CHAPTER 1: Good News!

186 7 3
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, sinalubong na ako ni Rien at kung anu-ano ang ikinukwento. Hindi muna hinintay na makaupo ang dyosa niyang kaibigan. Chos.

"May comeback daw ang Y-Axis bago ang Asian tour nila Cazz. At nareceive mo ba ang text ko? Ba't hindi ka nagreply? Tsaka si LJ may sakit daw, nabalitaan mo?"

"Te-teka, paki-ulit. Anong meron kay LJ?," tanong ko kay Rien. Hindi ko pinapakinggan ang mga sinasabi niya, pero may binanggit siya tungkol kay LJ. Ano nanaman ba ang kalokohan ng labidabs ko?

"Si Leejung ka ko, may sakit." Parang may bubuyog na pumasok sa tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"What?! Kailan pa? Bakit wala naman akong nabasa kagabi?!," nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin dahil sa pagsigaw ko. Nagpeace sign naman ako sa kanila.
May ibang KPopper din sa kanila, pero lamang ang mga walang kaalam-alam sa mundo. Kung alam lang nila kung gaano kasaya ang pumasok sa mundo ng KPop.

Anong nangyari sa asawa ko? Kung nasa piling niya lang sana ako, maaalagaan ko siya. So, yun ang bad news ni Rien? Bakit sobrang bad naman ata?

Binuksan ko ang phone ko at nagbasa-basa ng mga status ng friends ko sa Facebook. Nagbukas din ako ng Twitter.

Hala. Oo nga. Bakit may gastritis siya? Bakit hindi ko man lang nalaman? Ano bang sakit yon?

Sinearch ko ulit sa internet kung anong ibig sabihin ng sakit na 'yon. Mabuti nalang hindi kalalaan. Akala ko naman, kung ano na. Pero nakakaawa pa rin si LJ. Sana gumaling na siya kaagad. Baka hindi siya makasama sa Asian tour. Toktok Lord, 'wag naman po sana.

Speaking of Asian tour, yung text nga pala ni Rien kagabi.

"Hoy, babaita," tawag ko sa kanya na nakikipagdaldalan pa sa iba kong kaklase. "Ano bang ticket ang sinasabi mo kagabi?"

Umaasa ako sa sasabihin mo.

"Saan pa ba? Edi sa fanmeeting ng Y-Axis." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Fa-fa-fanmeeting? Libre? Sino? Bakit? T-t-to-too?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Mismo. Sino? Si kuya Bino, staff ng Queen Ent. Bakit? Kakilala siya ng pinsan ko, kaibigan. Kaya napasama tayo sa libre kasi nagtanong si kuya Bino kung sino pa ang maisasama ng pinsan ko. Tinanong niya ako at sumagot ako ng oo. Tinanong ako kung may kasama, tinanong ko kung pwede ka. Sabi, oo. Kaya libre tayo ng VIP ticket. Masaya ka na? Makikita mo na si LJ labs mo."

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. I can't take my breathe breathe breathe~

Talaga? Nananaginip ba ako? Jinja?! Tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Makikita ko na sila. Makikita ko na si LJ.

"Paki sampal nga ang mukha ko Rien," pakiusap ko dahil hindi pa rin ako naniniwala. Baka nananaginip pa ako.

*pak* Ouch.

Mas masakit pa rin ang pag-iwan niya sa'kin.

Never mind. Naalala ko nanaman siya. Siya na nang-iwan ng walang pasabi. Siya na hindi nagpaalam.

Akala ko magkaibigan kami. Akala lang pala ang lahat.

Tama na. May LJ na ako. Ayoko na sa kanya. Oo nagustuhan ko na siya, iniwan niya naman akong nag-iisa.

Tama na nga.

Nagising ako sa pagsampal ni Rien, pangalawang beses na. Aba, sumusobra na ang bruha. Tiningnan ko siya ng masama.

"Akala ko kasi-." 

"Okay class, good morning. " Andito na pala ang teacher namin. Paano na ako sa test? Tiyak na hindi ako makakapag-concentrate.
Goodluck Cazz! Kaya mo yan. Fighting! Mamaya mo na isipin ang fanmeeting.

His Zealous FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon