Chapter 19

20.6K 464 2
                                    

ZACK'S POV

Alam kong nasasaktan siya, pero mas nasasaktan ako.

Kung pwede lang na huwag nang mangyari ito, pero wala akong ibang choice. At naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong masaktan ang babaeng mahal ko.

I hate seeing her tears because of pain, dahil parang hinihiwa ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, at mas doble ang sakit kasi ako yung rason kung bakit siya umiiyak ngayon at ang mas malala ay wala ako sa tabi niya para punasan ang mga luha niya.

***

JIRO'S POV

Nandito kami ng buong dark angel gang sa isang bar at umiinom. Actually sinasamahan lang namin si boss, kanina pa kasi ito umiinom eh, medyo lasing na nga.

"Boss, ang dami mo ng nainom, tama na yan" yaya ni David kay boss.

"Ayoko, hindi pa naman ako lasing , hayaan niyo lang ako"

Kahit hindi man sabihin ni boss, ay alam namin na nasasaktan siya.

"Pero boss.."

"David please, hayaan niyo na lang ako"

At wala na kaming magawa kung hindi hayaan siya. Inom lang siya ng inom doon hanggang sa malasing siya at makatulog na, kaya naman inuwi na namin siya.

"Grabe, first time malasing ni boss" ani Kyle habang nagmamaneho.

"Wala eh, nasasaktan ang leader natin"

"Pareho lang sila ni Princess, kung si boss ay dinadaan sa inom ang nararandaman niya , si Princess naman iyak nang iyak" ani Ken.

"They really love each other"

Natahimik na lang kaming lahat sa sinabi ni Jared. Tama naman kasi siya, magmula ng dumating si Ashley sa buhay ni boss ay talaga namang nagbago ang cold hearted gangster na si boss. Masyadong binago ni Ashley Roswell si Zack Alvarez.

"Wala ba tayong maitutulong sa kanila?"

"Ang pagising lang ng tatay ni Haley ang pag-asa natin ngayon" sagot ni Jiro na nakatingin sa kabas ng kotse.

"Pero hanggang kailan sila masasaktan ng ganito?"

"Hindi natin alam yan, ang magagawa na lang natin ay ang maghintay, pero sana wag silang sumuko pareho" ani David na tinanguan ko lang.

**

ASHLEY'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay ng dark angel gang, pero wala si Zack. Nandito ako dahil nagbabaka sakali ako na makita ko si Zack dito.

Nandito ako sa bahay nila, nasa sala ako at nanonood ng bigla akong nagutom kaya pumunta muna ako sa kusina, pagkabukas ko ng fridge ay may nakita akong mga cup cakes kaya kinuha ko.

Sa sala ko kinain ang mga cup cakes habang nanonood ako, nakahiga ako habang kumakain ng dumating sila, nag basketball kasi sila sa labas kaya pagdating nila mga amoy pawis sila, napatigil pa nga sila ng makita ako.

"Oh bakit?"

"Princess, bakit ang kalat dito?" Tanong ni Kuya David habang tumutingin sa paligid.

"Ha?"

Napaupo naman ako at napatingin sa salas, nakakalat sa center table ang mga gamit ko sa pagawa ng project, tapos dahil tamad akong magtapon ng pinag kainan ko ng cup cakes ay inilagay ko muna sa lapag, yung ibang unan naman ay nakalaglag din sa sahig.

"ay, sorry," nahihiya kong sabi sabay kamot sa ulo.

Si Kyle naman ang unang lumapit sa akin at seryosong inalis at inayos ang mga kalat.

"Next time sana ay wag kang masyadong makalat" ani Kyle na parang galit pa. Problema niya?

After malinis ang lahat ay tumabi si kuya David sa akin.

"Princess, pagpasensyahan mo na si Kyle, ayaw lang talaga ng makalat nun eh"

Tumango na lang ako sa kanya, at pinagpatuloy na lang ang panonood.  Kaya naman pala laging malinis dito, dahil kay Kyle.

Time check, 4:00 pm.

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Zack. Hindi ba siya uuwi dito?

Magmula ng makita ko siya sa isang resto ay hindi ko pa siya nakikita. Kahit na sabihin pang sinaktan niya ako ay sobrang miss ko na siya. Kaya nga ako nandito ay baka sakaling makita ko siya, kahit kasi sa school ay wala siya eh.

Mukhang hindi talaga magpapakita si Zack sa akin, kaya naman tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa taas para sana magpa-alam na kina Kuya David.

Medyo nakabukas ng kaunti ang pinto sa kwarto ni Kuya David kaya naririnig kong kausap niya si Ken, bubuksan ko na dapat ang pinto ng marinig ko yung tanong ni Ken kay Kuya David.

"Alam ba ni boss na nandito si Princess?"

"Oo, kaya nga siya wala dito"

Takte naiiyak ako, alam kong wala na kami, pero bakit niya ako kailangang iwasan? All I want is to talk to him 

"Tsk, tsk, tsk, so iniiwasan niya si Princess, ganun?"

"Siguro, alam mo naman si boss, hindi kayang tiisin si Princess. Kaya nga siya pilit na umiiwas dahil ayaw niyang mapahamak si Princess diba"

"Ang sama naman kasi ng Haley na yun, talagang pam b-black mail ang ginawa niya para lang makuha si boss, idinahilan pa na mapapahamak si Princess kapag hindi sya sumunod"

WTH,, so it means na hindi talaga gusto ni Zack si Haley?

"Wala tayong magagawa, ganun kamahal ni boss si Princess eh"

"Eh, nasaan ba si boss ngayon?" Tanong ni Ken kaya mas lalo kong pinakinggan ang sasabihin ni Kuya David.

"Nandoon siya ngayon sa condo niya"

Condo? Tama may condo nga pala si Zack, nabanggit na dati sakin ni Zack ang tungkol sa condo nyang iyon eh, ibinigay niya pa nga sakin ang address at spare key nun in case na may emergency.

Kaya naman nagmamadali akong umalis at umuwi para kunin yung address at susi na condo, tapos ay tinext ko na lang si ken na umuwi na ako,

After kong makuha ay nag taxi na lang ako papunta doon sa condo.

***

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon