CHAPTER 10: Glum Moment

40 4 1
                                    

Cazz..

[Now playing: Nothing Like Us (cover by Jungkook)]

Wala na.

Wala na. Wala na.

Wala na. Wala na. Wala na.

Nawalan na ako ng pag-asa.

Wala nga pala akong karapatang makaramdam ng ganito. Naging mabait lang sa akin ang tadhana kaya nagkatagpo kami ng landas ni LJ. Well, isama na natin si Luke.

Isa lang akong fangirl. I am just a fangirl na hindi pagkakainteresan ng isang katulad ni Park Leejung. Bakit masakit pa rin?

Bakit sa tuwing maaalala ko yung tagpo sa mall kanina, nakakaramdam ako ng kirot sa puso? Oo na, OA na kung OA. Kasalanan ko bang nakakaramdam ako ng ganito? Tao lang din naman ako.

Kahit na tanggap ko na dati na baka hindi ko talaga makikita si LJ sa buong buhay ko, umasa pa rin ako kahit papaano. Ngayon, para akong sinampal ng katotohanan. I am just a nobody. And he is somebody. Lianne has a name also in the industry.  In short, bagay sila. Fit na fit.

Sige na nga, ako na ang may kasalanan. Dapat kasi hindi ko nalang sila sinundan. Ako pa tuloy ang nasaktan.

Bakit ka naman ganito sa'kin Tads? Akala ko ba okay na tayo?

Sandali, let's go back to reality na kasi. Masyado lang talaga akong assuming. May laban ba ako kay Lianne? Ewan. Hindi ko 'yan masasagot.

Let's be happy nalang. Kailangan kong maging masaya kahit na sa totoo, hindi naman talaga. Pero kakayanin kong ipeke ang mga ngiti sa labing 'to, basta sa ikasasaya ng bias ko.

Tama na nga ang drama. Madami pa namang iba dyan. Pero magiging loyal pa rin ako kapag bias ang pinaguusapan.

Nauna na kami kanina ni Ceejay na umuwi dahil nga sa masamang pakiramdam ko. Dalawang sasakyan ang gamit namin kanina nung pumunta kami sa mall. Si Luke, kotse ng mama niya ang gamit niya. Si Ceejay naman, yung pickup na ginagamit niya kapag may lakad o performance ang banda nila.

Ngayon, nasa k'warto ako at paulit-ulit na ipini-play sa utak ko ang mga narinig ko kanina sa parking lot.

Awch. It hurts. Kalimutan na nga natin ang bagay na 'yon. Let's live like nothing happened,  like there's nothing I've heard.

Itutulog ko na lang muna 'to. Siguradong paggising ko, nakalimutan ko na ang lahat.

*hikab* Nakakapagod din ang araw na 'to, magpapahinga muna ako.

*******
Luke..

Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon? Kanina lang ang hyper pa, tapos bigla nalang magiging parang lantang gulay na ewan.

Tanong ko lang ha, nasisiraan na ba ng bait ang mga tao sa mundo? Eh kanina pa kasi ngiti ng ngiti ang kasama ko. Abot tenga na nga, may kasama pang tawa.

"Pre okay ka lang?" Tanong ko kay LJ. Baka mamaya nababaliw na pala 'to at kung ano pa ang gawin.

Hindi siya sumagot at nakangiti pa rin.

"LJ naman. 'Wag kang ganyan. Nababaliw ka na ba o ano?"

"Ha? Anong sabi mo?" Bingi na rin siya mga 'tol.

"Bakit masaya ka ata ngayon? Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan kasaya ah." May nangyari ba? Nanalo ba siya ng lotto? May natapakan ba siyang jackpot?  Oh, baka naman nagkabalikan na sila ni-

"Lianne." Mwo? Anong meron sa kanya?

"Anong nangyari kay Lianne na ikinasaya mo?" Tanong ko.

His Zealous FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon