CHAPTER 8: Uninvited Guests

49 4 5
                                    

Cazz..

Monday.

Hinihintay ko kanina pang madaling araw ang MV ng comeback ng Y-Axis. Nagtext si Rien at sinabing ngayong lunes daw irerelease ang video kaya talagang naghintay ako. Nagpaload talaga ako kahapon ng pocket wifi para lang mapanood ko ang MV nila.

Kagabi naman nakita ko yung mga photo teaser nila at pati na rin yung video teaser. My gosh, ang hot ni LJ. Kaso si Jisoo, nakakaasar, parang mas hot siya sa teaser nila ngayon. Talagang bias wrecker ang isang 'yon.

Habang nag-f-facebook ako, may lumabas sa notif ko. Wah!! For real?! Nairelease na ang MV! Goodness, for Abscissa's sake!

*irit*

*tili*

*irit*

*tili*

"Hoy Cazzryl, okay ka lang?" Nagulat ako nang may nagbukas ng pinto. Si mama lang pala.

"Okay lang po ako. Shu~ Alis na ma, manonood ako sa Y-Axis." Pagtataboy ko kay mama.

"Nasa probinsya ka na nga, Y-Axis pa rin yang inaatupag mo."

Ano pa bang aatupagin ko? Ganyan talaga pag fangirl.

"Alis na ma. Manonood na ako. Paki sara nalang po ng pinto, gomapsumnida." At umalis na nga si mama.

It's time! Bahala na, isipin na nila ang gusto nilang isipin. Basta iirit ako.

Isinearch ko na ang pangalan ng Y-Axis sa Youtube at lumabas na ang bagong MV. Ito na!

*click*

Nice One ang title. Eto na!

*irit* Omay, si Leejung ang unang lumabas sa video. LJ!

"Saranghae! Oppah! LJ maylabs!" *tili*

Sh*t, Jisoo. Why so hot? *irit*

Sayang wala si Rien, wala akong hahampasin. Kawawa naman ang unan ko, siya tuloy ang napagdiskitahan ko.

*irit* Sh*tness, naghubad si LJ. LJ! Byuntae na this! Wooh! Ang hot!

"Huwah!" Mama, mamamatay na ako. Wah!!

My God! Jisoo! Hala, naghubad din siya. Oh no! Plano ba nilang buntisin ako?! Haha. Joki lang.

Hotness overload! Huwah! Hindi na ako makahinga. Bakit ang hot nilang lahat?!

Oh syete, ang taas ng boses ni LJ! Oppah! Huhu. Huwah! Ang hot hot hot!

****
Ceejay..

Tawa kami ng tawa kanina pa dito sa k'warto ko. Kanina pa namin naririnig ang mga irit ni Cazz.

"Ceejay, sigurado ka bang si Cazz na 'yan?," tanong ni Luke. Ayaw kasi niyang magpatawag ng Joshua, Luke nalang daw.

"Oo nga sabi," pagpupumilit ko. Ayaw kasing maniwala ni Luke na si Cazz yung maingay. Hindi daw kasi gano'n ang best friend niya dati. Kahit nga ako hindi makapaniwala.

"LJ! Oppah!" *irit* Tiningnan namin ni Luke si LJ na pinipilit ang pagtawa.

"Jisoo! 🎤 Eyo, Y-Axis. Eyo, Y-Axis. 🎤"

"Pfft. Huwahahahaha!" Hindi na namin napigilan ang pagtawa.

Mabuti nalang kami lang ang nakakarinig kay Cazz. Malayo na ang ibang kapit-bahay dito.

"I can't believe it. Fan siya natin?" Tanong ni Luke.

"Yup. Hindi ba obvious?" Sabay tawa ulit namin.

His Zealous FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon