
"What? And why would i do that?" Tanong ko sa kanya. Baliw ba ang babaeng ito? O baka takas sa mental?
"Because Zack is mine, only mine"
Magsasalita pa sana ako ng may biglang tumawag sakin. Si Jared.
"Ashley!" Tawag ni Jared sa pangalan ko.
Tumungin ako kay Jared, nakangiti ito pero nawala ang ngiti niya ng makita niya ang babaeng kaharap ko.
"Haley, what are you doing here?" Tanong ni Jared sa babae na Haley pala ang pangalan.
Huh? Kilala nya ang babaeng to? Pagkatapos ay hinila ako ni Jared papunta sa likod niya. Yun bang parang pinoprotektahan niya ako mula sa babaeng ito.
"Oh Jared, hi, long time no see" anang babae kay Jared at kumaway pa.
"Im asking you on what are you doing here?"
Sobrang serious ng mukha ni Jared, anong problema?
"I'm just advising her na iwan na nya si Zack"
Aba't ang kapal pala talaga ng mukha ng babaeng ito.
"Hoy, naka drugs kaba o ano? Ang lakas ng trip mo eh" hindi ko mapigilan na sumagot. Kanina pa siya.
Napakunot noo namang tumingin sakin yung Haley.
"Ashley, please don't listen to her"
"Heto lang ang masasabi ko, sa oras na hindi kayo naghiwalay ni Zack, sisiguraduhin kong magsisisi ka" sabi ni Haley na may seryosong boses.
Pagkatapos ay umalis na ang babae kasama ang body guard niya.
"Ashley, may ginawa ba siyang masama sayo? Ha?" Tanong ni Jared at chineck niya ako mula ulo hanggang paa.
"Wala ka bang sugat or what?"
"Jared, im okay. Ano bang problema? And who's that girl?"
Tumingin lang siya sa akin at umiling.
"Wala and don't mind that crazy girl"
May inabot siya sa akin na libro.
"Nakalimutan mong dalhin yan sabi ni boss kaya inutusan niya akong ibigay sayo"
"Ah ganun ba, sige salamat"
Kahit na hindi sabihin ni Jared ay alam kong hindi basta basta ang babaeng yun. Hindi naman ito magrereact ng ganito kung wala lang yun.
At may masama akong pakirandam. Sana naman ay wala lang ito.
**
Hazlyn Styles
![](https://img.wattpad.com/cover/50497651-288-k242165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster and The Princess (✔️)
Teen FictionEvery love story has a Prince and Princess, But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess. *** Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura...