ZACK
My day is really wonderful kasi maghapon kong kasama si Ashley.
Gabi na ngayon at nasa hotel na ako ngayon na tinutuluyan ko, well actually property din namin to.
Bukas ng hapon ang balik ko sa Philippines, pero parang ayoko pang umalis, ayokong iwan si Ashley.
Pero hindi naman pwede kasi may mga klase at importanteng bagay pa akong kailangang asikasuhin sa Pilipinas.
Kainis, bakit ba kasi ako nagkaka ganito ng dahil lang sa isang babae.
Pero kasi natatakkot akong umalis, kasi sa dami ng mga lalaking nakapaligid na nagkaka-gusto sa kanya, baka pagdating ko ulit dito sa Korea ay mayroon na siyang boyfriend.
Iniisip ko pa lang na may iba na siya ay parang gusto ko ng patayin ang magiging boyfriend niya.
Oo na.. aaminin ko na, may gusto nga ako sa kanya, the first time i laid my eyes on her, i already know that she can change my life.
At tama nga ako, in just 2 days, natuto akong ngumiti at tumawa because of her.
**
*the next day*
Nakapark ngayon ang kotse ko sa harap ng gate ng school, hinihintay kong dumatIng si Ashley.
Pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang tinawag at pinapasok sa kotse.
"Bakit?"
"Gala muna tayo"
"Ha, bakit?"
"Wala lang. Ahm, uuwi na akong Pilipinas mamaya eh"
***
ASHLEY
"Wala lang. Ahm, ujwi na akong pilipinas mamaya eh" ani Zack.
Pagkarinig ko nun, ewan pero nalungkot ako. Pero kahit naman ayaw ko ay hindi siya pwedeng mag-stay dito, nasa Pilipinas ang school niya, ako naman dito sa Korea,
At isa pa, ano ba namang karapatan kong mag demand na wag siyang umalis? Ano ba niya ako?
"Oh bakit natahimik ka diyan?, haha, mami-miss moko noh? " nakangising tanong ni Zack.
Gusto ko sanang sabihin na "sobra", pero baka isipin nito na may gusto na ako sa kanya nuh.
Well kahit kahit na may gusto ako sa kanya ay hindi naman makapal ang mukha ko para sabihin sa kanya noh, malay ko ba kung nay gf na yan.
"Ang kapal mo, di kita mami-miss nuh, asa ka"
"Talaga lang ah"
"Talagang talaga, baka nga ikaw ang maka-miss sakin eh" i said as i crossed my arms.
"Well, siguro nga tama ka, mami-miss nga kita" parang wala sa sariling sabi ni Zack habang nakatingin sakin.
Speechless. Grabe, hindi ko naman inaasahan yung magiging sagot niya. Nagbibiro lang naman ako.
"Ahm Ashley, i need to tell you something"
"A-ano yon?" Kabado kong tanong. Yung mga tingin kasi ni Zack may iba e.
"Okay, honestly i dont know how to tell you this one *sigh* ahm, aalis na ako mamaya, but before i leave i want to clear something between the two of us. Kasi hindi ko alam kung kailan ako ulit makakabalik dito. And i want to assure this, dahil ayokong baka huli na pag sinabi ko sayo to" mahabang panimula nito habang mariing nakatingin sakin. Seriously kinakabahan ako sa sasabihin niya. Tapos halata pa sa mukha ni Zack na para itong kinakabahan sa sasabihin niya. But im kind of exited?
"Bakit, ano ba iyon?"
"I like you, okay let me rephrase it, i starting to fall for you, i know its very early to feel it, pero kasi hindi naman ako katulad ng ibang tanga dyan, alam ko naman sa sarili ko kung ano ang nararandaman ko, at ngayon gusto kong malaman if you feel the same. Kung gusto mo din ako"
Napanganga ako sa sinabi niya.
At the same time ay agad tumibok ng malakas ang puso ko.What the heck.. I don't know what to say.
Hindi ako ready!
-
Hazlyn Styles
BINABASA MO ANG
The Gangster and The Princess (✔️)
Roman pour AdolescentsEvery love story has a Prince and Princess, But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess. *** Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura...