Luke..
Nasa Korea pa rin ako ngayon, at next next week pa ako makakapunta ng Pilipinas. Na-inform ko na rin si Cazz na hindi na ako makakapunta sa probinsya. Bakit ba kasi kailangang ako pa ang sumama at magbantay sa LJ na 'to dito sa ospital. You heard me right.
Miyembro kami ng Y-Axis. Hindi ko nga alam kung alam ba ni Cazz na isa ako sa miyembro ng grupong ito.
Pareho kaming marunong mag-tagalog ni LJ dahil may dugo kaming Pilipino. Dalawa lang kaming may lahing Pilipino sa grupo. Madalas, kami ang magkasama dahil nga sa pareho kaming marunong mag-tagalog. Mahirap din kapag lagi-laging Korean ang sinasalita namin.
Naandito ako ngayon sa ospital at nagbabantay kay LJ. Nagkaroon siya ng gastritis kaya pinatigil muna siya sa trabaho. At kapag sinuswerte ka nga naman, pati ako damay.
Tungkol kay Cazzryl, kaibigan ko siya dati nong mga bata pa kami. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Late akong pumasok ng grade 1, that explains kung bakit grade 7 siya at grade 8 ako noong umalis ako ng probinsya. Two years ang agwat namin pero isang baitang lang ang agwat naming dalawa.
Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil bigla nalang akong umalis nang walang paalam. Mag-g-grade 11 na ako nong umalis ako sa Pilipinas papunta dito sa Korea. Music is my passion at na-introduce din naman sa akin ang KPop kaya nagustuhan ko. Naging trainee ako for two years, at naging miyembro na ng Y-Axis.
Next week pa ang bentahan ng tickets sa Pilipinas para sa fan meeting namin. The next week ay ang fan meeting na at by that moment, inaasahang magaling na 'tong kasama ko.
Natutulog si LJ ngayon kaya pinlano ko munang lumabas para bumili ng makakain. Naubos na ang pinadala ng Queen Ent. na makakain kaya bibili muna ako. Baka kasi biglang magising ang utol ko at maghanap ng pagkain.
Maliban sa gastritis, may iba pang iniinda ang mokong. Bandang puso ang may tama. Nakuha niyo? Nag-break na kasi sila ni Lianne, trainee ng Queen Ent. para sa next girl group na pag-d-debut-hin nila. Maganda naman si Lianne, kaso may ugali. Kaya nga hindi ko nagustuhan. Pero mukhang bagay naman sila sa ugali at personalidad ni LJ.
Share ko lang ha. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko sa Y-Axis. Nangangapa pa ako kapag kinakausap ako ng ibang miyembro dahil Taiwanese naman ang isa ko pang lahi. Mabuti si LJ half Korean kaya madali lang sa kanya. Plano ko na ngang umalis kaso bago pa lang ang grupo. At isa pa, sigurado akong maraming magagalit na fans.
English nalang ang ginagamit kong medium para kausapin ang iba. Kapag minsan naman hindi ko naiintindihan ang iba nilang sinasabi, tina-translate ni LJ.
Pagbalik ko sa loob ng room ni LJ, may dala-dala na akong nga pagkain. Spicy rice cakes, black bean noodles at kimchi. Hay, nakakamiss na rin ang nga pagkaing pinoy.
"Luke, anong sabi ng doktor kanina. Okay na ba daw ako?" Tanong ni LJ. Gising na pala ang mokong.
"You're still sick bro. You still need to rest." O diba? Englishan lang yan.
"Ah sige. Ano yang kinakain mo? Nagugutom na ako," reklamo niya.
Ibinigay ko sa kanya ang black bean noodles. Para sa akin lang ang kimchi at spicy rice cake.
"Sandali. Ang daya mo naman ata. Penge akong kimchi at yang kinakain mo." Naman, sinabing bawal nga sa kanya ang ganitong klase ng pagkain. Ang kulit.
BINABASA MO ANG
His Zealous Fangirl
Teen FictionYung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala. Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila. Tapos... part na ni bias. So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamon...