Sunday.
Cazz..
Isang linggo't mahigit na rin pala kaming naandito sa Tarlac. Sa loob ng isang linggo, sobrang daming nangyari. Kahit na may mga conflicts at circumstances, mas masaya pa rin kesa nagkukulong dito sa k'warto at nanonood ng sari-saring music videos. Lumungkot ang paligid dahil sa mga taong umalis at taong nawala. Iniinggit din ako ni Rien, natanggap na daw nila ng pinsan niya ang ticket para sa fan meeting. Ibinigay na daw ng pinsan niya yung ticket na para sa'kin sa isa niyang pinsan. Marami pa namang paraaan para maging masaya. Marami pang dahilan para ngumiti.
Hindi ko natanong kung anong pangalan nung poging anak nung nakabanggaan ni tita Merly. Sayang, ise-search ko pa naman sa Fb.
*pop* Who's that pokemonster?
From: Luke
Cazz wala ka bang balak pumunta sa fan meeting? Sa Wednesday na yon.
Kung puwede lang. Itry ko kaya ulit na magpaalam kay mama.
To: Luke
Ayaw akong payagan ni mama. Nagpaalam ulit ako pero hindi pa rin ako pinayagan.
Baka daw madisgrasya ako o whatsoever. Ay oo nga pala, 'di ba sinabi ni Ceejay na sasamahan niya ako kung sakali? Baka naman payagan na ako kapag sinabi kong kasama ko si Ceejay.
From: Luke
Sige, ako ang kakausap kay tita. Baka hindi na rin tayo magkita kasi pinababalik na rin kaagad kami sa Korea pagkatapos ng audition. Kaya kailangang magkita ulit tayo, isama mo na rin si Ceejay kapag napapayag ko na si tita Pao.
Oo nga pala, yung audition. Mag-audition kaya ako. This is my greatest chance. Kakanta lang ako? I don't know how to dance, may alam ako kaso konting steps lang ng mga girl group na sayaw.
To: Luke
Talaga? Sige, salamat. Sasabihan ko na rin si Ceejay.
From: Luke
Napapayag ko na si tita, basta daw kasama mo si Ceejay pagpunta niyo. Sa martes na kayo lumuwas, mahirap kapag miyerkules mismo.
Talaga?! Napapayag niya si mama?! Hala. Pano ko kaya pasasalamatan si Luke?
To: Luke
Salamat Luke! Sige, sasabihan ko na si Ceejay. Ay teka nga pala, saan kami matutulog? Kung miyerkules pa naman ang fan meeting.
From: Luke
Sa hotel na tutulugan din namin. :-)
Woh?! Jinja?! Makikita ko din ibig sabihin yung ibang members ng Y-Axis sa hotel na 'yon? Sobra pa 'to sa VIP ticket.
To: Luke
Yung tungkol sa tickets nga pala?
From: Luke
Ako na ang bahala 'don.
To: Luke
Ah sige. Thanky thanky.
From: Luke
You are always welcome.
Napangiti nalang ako. Fan meeting, here I come.
*****
Bumaba ako para kumain ng breakfast. Pagbaba ko nakita kong kumakain si Ceejay sa kusina. Wala ba silang pagkain sa bahay nila? Bakit lagi siyang nandito? Hayst, never mind.

BINABASA MO ANG
His Zealous Fangirl
Teen FictionYung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala. Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila. Tapos... part na ni bias. So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamon...