Ang bilis namang lumipas ng mga araw. Akalain mo, tuesday na pala ngayon. Dalawang tulog nalang magkikita na kami ulit ng Luke na 'yon. Or should I say, Jisoo?
Goshness. I can't believe it. Not unless makita ko na siya ng personal. Bakit siya pa ang naging bias wrecker ko? Hindi ko 'to matatanggap. Pinaglalaruan talaga ako ni Tads for sure.
Kilala niyo ba si Tads? Kaibigan ko 'yon. Sa sobrang closeness namin, ako nalang ata ang kilala niya.
Sa tagal ng panahon na lumipas, hindi ko man lang nalaman na miyembro pala si Luke ng Y-Axis. Sabagay, may mukha naman siya kahit papaano. I mean, kaya ko nga siya nagustuhan dati, kasi siyempre may attractive looks. I guess, papatawarin ko na siya. Buwahaha, I have a bright idea.
Dahil miyembro siya ng Y-Axis, kakaibiganin ko ulit siya. At, *devilish grin* may malaking chance na makita ko si LJ. Muwahahahaha. Baliw lang. Hindi naman talaga ako yung tipo ng tao na sineseryoso ang mga ganong bagay, katulad ng pang-iiwan ni Luke. Anoman ang dahilan niya, dahilan niya 'yon, wala na akong paki. Gulo no? Basta, ang alam ko lang sa ngayon, kailangan kong mapalapit ulit sa Luke na 'yon para matupad ang aking mga minimithi.
Hindi ako nakapagpapirma ng clearance kahapon, hindi ko pa rin nakukuha ang card at certificate ko. Kaya kailangan kong makapunta mamayang hapon sa school. Wala na namang masyadong requirements. Ang kailangan lang naming dalhin ay ang mga libro na ipinahiram sa amin. Hindi man lang ako hinintay ni Rien na magpapirma, pero no choice siya. Kailangan niya pa rin akong samahan ngayon.
"Ano? Bakit kayo nakatingin sa'kin?" Tanong ko kay mama at ate Caren. Kanina pa sila nakatingin sa akin habang kumakain kami ng tanghalian. Para silang mga timang. Yung tingin nila, parang gustong kumain ng tao.
"Okay ka na? Tanggap mo na?," ate Caren said. Mukha ba? Nakakaaaar, nakalimutan ko na nga ang bagay na 'yon, pinaalala nanaman.
"Oo ayos na. May maganda-ganda namang kapalit ang bagay na 'yon," malaman kong sagot. Makikita ko na naman si LJ, soon. Kini-claim ko nang magkikita kami. I can't wait, sana huwebes na agad. Papakuwentuhin ko ang Luke na yon tungkol kay LJ. My gosh, baka hindi na ako makahinga sa mga pagkakataong yon.
"Oh ano si Luke nga 'yon?," tanong ulit ni ate. No, hindi ko sasabihin. Kailangang 'wag nilang malaman, for my own reasons.
"Hindi. Ang layo kamo. Nagpapicture lang si tita Merly sa Koreano na 'yon, nong nasa Korea siya," best liar lines.
Bigla kong naisip, paano kung hindi naman nga talaga si Luke si Jisoo? Paano kung nagpapicture nga lang si tita Merly kay Jisoo nong nasa Korea siya? Paano na ang plano ko?! Shems. Sana naman hindi totoo ang mga pumasok sa isip ko.
"Alis na ako!" Pagpapaalam ko. Kinuha ko na agad ang sling bag ko pagkatapos kong kumain.
"Hoy babae! Wala kang balak mag toothbrush?!" Sigaw ni mama. Hindi ko na siya sinagot at tumawag na ng taxi. Nag toothbrush na naman ako kanina bago kumain, okay na 'yon.
Sa school na kami magkikita ni Rien. Madali ko lang naman sigurong makukuha ang card at certificate ko. Sumakay na ako sa taxi na pinara ko.
~~~
Pagpasok ko sa gate, patakbo akong pupunta sana sa room namin nang may nabangga akong tao. Nalaglag ang mga libro kong dala sa semento. I crouched, para kunin nang isa-isa ang mga nahulog nang sumigaw ang nakabanggaan ko.
"Hoy! Kung sino ka mang nilalang ka! Hindi ka ba magso-sorry man lang?! Kilala mo ba kung sino ang binangga mo ha?!" Napahinto ako sa pagpupulot at napatingala ako para tingnan kung sino nga siya.
BINABASA MO ANG
His Zealous Fangirl
Teen FictionYung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala. Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila. Tapos... part na ni bias. So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamon...