Prologue

279 9 6
                                    

Yung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala.

Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila.

Tapos... part na ni bias.

So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamong suntok, batok at hampas.

Yung ipinagtatanggol mo ang group nila kapag may mga issues.

Yung paiyak ka na kasi gusto mong makapunta sa concert nila, kaso naubos ang ticket.

Yung ayaw kang payagan ng magulang mo na umattend ng events.

Yung masaklap... wala ka talagang pera, pero gusto mong makapunta.

Eh yung level up na? Yung ginusto mo nang pumunta ng Korea.

Konti pa lang yan.

This is my story.

Kung paano magbabago ang ihip ng tadhana.

***

Oh my gosh! Why am I so excited?! Omo! Hindi nga? Totoo kaya ang sabi-sabi sa twitter? Tili to the max na ito. Sana makapunta ako. This is it. This is my chance para makita ang asawa ko. My gosh! Please naman papa God, sana totoo.

"Ano bang meron at nagtititili ka dyan? Yan nanamang KPop ang inaatupag mong bata ka ha," si Mama. Lagot. Narinig ko ang mga yabag niya papunta sa room ko.

"Sinabing mag-aral ka. Buksan mo itong pinto." Malakas na pagkatok ang ginawa niya. "Cazz! Buksan mo 'to!"

Kasi naman. Hindi ko napigilan ang mapatili kanina. Paano ba naman, may fanmeeting daw sila LJ dito sa bansa. Tulong! Wala pa akong ipon, nakakaiyak. Kailangan may masabi akong ibang dahilan kay Mama. Kung hindi, baka hindi niya ako payagang pumunta kung meron man talaga.

What will I do?

"Hindi kaya KPop ang tinitilian ko, basta na," pagpapalusot ko.

"Aba, sumasagot ka pang bata ka. Narinig ko nanaman yang Y-Axis sa bibig mo kanina. Akala mo ba wala akong alam? Akin na yang phone mo. Pinagaaral ka, kung anu-ano nanaman yang kalokohang ginagawa mo." Nasa pinto pa rin si Mama. "Isa... Dalawa... Tat-"

Binuksan ko na ang pinto. Lalo lang akong mapapasama kapag di ko bubuksan.

"Oh ano? Akin na yang cp mo," sabay kuha niya ng phone ko. Natatawa ako sa loob ko, hindi alam ni Mama na dalawa ang phone ko, may laptop pa ako. Yung luma kong phone ang ibinigay ko, tipong pangtext lang at pantawag ang silbi.

"May test kayo bukas di ba? Biyernes bukas, magreview ka. Ibabalik ko sa'yo 'to sa sabado, kapag mataas ang nakuha mo," sabay lakad na ni Mama pabalik sa baba. Whatever. Mataas naman ang makukuha ko for sure. Kami pa ba? Natural, may teamwork kami lagi sa classroom.

Sorry nalang mama, mautak ang anak mo, hindi mana sa'yo. Gosh, tuwang tuwa ang mga Abscissa dito sa bansa, fandom ng Y-Axis. You know, math things. Blah blahs, I hate math by the way.

Paano ako makakapunta? Wala akong ipon. Bigti na. Kaasar naman, bakit ngayon pang wala akong moneh. Ano ba? Bad timing naman ang Queen Ent. Sarap magmura ngayon.

Korea na ang pupuntahan ko kapag hindi ko sila makita ngayong taon.

Bakit gustong-gusto kong makapunta? Dahil sa bias ko syempre, asawa na rin. Si LJ, Park Leejung ang buo niyang pangalan. Pero half lang siya guys, 50% Korean at 50% Pilipino. Pero lamang pa rin ang Korean side niya.

His Zealous FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon